Apoy 52

1298 Words

NAPAATRAS si Hades nang makaramdam siya ng sakit mula sa pahabang sugat na lumabas sa kanyang sikmura. Nararamdaman din niya ang init na nagmumula roon. Parang tinutupok ang bahaging iyon at nakita niya pa nga kanina ang pagliyab ng asul na apoy ng espada ng kalaban niyang Sero.   “Ang espadang iyon... Hindi iyon basta-basta. Dapat kanina ko pang napatay ang isang ito, pero dahil sa sandata niya ay parang napakahirap gawin iyon,” wika ni Hades na mabilis lumipad paitaas. Kung hindi nakakalusot ang kanyang mga simpleng atake rito, sa pagkakataong ito ay susubok siya ng malakihang atake.   “Sadya ngang kahanga-hanga kang Sero... Pero tingnan natin ngayon kung may magagawa ka pa sa gagawin kong atake.”   Ang mga manonood ay napasigaw para suportahan si Hades. Nakakagulat man ang ginawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD