Riza and Roi - 1
"EASY, honey!" Mayamaya ay nagpapaalala si Juniel kay Bernadette.
She was on her last month of pregnancy. Araw na lang halos ang hinihintay nila sa pagdating ng kanilang panganay.
Abala si Bernadette sa pagbe-bake ng cake. Maghapon na halos siya sa kusina.
Kaninang umaga ay limang espesyal na putahe ang iniluto niya. Bahagyang pahinga lamang ang ginawa niya matapos mananghali at hinarap naman ang paghahanda ng dessert.
Gustuhin man ni Mariel na tulungan siya ay wala itong magawa. Madali itong mapagod nitong mga huling araw at kahit ang pagbibiyahe ay ibinawal ng doktor. Disappointed nga ito dahil baby shower pa naman ngayon ni Bernadette.
Hindi na hinanapan ni Bernadette ang Mama Roselle niya para siya tulungan. Naiintindihan niyang sabik na sabik ito sa unang apo na ilang araw pa lang buhat nang ilabas mula sa ospital. Ang mahigpit lang niyang bilin ay dumating ang mga ito sa hapunan.
Nakatira sila sa mansion ng Tita Dorina niya sa Alabang. Doon na sila nagpasyang manirahan, tutal, ang bahay ni Juniel na minana nito sa ama ay ipinagamit kina Roi at Carmela. Ngayon ay madalas nga roon si Roselle at inaagawan ang mag-asawa sa pagkarga sa cute na baby boy.
"Angel" ang pangalan ng baby nina Roi at Carmela. Bagay naman ang pangalan dito dahil sadyang anghel ang kawangis nito.
Napapitlag si Bernadette nang agawin sa kanya ni Juniel ang beater at ito na ang nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Why don't you take a seat, honey?" masuyong sabi nito sa kanya.
Ngumiti siya at hinila ang katabing silya. She was quite heavy with their child. At madalas ay nahuhuli niya ang pagsulyap-sulyap ni Juniel sa malaki niyang tiyan. Mababakas sa mga mata nito ang init ng pagmamahal, ang pagmamalaki at kasiyahan sa nalalapit na paglabas sa mundo ng kanilang sanggol.
Inabot niya ang baking pan, greased it and waited for the mixed ingredients. Pagkatapos niyon ay wala na silang gagawin kung hindi ang ihanda ang mesa.
The occasion was exclusive for the family from both sides. Malaki ang pagpapasalamat niyang dumating ang magkakapatid na Queenie, Jude at Tody with his wife Marra.
Ang mag-asawang Dorina at Romulo ay nangakong dadalaw kapag nanganak na siya. Naghihinayang nga ang mga ito dahil hindi nakauwi ngayon dahil may naunang appointment na dadaluhan si Romulo na hindi pupuwedeng ipagpaliban.
Naghihikab pa si Queenie nang bumungad sa kitchen. Ngunit maliban doon ay walang palatandaang galing ito sa pagtulog. Palagi na ay maayos ang anyo nito. Her hair was neatly combed. Her face was fresh.
"Sorry, Princess. May jet lag pa ako. Hindi man lang ako nakatulong sa preparations." Hinayon nito ng tingin ang mga nasa mahabang mesa. "Oh, even the husband is making himself busy," amused na dugtong nito.
Tumawa nang marahan si Juniel. "We're always like this, Queenie. Lalo na ngayon at para sa pagdating ng aming baby ang okasyong ito."
"How sweet..." tila nananaghiling wika ni Queenie bagaman masaya ito para sa kanila.
"Gusto mong magmeryenda, Queenie Romalyn?" alok ni Bernadette. Napangiti siya nang makita ang pagsimangot ng magandang mga labi ng pinsan.
"Please, Bernadette, don't call me like that. Alam mo bang sa Amerika ay si Mommy lang ang nag-aaksaya ng panahong tawagin ako sa second name ko? Sometimes, when she calls me 'Roma' ay nanini-bago ako. I asked her nga, 'My, are you talking to me?'" ani Queenie with matching wry facial expression na ikinatawa nilang tatlo.
"And what's wrong with such a name?" sabi naman ni Juniel. "Roma."
"Goodness! Please, nagmamakaawa ako sa inyo," eksaheradong wika ni Queenie. "I guess, babalik muna ako sa kuwarto ko kaysa naman pagtulungan ninyo akong mag-asawa. I haven't wrapped my gift yet. Iyon muna ang aasikasuhin ko."
Nang tumalikod ito ay tumayo na rin si Bernadette.
"Where are you going?" maagap namang pansin ni Juniel. Ito na ang umako sa ginagawa niya.
Nilabian niya ang asawa. "Don't pamper me that much, hon. Medyo nakakairita na."
Hindi naman nito minasama ang tinuran niya. "I'm just concerned about you. You're so heavy at isang malaking pagtataka ko nga na kaya mo pang lumakad. Sometimes, I think you might need a wheelchair."
"Honey!" bulalas niya.
Bumaba ang tingin nito sa kanyang namimintog na tiyan. She could swear it was love that showed in his eyes. Nang bumalik sa mga mata niya ang tingin nito ay hindi nawala ang ekspresyong iyon.
"I love you so much, Princess. That's why I'm so concerned about you."
Napangiti siya. "Thanks, honey. I love you, too."
Lalo pang umaliwalas ang ekspresyon ng kanyang asawa. Walang araw na lumipas na hindi nila binanggit ang mga katagang iyon sa isa't isa.
They might sound corny sa opinyon ng iba pero wala silang pakialam. Isa iyon sa maraming paraan upang patunayan ang kanilang affection sa isa't isa.
Sinenyasan niya ang katulong na kaisa-isang kasama nila sa mansion. Napilitan na siyang kumuha ng makakasama dahil na rin sa pamimilit nina Mariel at Roselle, bagaman mapilit pa rin siya na kaya pa niyang mag-isa na asikasuhin ang asawa.
Naka-schedule naman ang pagdating ng mga hardinero at house cleaners. Si Juniel ang namom-roblema sa laundry.
Maliksi namang nakalapit sa kanya ang katulong.
"Lot, pakiligpit mo na iyong hindi na ginagamit ng sir mo." At tumalikod na siya.
Tinungo niya ang telepono at ilang saglit lang ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Hello, Roi? Kay Mama Roselle, please?"
SA KABILA ay mabilis na naiabot ni Roi sa ina ang telepono.
The phone call was a blessing for him. Sa wakas ay iiwan na rin ni Roselle ang anak niyang tulog na tulog sa crib.
Hindi niya gustong ipagdamot ang anak sa kahit na sinong kapamilya ngunit sa palagay niya ay natural lang na magtampo siya minsan. Weekends lang siya matagal na naglalagi sa bahay at hindi pa niya mahawakan ang anak.
Mahigit isang buwan pa lamang na nakapanganak si Carmela. At natural na sabik sila sa sariling anak ngunit palagi na ay nasa tabi si Roselle.
Even Frederick was complaining. Nakalimutan na raw yata ni Roselle ang asawa dahil sa apo.
Maluwang ang ngiti sa mga labi na humakbang si Roi para lapitan ang anak. Nahiling niya na sana'y manganak na si Bernadette. Nang sa gayon ay mahahati ang atensiyon ni Roselle sa dalawang apo.
He could bet na ang mga himutok niya ngayon ay daranasin din ng kanyang Kuya Juniel.
Ang nalalapit na paglabas ng baby ay kauna-unahang apo sa kabilang partido, huwag nang idagdag na nag-iisang anak si Bernadette.
Pinagkasya niya ang sarili sa pagmamasid sa sanggol na himbing na himbing. He wanted to kiss his son ngunit tiyak na makakaaway niya ang ina at asawa.
Hindi siya pinapayagang hagkan ang bata kahit sa paa man lang kapag ganoong humahaba ang balbas niya.
Sarili niyang anak ay limitado ang maaari niyang gawin?
Napabuntunghininga siya. Kunsabagay ay may katwiran din ang mga ito. Yumuko siya at hinaplos ang mga binti ni Angel.
Ipinangako niya sa sarili na sa sandaling malaman niya ang interes nito sa sports ay siento por siento niyang susuportahan ang anak.
Angel was his pride and joy. Bagama't wala namang kompetisyon sa kanilang magkakapatid ay may pakiramdam siyang isang ungos niya kina Juniel at Rei ang pagiging una na maging ama.
"Where's Carmela?" Tinakpan ni Roselle ang mouthpiece ng hawak na aparato at bumaling sa kanya.
Kibit ng balikat ang itinugon niya. Kadarating lamang niya mula sa J&V at ni hindi pa nga siya sinasalubong ng asawa. Bagay na ipinagwalang-bahala niya dahil ang atensiyon niya ay ang makita ang anak.
Ibinaba ni Roselle ang telepono at lumabas ng silid.
Siya naman ay muling ibinuhos ang atensiyon sa anak.
Seconds later ay bumalik si Roselle. "I'm leaving, Roi. Sabay na kami ng papa mo at ni Rei na pupunta sa Alabang. Hindi kayo inoobliga ng mag-asawa na um-attend ng baby shower dahil naiintindihan naman nilang maliit pa si Angel para iwan."
"At saka mukhang wala sa mood si Carmela." Ang huling tinuran ng kanyang ina ay kababakasan ng disgusto gaano man ang pagsisikap nitong pakaswalin ang tinig.
Iniunat niya ang likod at lumapit dito. "May problema ba kay Carmela, 'Ma?" masuyo niyang tanong.
Iling ang itinugon nito. "Wala."
"Come on, 'Ma. You wouldn't say that kung wala."
Lumungkot ang mukha nito. "Siguro dahil close lang kami ni Bernadette even before kaya parang hinahanap ko rin sa kanya ang paglalambing. Pero walang problema, Roi. Besides, she might be suffering from postnatal distress kaya moody pa rin ang kilos. Have patience with her, son. At dagdagan mo rin ang pang-unawa."
Inabot siya nito at mabilis na halik ang idinampi sa kanyang pisngi pagkatapos ay tumalikod na.
Inihatid niya ito ng tanaw. Gusto niyang ihatid ito hanggang garahe kung saan naghihintay ang driver na kasama ngunit para siyang ipinako sa narinig mula rito.
It puzzled him. Sinulyapan niya ang anak. Payapa pa rin ang tulog nito. Kinabig niya ang pinto at ang asawa ang hinanap.
"Carmela?" aniya habang lumilinga sa paligid ng bahay. "Carmela?"
"I'm here..." ang mahinang tugon na narinig niya mula sa terrace.
Nilakihan niya ang mga hakbang at nilapitan ito.
Her face was miserable. At nakadagdag iyon sa palaisipan sa isip niya. Lumapit siya rito at dinampian ng halik sa mga labi.
"Wala ka rito nang dumating ako kanina. Where were you?" kaswal na tanong niya.
Malungkot ang matang iniangat nito ang tingin sa kanya. "Nag-i-sterilize ako ng mga bote ng baby."
Pinag-aralan niya ang anyo ng asawa. Ni walang kislap ang mga mata nito. At dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na isunod na sabihin ay kinabig na lang niya ito at niyakap.
Walang response mula rito. Hindi ito pumiksi ngunit nanatiling malamig. Para itong papel na basta na lamang tinangay ng hangin.
"Carm..." malambing na bulong niya. "May problema ka ba?"
Matamlay ang pag-iling na ginawa nito. Ipinihit niya paharap sa kanya ang asawa ngunit nanatili siyang nakayakap sa baywang nito.
"Your action contradicts your answer. Tell me, what's the problem?"
"Wala, Roi," matipid nitong sagot na sinamahan pa uli ng pag-iling.
"I don't believe it." Pumihit siya pabalik sa loob ng bahay na tangay ito. "Walang kasama si Baby. Puntahan natin."
Itinutulak niya ang pinto ng silid nang marinig ang pag-ingit ng sanggol. Maliksing bumitiw sa kanya ang asawa at dinaluhan ang anak.
Nasisiyahang pinagmasdan niya ang kanyang mag-ina. They created a perfect picture of mother and child.
Alam ni Carmela ang dahilan ng pag-iyak ng kanilang anak. She exposed her one breast and fed their son.
Mayamaya lang ay pumayapa na ito.
"He's really an angel," aniya nang ibinalik na ito ni Carmela sa kuna.
"Ate, malamig na po iyong pinakulong tubig. Isinalin ko na sa mga bote." Mula sa may pinto ay sumungaw ang katulong na yaya rin ng bata.
"Sige, ako nang bahala," tugon ni Carmela. Isinenyas nitong ipasok ang mga sterilized feeding bottles, tiniyak na maligamgam na ang tubig na naka-salin, saka inihanda ang sukat ng infant formula.
"Carm," ani Roi. "Gusto mo bang mag-attend ng baby shower?"
"I prepared his bottles kung tutuloy tayo. Ang kaso ay parang hindi ko naman siya gustong iwan. Hindi rin naman natin siya puwedeng isama. Ayaw ko pa siyang ibiyahe."
Napatango siya. Ngayon, maski papaano ay nauunawan na niya ang katamlayan nito.
Carmela was always like that kapag nalilito at hindi malaman kung ano ang pipiliin sa pagpapapasya.
"Nahihiya ka rin sa kanila na hindi tayo dadalo, 'di ba?"
"I know it's exclusive for the family. Kung sakali ay tayong dalawa lang ang wala roon. I know, sa partido ni Berndette ay umuwi pa ang mga pinsan niya mula sa America." Sa huling tinuran nito ay hindi naikaila sa kanya ang insecurity.
Kahit na ilang beses niyang i-assure ito na hindi naman sila tumitingin sa financial status ng isang tao ay hindi tuluyang naglaho ang insecurity ni Carmela tungkol doon.
She came from a simple family. Her widowed father was a local goverment rank-and-file employee who tried to make both ends meet. Tatlong magkakapatid ang mga ito at ito ang panganay.
Alam nilang dismayado ang ama nito sa maagang pag-aasawa nito. But she was pregnant at nararapat lamang na magpakasal sila, lalo at mahal na mahal naman nila ang isa't isa.
Iyon nga lang, palaging nagiging dahilan ng pagsasawalang-kibo nito ang pagiging mahirap na pinagmulan nito.
"Carmela," anas niya. "We won't attend that occasion dahil ang dahilan ay hindi natin maiwan ang baby. But definitely not because of your insecurity."
"It's not insecurity," may pagtutol na wika nito. "Alam ko lang kung saan ako dapat lumagay."
Nagsimula siyang magbilang sa isip. Pinipilit niyang maging mahinahon. "Nasa tama kang kalagyan. Why would you think of that?"
"Ayokong magmukhang tanga."
Nagbuntunghininga siya. "Wala namang nagtatrato sa iyo roon na pagmukhain kang tanga. It's all your thinking, Carmela. Wala akong natatandaan na may ginawang hindi maganda sa iyo ang partido ko. And even, Ate Princess. I've known her ever since. She's nice, inside and out."
Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito. Padabog na binitiwan nito ang hawak na bote. "I'd rather stay home."
"Fine. They would understand kung wala man tayo roon."
Luminga ito sa kanya. "I said 'I' not 'we'. Pumunta ka roon. Ikaw man lang ay makadalo sa sosyalan." May kalakip na panunuya sa tinig nito.
Bago tuluyang mapatid ang pagtitimpi niya ay tahimik na lamang niyang iniwan ang asawa sa silid.
--- i t u t u l o y ---