Naubos na lang ang buong araw niya kakascroll sa social medias niya upang makahanap ng mga larawan ng kanyang bride to be. Ang ipinadala kasing mga larawan ng kanyang private investigator ay pawang stolen shots.Wala kasing isang larawan nito na nakaharap sa camera.Mayroon naman pero ang iba ay nakasuot ito ng maluwag na jacket hood at may suot na shades at nakaface-mask pa. Hindi niya puwedeng biguin ang kanyang daddy Fred at Tito Ricardo dahil isa sa rason kung bakit pinayagan siyang makapagbakasyon ay dahil nagpromise siya sa mga ito na tutulong sa paghahanap sa nawawalang dalaga na magiging bride to be niya. "Sa bagay ayaw mo naman iharap sa camera ang pagmumukha mo dahil siguradong pagpipistahan ka ng mga bashers dahil sa sobrang pangit mo," bulalas niya habang titig na titig sa haw

