Zinnia's P. O.V.
6:00 Pm ang usapan for Dinner with my Boyfriend Elijah and his family kaya 5:00 pm ay inayos ko na ang aking sarili dahil susunduin na ako ni Elijah dito sa Kompanya papunta ng kanilang Mansyon. I have walk in closet naman here in my office kaya dito na ako mag-aayos.
I chose a maroon bodycon dress, perfectly tailored to my hourglass figure. I designed the dress myself, so I’m the only one in the Philippines who has it since I didn’t release it to the market. Well I have so many clothes naman talaga na ako lang ang meron since I personally design and sew them for myself.
Pagkatapos kong masuot ang aking Dress ay naglagay ako ng light make up sa aking mukha. Maganda na ako kaya hindi ko na kailangang maglagay ng kung ano-ano pa sa mukha.
Sunuklay ko ang aking wavey hair na kulay blonde dahil maglulugay lang ako ng buhok. Pagkatapos kong maglagay ng light lipstick sa aking mga labi ay malawak akong napangiti sa harapan ng Whole Body Mirror dahil ang ganda-ganda ko.
Simple yet beautiful and elegant.
""Pak! ang sexy at ganda mo Ma'am Zin. Baka maputokan ka ni Atty Elijah mamaya niyan", wika ni Jelay nang madatnan akong nag-aayos sa aking walk in closet.
"Hindi ka man lang kumatok bago pumasok. Hay naku, Jelay. Kapag ako napuno, I will fire you", pagbabanta ko sa kanya pero biro lang naman yon.
"Sus. Hindi nyo kakayanin kapag nawalan kayo ng Personal Assistant na kagaya ko"
"Kampante ka talaga ano? Anyway, what do you mean maputokan? Ng ano? ", tanong ko sa kanya kahit I have idea naman kung ano ang tinutukoy niya.
"Maputokan ng tam0d Ma'am. Naku, siyam na buwan kang busog niyan kapag nagkataon" , wika niya sa akin .
Napailing na lamang ako dahil hindi ko kinakaya ang mga salitang binibitiwan ni Jelay. Ang bata-bata pa pero ang dami ng alam sa seks.
"Hindi pa ako handang magkaroon ng Baby kaya impossible yang sinasabi mo"
"Pero possible po na mang-gigil na naman si Atty. Elijah sayo. Sana all may dilig",
"Lagi namang gigil sa akin si Elijah", nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ready na po ba kayo Ma'am Zin? Pataas na po si Atty Elijah para sundoin kayo", bungad ni Lorelie nang lumabas ako mula sa aking Walk in Closet.
"Yeah. Maganda na ba ako, Lorelie? "
"Yes na yes Ma"am. Ang ganda at sexy nyo po", masigla niyang sagot sa akin.
"Nandyan na po ang Boyfriend nyo Ma"am", bulalas ni Jelay.
Malawak akong napangiti ng bumungad ng pinto si Elijah. Naka formal attire ito na tuxedo at napakagwapo niya ng mga sandaling iyon.
"Wow. You look gorgeous, my Love. I love you", wika niya sa akin sabay halik sa aking pisngi at labi.
"Thank you, my Love. Ikaw din ang gwapo gwapo mo at ang sherep", pabulong kong sabi sa kanya.
"Yieehh. Nakakakilig naman po kayong dalawa", wika ni Jelay at Lorelie na may pa padyak pa ng mga paa sa sobrang kilig.
"Ako na ang bahala sa Ma'am Zinnia nyo ha.Don't worry, guys, because she is in good hands.", wika ni Elijah sa dalawa kaya mas lalong kinilig ang mga ito.
"Yieeeh. Ang swerte swerte ni Ma'am Zinnia dahil bukod sa gwapo, matalino, mayaman, ay ang bait-bait at maalaga pa si Atty Elijah", wika ni Jelay.
"Total packaged na po talaga kayong dalawa", pahayag naman ni Lorelie.
"Sus, para kayong mga teenager kong kiligin. Aalis na kami dahil baka ma late kami ni Elijah sa Dinner. Traffic pa naman", pahayag ko.
"Mag-iingat po kayo Ma'am Zin, Atty. Ba-bye po", wika ng dalawa bago kami umalis ng opisina.
Nang makapasok na kami ng Kotse ay malawak akong ngumiti sa aking Nobyo.
"Thank you, Love. Sinundo mo pa talaga ako sa taas ng office ko para maalalayan"
"I love you", sagot niya sa akin habang nakangiti kaya mas lalo siyang gumwapo sa aking paningin. Ang ganda kasi ng mga ngiti ni Elijah dahil sa mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Samantalang ang kanyang kapatid na si Carter ay hindi ko pa nakitang ngumiti sa akin ng totoo. Ngumiti si Carter sa akin noon isang araw nang hinatid niya ako sa Kompanya pero ngiting Chuckie iyon pero kahit ganoon ay ang gwapo niya pa rin?
Paano pa kaya kung ngumiti na si Carter sa aking ng pagkalawak-lawak at totoo? Eyy di mas lalong akong maga-gwapohan sa kanya.
"Are you ready, my Love? Maka-kaharap mo ulit sina Mommy at Daddy", tanong ni Elijah habang nagmamaneho kaya bigla akong napakurap.
"Kinakabahan ako, Love. Sa tingin mo bakit kaya nila tayo gustong makasama ngayon for Dinner? "
"I have no idea, pero wag kang kabahan dahil mabait naman sina Mommy at Daddy. Isa pa, gusto ka nila for me. Suportado nga nila ang relationship natin"
Sabagay, mabait naman talaga ang mga magulang ni Elijah sa akin. Gustong gusto nila ako para sa kanilang anak kaya hindi dapat ako kabahan pero napapaisip talaga ako kung bakit suddenly ay nagyaya sila ng Dinner Date.
"You are right, Love. Hindi ko kailangan kabahan", nakangiti kong sagot.
Traffic ng mga oras na iyon kaya halos abotin kami ng isang oras sa daan bago nakarating ng Mansyon nila Elijah. Pagpasok pa lang namin ng Mansyon ay hindi ko maiwasang kabahan ng sobra.
"Good evening Atty, Ma'am Zin, nasa Dining Area na po sina Chairman. Hinihintay po kayo", wika ng Mayordoma sa amin.
"Thank you", sagot ni Elijah samantalang ako ay malawak na ngumiti at tumango sa Mayordoma.
Nakahawak ako sa isang braso ni Elijah habang naglalakad papunta ng Dining Area. Napakalaki ng kanilang Mansyon kaya medyo nalula ako.
"I am sorry. Mom. Dad, we are late", wika ni Elijah nang makarating na kami ng Dining Area ngunit laking gulat ko ng makita doon si Carter at Gwyneth.
"Ang akala namin ay hindi na kayo makakarating. Anyway, naghihintay kami sainyo for the Dinner", wika ni Chairman Ronaldo habang mawalak na nakangiti sa akin ang Mommy ni Elijah.
"Sorry po,Dad. Traffic po kasi sa aming dinaanan", pahayag ni Elijah habang inaalalayan akong makaupo.
Pinilit kong kumalma kahit gulat na gulat ako sa aming nadatnan. Ang akala ko kasi ay kami lang ni Elijah ang mag di-Dinner date with his Parents. Kasama din pala sina Carter at Gwyn. Napatingin ako kay Carter na seryoso ang mukha habang katabi si Gywn. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang kasuotan dahil ang gwapo-gwapo niya ng gabing iyon. Naka formal attire din siya katulad ni Elijah pero ibang klase ang taglay niyang Karisma. Napakagwapo at Hot niya.
Pati si Gwyn ay ang ganda din. Bagay talaga sila ni Carter.
"Good evening po, Tita, Tito", pagbati ko sa kanila sabay biso-biso.
"Good Evening, Iha. Don't worry hindi naman kami galit kung bakit kayo late.", wika ni Chairman Ronaldo.
"Hi, Bestfriend", bati ni Gywn sa akin sabay halik sa pisngi samantalang si Elijah at Carter ay nagsenyasan lang ng gabing iyon bilang pagbati sa isat-isa.
Katabi ko si Gywn ng mga oras na iyon kaya bumulong ako sa kanya.
"I did not expect na nandito din kayo, Bestfriend"
"Ako din dahil ang akala ko ay kami lang ni Carter ang makakasama nila for tonight", pabulong na sagot ng akin ni Gwyn habang nakaholding hands kay Carter.
Makikipag holdinh hands din ako sa aking Nobyo pero bago ko kinuha ang kamay ni Elijah para hawakan ay tumingin muna ako kay Carter na walang emosyon kong makatingin sa akin.
Ni hindi man lang ako binati. Napakasama talaga ng ugali.
"Nagulat ba kayo? Sinadya ko talagang hindi sabihin na magkakaharap-harap tayong gabi ngayon. I have important things to be discussed with you guys", pahayag ni Chairman Ronaldo.
"I am sorry mga anak kung ginulat namin kayo ng Asawa ko. Wag kayong mag-alala dahil hindi naman nakakatakot ang sasabihin namin ni Ronaldo", pahayag naman ni Tita Nelai habang nakangiti.
"Gusto ko ng magka-Apo", diretsahang sabi ni Chairman Ronaldo.
Biglang pumantig ang aking mga teynga nang marinig ang pahayag ng Daddy ni Elijah at Carter.
"Tama ang naririnig nyo. Gusto ko ng magka-Apo kaya kailangan nyo na akong bigyan kahit hindi pa kayo Kasal.Carter at Gywn, gumawa na kayo ng Baby. Kayo din, Elijah at Zinnia, gumawa ng kayo ng Baby", dagdag pa ni Chairman Ronaldo kaya lalong nanlumo ang mga tuhod ko ng sandaling iyon at napatitig kay Elijah.
Hindi pa ako handang magkaroon ng anak at hindi pa kami kasal ni Elijah pero bakit nagdi-demand na ng Apo si Chairman Ronaldo? Napatingin ako kay Gwyn at Carter na nabigla din sa pahayag ng Chairman.
Paano kung bigyan nga ni Carter ang kanyang Daddy ng Apo tapos mabuntis si Gwyn? Hindi pa ako handa kaya sila na lang ang pag-asa ng mag-asawa. Kapag nangyari yon ay si Gwyn at Carter na nga ang para sa isat-isa.