Sa araw-araw ng pagsisikap ni Ella sa paghahanap ng trabaho, nakarating siya sa makati. Ngayon naghihintay na siya ng interview.
"Ms. Alvarez. Pasok na po kayo." ani ng secretary ng HR manager
Hindi alam ni Ella ano ang gagawin dahil sa kaba niya, ngayon lang siya makakapag trabaho sa ganitong kalaking kompanya.
"So you are Ms. Alvarez, and as for your credentials it's very good and you're also cumlaude, right now. We really need like you, who's willing to work under pressure."
"Thank you ma'am," mababang sagot ni Ella
"Wait for our call when you will start. Okay!"
"Yes ma'am, thank you again."
Palabas na si Ella ng building gustuhin man niyang tumalon sa katuwaan pero pinipigilan niya ang sarili dahil maraming makakakita sa kanya, ng makarating na siya sa kanilang bahay sobrang tuwa niyang ibinalita sa ina na tanggap na siya sa trabaho.
"Inay mapapagamot na kita sa Specialist doctor sa kidney, dalangin ko na sana maging okay ang check-up mo inay."
Nakahiga na si Ella ng may maalala siya.
"Kumusta na kaya si Jk?"
Umupo si Ella sa gilid ng kama at may naalala siya kaya mabilis na tumayo at pumunta sa may kabinet kinuha niya ang isang box na dito nakalagay ang cheque na ibinigay ni Jk sa kanya
"3 million pesos napakalaking halaga, ngunit hindi ko kailangan ito dahil kahit kailan hindi ko pinagbili sarili ko sayo Jk kusang loob ko itong pinaubaya sayo." nasabi niya sa sarili
Hindi mapigilan ni Ella ang mapaluha dahil sa pangyayaring hindi pa rin niya kayang kalimutan, sa mga nagdaang buwan patuloy pa rin siyang nangangarap na sana muling magtagpo ang kanilang mga landas.
One year later, inihiga ni Ella ang pagod na katawan sa sofa, galing siya sa opisina as usual overtime na naman siya, sinasagad talaga niya ang oras sa pagtatrabaho para sa kanyang inay.
"Inay iniinom mo ba lahat ng gamot mo?
"Oo anak, kaso nga lang parang di na ata kaya ng gamot ang sakit ko kasi laging namamanas ang mga paa ko,"
"Sige po next week magleleave ako ng isang araw sasamahan kita sa check-up mo inay," giit ni Ella
"Wag na anak ako na lang para di na maapektuhan ang trabaho mo."
"Hindi pwede inay gusto ko din malaman ang mga bawal sayo, at baka kailangan lang talaga ng mas mataas na dosage ng gamot."
Hindi na nakipagtalo pa si aling Susan sa kanyang anak, alam niyang pagod pa ito sa trabaho napansin niya ang pagiging matured ni Ella dahil sa lahat ng bagay lagi siya nag priority nito.
"Panahon na talaga siguro para malaman mo ang sakit ko anak!" bulong niya habang tulog si Ella
Lunes ng umaga maagang nagising si Ella dahil sa pangako niya sa ina na sasamahan niya itong magpacheck-up, ngunit tuwa naman niya ng makitang bihis na ang ina
"Bakit ang aga mo naman nagising inay, alas nuebe pa ang appointment natin sa doktor mo, di ba?"
"Dadaan muna tayo ng simbahan anak, okay lang ba?"
"Opo inay."
Nakaupo ang mag-ina sa waiting area habang hinihintay ang doktor, biglang napatayo si Ella sa kinauupuan ng may makita siyang kamukha ni Jk.
"May problema ba Ella?" tanong ni aling Susan
"Wala po inay, akala ko kilala ko yung taong nakita ko po kanina."
"Mrs. Alvarez, kayo na po next." wika ng nurse
Habang nasa loob sila ng clinic ng doktor napansin niya ang name plate nito isang matandang babaeng doktor.
"Ikaw pala ang anak ni aling Susan ang ganda mo iha, may artista kang nakakamukha, hindi ko lang maalala ang name niya."
"Thank you po doktora, and you are Dr.Tenorio right?"
"Yeah," ngiting tugon nito. "Actually, ang sakit ng nanay mo ay CKD5 na kaya laging manas ang mga paa n'ya, kailangan ng mag under go ng Dialysis, dahil hindi na kaya ng gamot ang sakit n'ya." derechong sambit nito
Pakiramdam ni Ella binagsakan s'ya ng langit sa mga tinuran ng doktor sa kanya, hindi na n'ya marinig pa ang mga sinasabi nito sa kanya, dahil pag-alala ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon para sa ina.
"Kailan po siya pwede i-dialysis? nag aalala na tanong ni Ella sa doktor
"As soon as possible Ms. Alvarez." tugon ni Dra.Tenorio
Umuwi sila ng puno ng pag-aalala si Ella para sa ina, maraming komplikasyon ang nararamdaman ang ina dahil sa sakit nito, lingid sa kaalaman ni Ella alam na ng ina niya ang kanyang sakit ngunit hindi n'ya lang ito sinasabi sa anak para hindi ito mag-alala sa kanya. Sa kabilang banda gustong-gusto na ni Ella gamitin ang pera para sa ina.
Nasa trabaho si Ella ngunit malayo ang isipan niya, hindi niya lubos maisip na ganun na pala kalala ang sakit ng kanyang ina. Sa kabila ng masayang mukha tinatago pala nito ang sakit niya sa anak at nilalabanan ni aling Susan kahit nahihirapan na siya hindi na nag overtime si Ella para alagaan ang ina, walang ibang sagot sa sakit ng kanyang ina kundi Kidney transplant at Dialysis lang. Pagdating sa bahay di na maitago pa ni aling Susan ang kanyang karamdaman sa anak, manas na ang mga paa nito at lumalaki na din ang tiyan nito dahil may mga komplikasyon na ito.
"Anak nahihirapan ako huminga," saad ni aling Susan kay Ella.
"Ganun ba inay! wait lang po, maghahanap ako ng masasakyan natin!" tarantang wika ni Ella
Tumatakbo na ang taxi na inarkila ni Ella, sumasabay naman ang luha niya dahil sa sitwasyon ng kanyang ina.
"Inay, sandali na lang nasa ospital na po tayo."
"Oo anak! habol hininga na tugon ni aling Susan
Nagmamadali na ang mga nurse sa Emergency room.
"Okay na po ma'am kami na pong bahala sa nanay mo." wika ng nurse kay Ella
"Salamat po." tugon ni Ella
Kinabukasan nagmamadaling umuwi sandali si Ella para kumuha ng mga damit ng kanyang ina at bumalik kaagad, parang lumulutang ang isip niya sa mga oras na ito dahil hindi niya alam ang gagawin. Nagpaalam na siya sa opisina na hindi muna makakapasok dahil nahospital ang kanyang ina. Habang naghihintay sa result ng mga laboratory test ng kanyang ina tinawagan niya si Kathy.
"Hello, friend. Kumusta na kayo ni chang?" nag-aalalang tanong ni Kathy
"Ito friend nasa hospital kami ngayon, si inay nahirapang huminga kanina need n'ya na idialysis CKD5 na s'ya."
"Oh may Gosh," wika ni Kathy "Friend pano ka makakapasok sa work kung nagbabantay ka sa hospital."
"Di ko pa alam friend. Basta ang importante ngayon magamot ang inay saka na ang mga gastusin," giit ni Ella sa kaibigan
Habang nasa labas si Ella nag-iisip siya magkano ang gagastusin sa kidney transplant ng kanyang ina hindi na halos maisip ang kumain sa dami ng inaasikaso. Ganunpaman, kinakaya n'ya lahat para sa ina.
"Ms. Alvarez as of now stable naman ang vitals ng nanay mo, pero napakarami ng komplikasyon kaya humihina ang immune system n'ya she need to under go kidney transplant as soon as possible, pero dapat ka-match nya para maoperahan siya sa madaling panahon." wika ni Dra.Tenorio
"Doktora baka pwede ako magdonate ng kidney sa nanay ko,"
"Okay Ms. Alvarez magpapatest ka kung qualified ka magdonate."
"Thank you po doktora."
"Welcome Ms. Alvarez, maybe next week ibang Nephro doctor na ang hahawak sa nanay mo. Papunta na kasi ako sa amerika matagal na kasi ako pinapa resign ng anak ko." ngiting wika kay Ella
Thursday 9:00 am inaantay na ni Ella sa may lobby ang result ng lahat ng test na ginawa sa kanya para maging qualified siya para mag donate ng kidney sa nanay niya. Final desicion na talaga, gagamitin na niya ang pera na binigay sa kanya ni Jk alang-alang sa kanyang ina para lang makidney transplant na ito.
"Good morning po doc." bati ng guard
"God morning po sa inyo manong," tugon ni Dr. Andrei Tenorio
Naglalakad si Dr. Tenorio patungo sa clinic niya agaw pansin sa kanya ang isang babaeng nakaupo sa may lobby ngayon lang siya napa second look sa isang babae, naalis lang ang tingin niya sa babae ng tinawag s'ya ng isa pang doctor.
"Hi, kailan ka pa dumating? mukhang fresh na fresh ka ngayon ah." biro nito kay Dr. Andrei
"As always heart throb nga di ba!" tawang sabi nito sa kaibigan
"Mamaya ichecheck ko yung mga patients ni mommy, alam ko may isang pasyente s'ya in critical condition na."
"Yeah," sagot ni Dr. Alex
"Okay. See you then."
Nanlumo si Ella na hindi siya qualified na maging donor ng kidney sa kanyang ina na lalong nagbigay sa kanya ng alalahanin.
"Inay, may masakit ba sayo? pasensya ka na, wala akong magawa kahit gustuhin ko man maging donor mo ng kidney. Sabi ng doctor hindi ako compatible para maging donor mo." saad ni Ella na may halong pagkadismaya
Tulog pa rin ang ina, nilagyan ito ng endotracheal intubation dahil sa pagsikip ng dibdib nito.
"Inay kumapit ka lang ha. Kaya mo yan papagawa pa ako ng magandang bahay para sayo, remember." iyak na saad ni Ella
Kinabukasan, gulat si Ella may ibang doctor ang tumingin sa vitals at situation ng kanyang ina, Nakatalikod ito ng tumighim siya.
"And you are? Ms. Alvarez, right?"
"Opo doc."
"By the way ako ang papalit bilang doctor ng nanay mo, and sadly to say mukhang di na niya kakayanin pa ang kidney transplant dahil sa mga komplikasyon, but don't worry she still fighting." masiglang sabi
"Opo doc. Alam ko lumalaban pa din ang inay..." usal ni Ella