PROLOGUE
"M-mommy" ummiyak na sambit ko ng makarinig pa ng ilang putok ng baril , mahigpit ang hawak ko sa aking ina habang hila hila nya ako papunta sa likurang bahagi ng aming mansiyon kung saan nandun ang sikretong lagusan na ginagamit ko pag tatakas sa mansyon
"Anak makinig ka " tumigil si ina sa pag lalakad at hinawakan ako sa aking balikat ramdam ko ang takot ni ina "puntahan mo si manang siling sya ang naging tagapangalaga ko simula pagkabata iabot mo sakanya ito " inabot nya sa aking ang isang papel na may nakasulat na liham , inabutan nya den ako ng pera , ngunit natatakot ako tumutulo ang aking luha alam ko na sa oras na iwan ko si ina ay hindi ko na sya makikita pa
kamamatay lang ni ama at sakin nya iniwan ang lahat ng ari arian ng zhoruanier family , kayat gusto kaming ipapatay ni tito kasama na si ina " anak wag kang matakot , kailangan mong mabuhay " niyakap ako ni ina ng mahigpit "anak ko mahal na mahal kita , kahit anong mangyare kailangan mong mabuhay " tinitigan ako ni ina sa mata ramdam ko sa titig nya ang halo halong emosyon , nasasaktan ako at takot na takot , nakarinig pa ako ng putok ng baril na papalapit sa amin hinila ako ng mabilis ni ina at tinulak sa lagusan "sige na anak umalis kana " "ina sumama ka nalang saken ,paki usap " umiling si ina "hindi maari anak ito lang ang dahilan para hindi ka nila masundan " umiiling ako na umaatras ng dahan dahan nag umpisa na manikip ang dibdib ko nag uu ahan ang kaba at pag tulo ng mga luha ko , hindi ko kayang iwan si ina , marami na ang patay sa mansyon ang aming mga guard at ilang mga katulong ,
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si tito sa likuran ni ina marami pa syang kasama na kalakihan mga naka itim nakatutok ang baril ni tito kay ina tatakbuhin ko sana ang pabalik ng narinig ko ang pagkasa ng baril at ang paglabas ng dugo sa mga labi ni ina nakatitig sya sakin at may luhang pumapatak , mahal kita anak nabasa ko na sambit nya sa kanyang mga labi "hanapin nyo si Lorraine alam kung hindi pa iyon nakaka layo " narinig kung sambit ni tito mabilis akong nagtago sa puno " yes sir" mabili na nagkalat ang mga nakaitim , hindi alintana ang luha na tumatakip sa aking paningin tinahak ko ang pabundok sa likuran ng aming mansyon takbo lakad ang aking ginawa nadadapa at natatapilok na ako ay tuloy ako sa aking pag lalakad upang marating ang terminal ng bus
Ng marating ko ang terminal ay marami ang tumitingin sa aken ang puti kung dress ay nababahiran ng putik at may mga dahon dahon madumi na den ang sandals na aking suot , gusot gusot na den ang aking buhok na waring hindi nasuklayan ng isang linggo , sinubukan ko sumakay sa unang bus na aking nakita ngunit sinabihan lamang ako na baka akoy naliligaw , uhaw at gutom na ang aking nararamdaman , hindi ko alintana iyon dahil sa aking pag mamadali mag gagabi na ngunit wala pa ren akong masakyan.
Nanlaki ang aking mga mata na tumingin sa paligid at nakita ang ilan sa mga kalalakihan na naka itim nag tago ako at nag takip ng mukha , papalapit na sila sa aken nag lakad ako ng dahan dahan patawid ng kalsada pero dahil agaw pansin ang aking kalagayan ay namukhaan ako ng isa sakanila agad agad ito humugot ng baril at pinaputukan ako agad akong naka iwas at nagtago sa mga sasakyan nag kagulo ang lahat nag takbuhan at ang iba ay nagsisigawan dahil sa kaguluhan umandar ang ilang mga sasakyan agad akong nakakita ng truck na may tabing ang likuran umakyat ako at pumasok sa loob sobrang init at sikip sa loob hindi ko na alintana iyon dahil sa takot na aking nararamdaman , naramdaman ko ang unting unti pag galaw ng truck , sumilip ako nakita ang mga naka itim na nagkalat na tila hinahanap ako nakahinga ako ng makita na gumalaw na ang truck at unti unti silay lumiit sa paningin ko