LUMITAW si Lylia sa ibabaw ng isang mataas na bahay sa lugar na malapit sa pinaglalabanan nina Mars at ni Hades. Dahil sa pagpokus ng kalaban sa pagpatay sa binata ay ito ang ginamit na pagkakaton ng prinsesa upang iligtas ang mga kasamahan nito. Sa kabila ng takot na kumakabog sa kanyang dibdib ay hindi niya napigilang tanggihan ang binata sa hiling nito. Ang abilidad niyang maglaho at magpunta sa isang malapit na lugar ay ginamit niya upang mailigtas ang lima. Ang mga Litlo ay may taglay na bilis sa pagkilos na hindi basta makikita ng normal na mga mata. Isa pa, hindi ito basta-basta mararamdaman ng sinuman dahil kayang kumilos ng mga ito nang nakatago ang kanilang mga presensya. Hindi rin sila naaapektuhan ng Nega dahil ibang uri ang kanilang kapangyarihan kumpara sa mga normal na n

