Marra and Tody - 8

2033 Words
NAKATANGGAP ng tawag si Marra kay Paul. Iniimbita siya nitong lumabas at walang pagdadalawang-isip na pinaunlakan niya ito. She chose a simple yet classic cut of dress in the softest jersey. Royal blue ang kulay niyon na bumagay sa kanyang kutis. Itinaas niya ang kanyang buhok. Makinis na makinis ang french knot na sinadya niyang mag-iwan ng tendrils sa paligid ng mukha. She applied the kind of makeup she was accustomed to ever since. A dust of sparkling blue in her eyes and a pale lipstick. Isinusuot na niya ang sapatos na may mataas na takong nang marinig niya ang tunog ng door chime. Dinampot niya ang katernong bag at nilisan ang kuwarto. “Marra,” bungad ni Paul, “you’re beautiful.” He was a gay in the most respectable way. Kung titingnan ay tila tunay itong lalaki. He dressed like a man, talked like a man. His anger even burst out like a real man. But Marra knew he was soft-hearted inside. “Shall we?” magiliw niyang tanong. Nakangiting tumango ito. Iniwan nila ang kanyang flat at tinungo ang kinapaparadahan ng kotse nito. Pasakay na sila nang mamataan ni Paul si Stephen. Tinawag ni Paul ang atensyon ng lalaki. “Going out?” Panghihinayang at lungkot ang bumadha sa mukha ni Stephen nang makalapit sa kanila. Napangiti siya. “Paul invited me.” “Yeah,” ayon naman ni Paul at nilinga siya. “But this isn’t a formal date. You may join us if you want.” Kumislap ang mga mata ni Stephen. “Are you sure?” Si Marra na ang sumagot. “Yes, why not?” Mabilis na nagpaalam si Stephen. Halos patakbong bumalik ito sa sariling flat. At bago lumipas ang limang minuto ay nakabalik na sa kanila. Hindi na ito nagbihis. Kumuha lamang ng jacket para nga naman umakma sa mga bihis nila. Patungo na sila restaurant. “THIS is like a farewell to me,” deklara ni Paul matapos ang masaganang hapunan. Napatingin si Marra dito. Hinahanap niya ang kalungkutan sa mga mata nito subalit kakaibang kislap ang naroroon. It seemed that he just found a new source of joy. Bagaman parang palaisipan sa kanya ang salita nito ay mas gusto niyang makisali sa kaligayahang nararamdaman nito. Si Stephen ay parang naasiwa sa anyo ni Paul. Tumikhim ito. “Paul, I think my presence here isn’t—” “No, no,” maagap na wika ni Paul. “It’s all right for you to hear us. Isn’t it, Marra?” Ikinibit niya ang balikat. She was enjoying her dessert. At wala naman siyang alam na personal na pag-uusapan nila ni Paul para kailanganing itago iyon sa pandinig ni Stephen. “Okay, tell me. Why farewell? Are you resigning?” Ngumiti si Paul. “Sort of.” “Paul!” protesta niya. Matagal na niya itong manager at nasanay na siyang ito ang nag-aasikaso ng lahat ng may kinalaman sa kanyang career. He was more than a manager to her. Kagaya ni Rachel ay naging kaibigan na rin niya ito. Paul asked for a bottle of wine. At hindi ito nagsalita hangga’t hindi sila nabibigyan ng kanya-kanyang baso. He even drank his own bago kumibong muli. “I’m taking a vacation. Probably a year or two.” “That’s no longer a vacation,” sabi niyang gulat na gulat. Kilala niya ito sa pagiging workaholic. Ngumiti ito. “That’s a long break, I know. And I might not really come back.” “Paul...” Bumakas ang lungkot sa mga mata niya. Nangislap ang butil ng luhang anumang sandali ay papatak. Subalit kabaligtaran niyon ang nasa anyo nito. Masaya ito sa ginawang desisyon. “Why... really?” sahod ni Stephen. Muling nagsalin ng alak sa baso nito si Paul. “I found...” Sandali itong huminto at huminga nang malalim. “I found a woman. I’ve fallen in love with her.” Nasa anyo nito ang tila nahihiya ngunit walang dudang masaya. “Paul...?” Hindi siya makapaniwala. Hindi dahil sa tinatawaran niya ang p*********i nito kundi dahil hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya kasi ito nakitaan ng espesyal na atensiyon sa ibang babae. Of course, other than her. “I really am,” anitong pinaglipat-lipat sa kanila ni Stephen ang tingin. Nahirapan siyang intindihan ang sitwasyon nito. “Well, I’m happy for you!” ani Stephen sa masiglang tinig. Luminga ito sa kanya. “I guess Marra is also happy for you.” “Yes, of course,” maagap na ayon niya. “And where is she, by the way? You should have invited her here.” “She can’t,” nanghihinayang na sabi ni Paul. “She needs complete rest. It’s no joke carrying a baby.” “Paul!” she said in astonishment and joy. Hindi na niya napigil ang sarili at tumindig. Lumapit siya rito at yumakap. Ang ibang malapit sa mesa nila ay curious na napatingin, ngunit tila nahawa rin sa sayang nakalarawan sa mga mukha nila. Matagal din niyang niyakap si Paul at nang bumitaw siya ay saka pa lang naglahad ng kamay si Stephen. “Congratulations!” Bumalik na siya sa upuan. “I guess we have to call this a night. Paul, when will I meet her?” “You know her. Both of you know her. It’s Jeanne.” Natatandaan niya ang sabi ni Jeanne na mami-miss siya nito. Ipinagpalagay niyang dahil lang iyon sa aabutin marahil ng buwan ang kanilang pahinga. But Jeanne meant something. At ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit sa mga huling pagtatanghal ay mas madalas na simpleng sayaw lang ang ginagawa ng babae. Kadalasan pa nga’y pinapalitan ito ng iba nilang kasamahan. “Have you gotten married?” tanong ni Stephen. Isang tango ang itinugon ni Paul bago siya binalingan. “I’m afraid I can no longer work with you. The show is over and I still haven’t booked you for the next show. Actually, I didn’t attend the last meeting the theater called for.” Ikinibit niya ang mga balikat. “It’s all right. Maybe, it’s about time I visit my mother in the States. She’ll surely be glad that I’ve taken some break.” “How about Tody? He’s here in London, as far as I know.” “As far as we know,” sabad ni Stephen. Napasimangot siya. At bago pa siya nakakibo ay naagaw na ng pagtunog ng cellphone ang atensyon ni Paul. “It’s Jeanne,” anito pagkaraan. “I’m sorry I have to leave now.” Anyo itong maglalabas ng credit card nang sansalain ni Stephen. “Don’t bother. This is my treat for you.” “Thanks,” anito, halatang hindi mapakali. Anhin na lang ay tumayo at iwan sila. “You two don’t have a car.” “A cab driver would be glad to drive us home,” aniya. Saglit lang ay palabas na ito sa kainang iyon. Nagpaalam si Stephen na pupunta muna sa rest room. Napilitan siyang maghintay sa mesa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa sitwasyon ni Paul. Masayang-malungkot ang nararamdaman niya. Masaya dahil makakabuo na ito ng isang masayang pamilya. Malungkot... dahil pansamantalang mamamahinga muna siya. Naalala niya ang kanyang mommy. Kanina ay idinahilan lang niya ang tungkol dito para huwag nang ma-guilty si Paul sa pagbibitaw sa kanyang career. Kasalukuyan siyang nagsasalin ng alak sa baso nang maramdaman niyang tila may nagmamasid sa kanya. Nag-angat siya ng paningin. Nahagip ng mga mata niya ang lalaking nakatayo sa may pinto. Ang kanyang asawa... He looked powerful. Wala itong kasama. Ibinalik niya ang atensiyon sa alak. Lihim niyang naiusal na sana’y bumalik na si Stephen. Gusto na niyang umuwi. “Good evening, Marra,” anito sa pormal na tono. Nasa tapat na niya ito. “Hi,” matabang na tugon niya. Sinulyapan niya ang daan patungong rest room. Bakit ba parang napakatagal ni Stephen sa loob? “Enjoying yourself?” The table was clear maliban sa mga wine glasses. Kanina’y maagap nang inimis ng waiter iyon. “Yes.” Natanawan niya si Stephen na lumabas mula sa rest room. Ngunit nakita niya itong huminto nang makilala si Tody. Pagkuwa’y sumenyas sa kanya na iiwan na siya. “No!” Sarkastikong ngumisi si Tody. “Come, I’ll take you home.” Nakita na lamang niyang patungo na si Stephen sa pinto. Nang mga sandaling iyon ay may pakiramdam siyang iniwan siya nito sa gitna ng digmaan. “No. I can take a cab.” Ngunit parang walang narinig si Tody. Hinawakan siya nito sa siko. Namalayan na lang niyang tahimik siyang nagpatangay rito hanggang sa makalabas ng restaurant. Nasa labas lang si Stephen. Konsolasyon sa kanya na tila naghihintay ito sa kanya. Ngunit nang makita ang halatang possessive na hawak ni Tody sa kanya ay bahagya na lang itong tumango at sumakay na sa taxi na naghihintay rito. “Relax...” bulong ni Tody habang iginigiya siya sa sasakyan nito. Relax? How could she relax when his hands were brushing against the thin material of her dress? And she had the urge to feel him touching her bare, soft flesh. Pakiramdam niya ay nasa state of shock pa siya. Inalalayan siya nito sa pagsakay. Nang magsimula itong paandarin ang sasakyan ay nagsimula na ring pumatak ang ulan. It was raining hard nang matapos ang biyahe. Dumukwang si Tody sa backseat at kinuha ang payong doon. Umibis ito at lumigid sa gawi niya. Noon lang siya tila natauhan at kinalas ang seat belt. Inalalayan siya nito sa pagbaba, ingat na ingat na maanggihan siya nang malakas na ulan. “Your key?” paalala nito. Mula nang manggaling sila sa restaurant ay noon pa lang may namutawing salita sa pagitan nila. Dinukot niya ang susi sa bag. Her hands were trembling that she fumbled around the keyhole. Kinuha ni Tody sa kamay niya ang susi. At walang hirap na nabuksan nito ang pinto. Nang makapasok sa loob ay walang nakaisip sa kanila na i-switch on ang mga ilaw. Mula sa salaming bintana ay nakakapasok ang liwanag ng mga ilaw sa poste. Sapat ang liwanag sa labas para maaninag nila ang isa’t isa. She made a deep sigh bago bumaling sa isang panig ng dingding. Pakapa niyang inabot ang switch ng ilaw. Bumaha ang liwanag sa sala. “Would you like some coffee?” tanong niya sa kawalan ng masasabi. He laughed softly. “Coffee? Marra, ayoko ng kape.” Pagkuwa’y nagbago ang tinig nito. “You know what I want. What we both want.” Umiling siya. God, give me the strength to resist him, she pleaded silently. Alam niyang hindi sapat ang lakas niya para paglabanan ang magnetismong taglay nito. “No, I don’t,” mabuway na wika niya. “You don’t?” Ipinagpasalamat niyang may natitira pang hibla ng hinahon sa kanya. “No...” At humakbang siya palayo rito. Ngunit sumunod ito sa kanya hanggang sa wala na siyang mapupuntahan para iwasan ito. Na-corner siya nito sa kitchen. Bakas sa mga mata nito ang matinding desire. “Oh, yes,” mahinang sabi nito. Hinubad nito ang jacket at bale-walang ibinaba sa malapit na silya. Niluwagan nito ang kurbata at kinalas ang dalawang butones ng polo. Humantad sa mga mata niya ang pinong balahibo nito sa dibdib. Kaya naman natatakot siyang lumikha ng kahit na munting kilos sa pangambang magbigay- kaalaman iyon ng minsan pang pagkatunaw ng kanyang sariling depensa. Matiim ang titig nito sa kanya. “Ano sa palagay mo ang gusto ko, Marra?” mapanuksong tanong nito. “H-hindi ko alam,” mahinang sagot niya. “I think you do,” amused na wika nito. “Ayaw mo lang aminin. Huwag kang matakot, Marra. You know what I want and I know what you want. O gusto mong ipakita ko sa iyo iyon?” Ipinikit niya ang mga mata. “No.” “Yes, I think I have to,” buong-tiwalang wika nito. Lumapit ito sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. “And right now, you want me to kiss you more than anything else in the world. Right?” “I...” Bumuka ang kanyang mga labi subalit walang salitang nanulas doon. Alam niyang nagsasabi lamang ito ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD