"What a beautiful sight up here," bulalas niya ng makarating na sa Monte De Lor kung makikita ang buong Isla Del Azul. Bukang liwayway na siyang nakarating dito dahil mag-aalas singko na ng umaga siyang magsimulang bagtasin ang daan papunta dito na imbes alas y medya ng umaga ang jump-off papunta sa monte. Mga kalahating oras din ang babagtasin papunta sa toktok ng monte na ibig sabihin ay bundok.Muntik niya pang makalimutan na sasama siya sa mga hikers ngayon kung hindi lang siya nag-alarm ay talagang hindi siya magigising. Epekto yata ng manyakis na mga babae at lalong-lalo na ng gwapong ngunit makati na lalake na nakita niya kagabi kaya't hirap siyang makatulog. Pagkatapos niya kasing eesketch ang mukha ng lalake ay bumalik na rin siya sa loob ng kanyang cottage at humiga na upang

