Zinnia's P. O. V.
"Hey! wake-up. We are here! ", naiinis na wika ni Carter kaya agad akong napamulat dahil naka idlip pala ako habang binabagtas namin ang daan papunta ng aking Kompanya.
"Suplado. Hmmmmp", taas kilay kong sabi sabay bukas ng pinto para bumababa ng kotse ngunit naiinis siyang nagsalita.
"Walang pasasalamat? Ganoon-ganoon lang yon matapos kitang ihatid dito? ", aniya Carter na nakasalubong na naman ang mga kilay sa akin.
"Bayad ko sa Gas. Kunin mo na dahil nakakahiya naman",pahayag ko sabay bigay sa kanya ng limang libo ngunit pagak siyang tumawa sa akin.
"Pasasalamat ang gusto ko at hindi Cash dahil madami ako niyan"
"Ayosin mo muna ang ugali mo dahil ang sama-sama mo sa akin tapos pagdating kay Gwyn at ibang tao ay ang bait-bait mo. Tell me, bakit ba palaging kumukulo ang dugo mo sa akin? "
"Because I don't like you", malamig niyang sagot sa akin ngunit tinaasan ko siya ng kilay coz I don' t like him too!
"Ayaw ko din sayo kahit Nobyo ka ng kaibigan ko at kapatid ng Boyfriend ko. Suplado!!", naiinis kong sabi bago lumabas ng Kotse ngunit napatigil ako sa paghakbang ng mga paa papalayo sa kanya.
Bumalik ako at sumulip sa pinto ng kotse.
"Salamat sa paghatid. Okay na? Happy? ", naiinis kong sabi sabay sipa ng kanyang kotse bago umalis. Kailangan ko pa ring magpasalamat dahil hinatid niya ako kahit umuusok ang ilong ko sa kanya dahil sa inis.
Nakita ko kung paano siya napailing sa ginawa ko bago umalis kaya napa Cross ako ng mga braso habang naglalakad papasok ng sarili kong Kompanya.
"Good Morning po Ma"am, wika ng mga Guards na pinayongan ako papasok.
"Pacensya na po kung hindi namin kaagad napansin na kayo po pala ang lumabas sa napakaganda at mamahaling kotse na iyon", wika ng isang Guard kaya napatigil ako at napatitig sa kanya.
"Mas maganda ba iyon sa Kotse ko? ", tanong ko sa kanila.
"Ahhhh. Hindi naman po sa ganoon, Ma'am"
"Maganda din naman po ang Kotse na ginagamit nyo kaya lang----
Ayaw nilang magsalita ng totoo dahil baka magalit ko at masisante sila sa trabaho.
"Be honest to me. Kailangan ko na bang palitan ang Baby Car ko? ", pagtukoy ko sa aking Kotse.
"Hindi naman po siguro kailangan dahil maganda pa naman po ang Kotse nyo",
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang malapit na ako sa aking Opisina ay sinabihan ko silang bumalik na sa kanilang pwesto dahil agad akong sinalubong ni Lorelie at Jelay na aking Secretary at Personal Assistant.
"Good Morning sa napakaganda, Sexy, at Masherep naming Boss Zinnia Ferrera", sabay nilang pagbati sa akin na ubod ng sigla.
"Good Morning", matipid kong sagot.
"Badtrip po ba kayo, Ma'am? What happened? You can share it with us", maarteng tanong ni Jelay na dahil sa sobrang Comportable niya sa akin ay parang matalik kong kaibigan makipag usap kaya nakakaltukan ko minsan. Twenty two pa lang ang edad niya pero kung gumalaw at manamit ay para ng napakamatured na babae. Pati ang kanyang make up ay putok na putok din.
Samantalang si Lorelie na aking Secretary ay kabaliktaran kay Jelay dahil sa kabila ng kanyang edad na beynte otso ay kung manamit at mag-ayos ng buhok ay parang bata dahil sa kanyang mga colorful hairclips and Ponytail. Para din siyang si Betty La Pia dahil sa kanyang makapal na eye glasses at Braces.
Minsan napapaisip ako kung bakit ang Weird ng dalawang assistant ko. Napapasampal na lang ako sa noo pero good thing dahil nakakahawa ang kanilang energy. Hindi ako pala-salitang babae pero dahil sa kanila ay natututo akong makipagsabayan sa mga extroverts people lalo na sa mga Clients ng Company ko.
"Ang init-init talaga ng ulo ko sa kanya. Grrrrrrr! nanggigil ako", sagot ko nang makaupo sa aking swivel chair
"Si Pogi ba yan? ", tanong ni Lorelie
"Si Carter my labs ? ",tanong naman ni Jelay kaya napatango na lang ako.
"Inlababo ka talaga sa kanya, Ma"am", wika ni Lorelie ngunit nilakihan ko ito ng mga mata.
"Baka may makarinig sayo", aniya ko
"Tama. Baka may makarinig sayo na inlab si Ma"am kay Carter my Labs na kapatid ng Boyfriend ni Ma"am", pag ulit pa ni Jelay kaya napasampal na lamang ako sa noo dahil sa pasaway kong Secretay at Personal Assistant.
"Hindi nyo talaga pinag-iisipan ang sinasabi nyo ey ano? "
"Hindi po Ma"am dahil wala naman po kaming isip", sagot ni Lorelie sa akin kaya napailing na lang ako.
"Anong oras nga ulit ang meeting ko with the clients?", tanong ko sa isip bata kong Secretary.
"9:00 am po Ma"am. Don' t worry po dahil naayos na namin ang Conference room at hinihintay na lang ang mga Clients to starts the meeting"
"Good. May mga Documents ba na kailangan kong permahan? "
"Here po, Ma"am", sagot ni Jelay sabay lapag ng mga papers sa table ko.
"Nga pala Ma"am, may delivery po galing kay Atty. Elijah", kinikilig na wika ni Jelay
"Ano yon? ", I ask her with a curious face.
"Ito po Ma'am. Flowers and Chocolates from your Handsome, Hot, and Genuis Boyfriend", pag abot ni Lorelie sa akin
Kinuha ko ang mga bulaklak at chocolates kaya mas lalong kinilig ang dalawa. Napangiti ako dahil napaka consistent talaga ni Elijah sa akin. Napaka Green Flag niyang Boyfriend.
"Ang swerte nyo naman po kay Atty. Elijah dahil bukod sa sobrang gwapo ay ang bait-bait pa. Mahal na mahal ka po ni Atty Elijah kaya wag nyo na pong isipin palagi si Engr. Carter my labs", wika ni Jelay.
"Oo nga po, Ma"am. Pareho naman po silang gwapo na magkapatid pero bakit lagi nyong iniisip si Engr Carter Yuchengco?
"Abay malay ko. Basta ang alam ko ay Mahal ko si Elijah at masaya ako sa relasyon naming dalawa", sagot ko.
"Truelala ba yan? Baka isang araw pag gising namin ay naagaw mo na pala si Carter sa iyong kaibigan na si Gwyn", aniya Lorelie.
"Impossible. Hindi ko siya aagawin sa kaibigan ko. Isa pa, may Elijah na ako"
"Sus. Baka kainin nyo lang ang pinagsasabi nyo Ma'am" , si Lorelie yon
"Tama na nga ang Chicka. Magtrabaho na lang kayo ng maayos dahil sayang ng oras", pag-iiba ko ng usapan.
Tatalikod na sana ang dalawa ngunit pinigilan ko ang mga ito.
"Kailangan ko na palang palitan ang Kotse ko"
"Bakit po? Maganda pa naman po yon at Pwde pang maayos ang sira", pahayag ni Jelai.
"Ayaw ko na noon dahil luma na at hindi mamahalin. Hanapan nyo ako ng latest model at pinakamahal na BMW Car"
"Wow. Sige po, Ma"am hahanap po agad kami ng maganda at mamahaling BMW para sainyo", masayang sabi ng dalawa bago lumabas ng office ko.
Napaka OA talaga nilang dalawa at kulang na lang ay kakaltukan ko na ang mga noo nila.
Tumayo ako at inayos ang sarili dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang aming meeting. I am glad kasi paglawak ng palawak na ang scope ng aking Kompanya. May mga Clients ako na handang i promote ang Clothing Brand ko.
Ako ang Model ng mga damit na pang 20's pero sa pang bata at ibang age ay kumukuha ako at nadadagdagan na sila ngayon dahil Pataas ng pataas na ang Sales ng Company ko per month.
Matapos ang isang oras na meeting ay napasandal ako sa aking Swivel Chair nang biglang kumatok si Lorelie
"Come in"
"May nadagdag sa Schedule nyo this day Ma"am"
"Ano yon? ", nagtataka kong tanong.
"May Dinner date po kayo with Atty. Elijah and his Family mamayang Six Pm po", wika ni Lorelie habang nakatingin sa kanyang hawak-hawak ng tablet.
"Ano? Sino ang nagsabi sayo? , nabibigla kong tanong.
"Si Chairman Ronaldo po. Ang Daddy ng Nobyo nyo----Ahhm, sasabihin ko po ba na hindi kayo makaka-attend?"
"No. I mean, a-attend ako dahil bihira lang silang magyaya for Dinner date with my Boyfriend. Inform him na a-attend ako but I have to call Elijah first pala. Wait for a seconds"
"He is calling na", wika ko kay Lorelie bago palabasin
Masaya akong nakipag-usap sa aking Nobyo at pagkatapos ng tawag ay nanlulumo ang tuhod ko sa kaba dahil gusto daw akong makaharap ulit ng Daddy at Mommy niya.
I have no idea kung bakit gusto nila akong makausap with Elijah. Gusto na ba nila kaming ipakasal?
Isa pa, bakit sa Mansyon ng mga Yuchengco ang dinner date? Baka makita ko pa doon ang kapatid niyang saksakan ng Suplado.