New friend with you

1547 Words
Nagising si Ella sa pag yugyug ni Kathy sa kanya, napayakap siya pagkakita dito. "Kumusta na kayo? hindi pa ba nagigising ang Chang?" "Hindi pa Kathy, nag-aalala na nga ako sa kanya eh!" sagot ni Ella "May awa ang maykapal gigising din si Chang," positibong sabi ni Kathy "Bibili muna ako ng pagkain natin Kathy ikaw muna bahala kay inay saglit lang ako. Tatawag din ako sa opisina baka bukas papasok na ako habang nandito ka Naglalakad si Ella ng biglang tumunog ang cellphone n'ya, subalit di sinasadya ng mabangga niya ang isang lalaking may katangkaran at matipuno ang katawan nito sa kasuotan na puti at napatingin siya sa name tag na nakakabit sa damit nito "Sorry Miss." paghangang sabi nito "Yeah, no problem" sagot naman ni Ella "Sorry again, next time tumingin ka sa dinadaanan mo ha," pabirong sabi nito Kausap na ni Ella si Edward sa cellphone ng may makita siyang kahawig ni Jk napahinto sa pagsasalita si Ella sa nakita. Di niya mawari kong si Jk nga ito ngunit halos kamukha ni Jk ang lalaki, subalit naalala niya si Edward na kausap niya. "Hello sir, yes! bukas papasok na po ako." "Okay, may magbabantay na ba Ella sa nanay mo? pag-aalalang tanong "Opo sir, kaibigan ko po si Kathy." Natapos ang pag-uusap nila ni Edward. Subalit ang laman ng isip niya ay ang lalaking nakita niya kanina lang. Pagbalik niya palinga-linga siya na hinahanap ang taong may pagkakahawig kay Jk "Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon. Wala na man rason eh!" kausap ang sarili habang naglalakad Sa ilang minuto pa nasa harap na si Ella ng pinto ng private room ng kanyang ina. Papasok na siya sa loob ng naulinagan niya may ibang tao sa loob. "Sabi nga habang may pinanghahawakan tayong tiwala sa maykapal may pag-asa, but if she can't survive, nothing we can do with it." aniya ng doktor habang nakatingin sa result na hawak nito "And'yan ka na pala Ella, si Dr. Tenorio na ang bagong doktor ni Chang Hindi sinagot ni Ella ang kaibigan. "Just a moment, Doc. what do mean? walang ng pag-asa ang inay? ganon ho ba?" waring nag-aalalang tanong ni Ella "By the way, I'm Dr. Andrei Tenorio. so ikaw pala ang anak ni patient Alvarez, tatapatin na kita small chance na lang nakikita ko para sa kanya at mahirap pa dito marami ng komplikasyon, ang masasabi ko lang maging handa ka dahil pwede ng bumitaw ang Nanay mo anytime." sakristong sabi nito Bumagsak ang mga luha ni Ella at sabay pagyakap sa ina. Kahit kailan di niya naisip na hahantong sa ganito kaaga ang sitwasyon ng ina. Unti-unting nagmulat ang mata ni Aling Susan. "Inay! Gising ka na!? Salamat naman at nagising ka na," yakap ang ina habang umiiyak si Ella labis ang kasiyahan ang nararamdaman niya ngayon. Hindi pa nakakaalis si Dr. Tenorio ng magising si Aling Susan agad nitong chineck ang pasyente. "Very good Mrs. Alvarez, pupunta ang Cardio doctor mo para i-check kung ok na ba ang heart rate mo, okay." nagpaalam si Dr. Andrei habang ang mata ay nakatingin kay Ella "Thank you, Doc." nasabi ni Ella Ang katuwaan ni Ella ay walang mapagsidlan dahil nakita niya ang ina na kahit hirap lumalaban pa din sa sakit. Lumipas ang ilang minuto dumating ang isa pang doktor. masiglang sabi,"Kumusta ka nanay? good to see you na gising ka na po. Dr.Lorenzo po." Tumango lang si Aling Susan at ngumiti kahit hirap na may endotracheal intubation. "Stable naman po lahat ng test namin sayo as of this day. Kaya mamaya tatanggalin na natin yan, okay po ba?" masiglang sabi ng doktor "Thank you po doc ang bait ninyo samin, lalo na sa nanay ko." "No worries Ms. Alvarez mabait at malakas din kayo sa anak ng may-ari ng hospital," pabirong sabi nito kay Ella Di nagtagal lumabas na din si Dr. Lorenzo sa hospital room. "Sino naman kaya 'yong sinasabi niya," nag-iisip na tanong sa sarili "Naku friend. Kung sino man siya maging thankful ka na lang, bakit kamo? aba eh ganda ng nilipatan ninyong room. Sigurado mahal dito, at ang mga nurse di ba halos laging tsine-check si Chang." "Sabagay, tama ka nga." pagtatakang sabi ni Ella Sa Canteen magkasama ang magkaibigan, habang kumakain panay ang biro ni Dr. Lorenzo kay Dr. Andrei. "Bro. matanong nga kita ha. Bakit ang bait mo sa mag-ina na 'yon sa Room 101?" "Puro ka kalokohan sabi ni Mommy i-treat ko sila na parang kamag-anak, right?" tawang sabi nito "Ako pa ba, sus! si Andrei na matinik sa chicks, sa Med school pangarap ng mga kababaehan," halakhak na sabi ni Dr. Lorenzo "Loko!" Ng araw na 'yon pauwi muna si Ella sa tinitirihan na bahay, palabas na s'ya ng hospital ng may sumabay sa kanya "Pauwi ka na?" tanong ng gwapong lalake Napatingin si Ella sa pinanggalingan ng tinig. "Dr. Tenorio or Andrei na lang para di na masyadong pormal." ngiting wika nito "Ikaw pala, oo uuwi muna ako. May magbabantay naman kay inay kaya baka after work na ako pupunta dito bukas." "Saan ka ba nakatira? sumabay ka na sa'kin para di kana mag-jeep." pagyayayang sabi nito kay Ella. Napansin ni Ella na mabait naman ito at mukhang di gagawa ng masama, kaya naman pinaunlakan niya ang paanyaya nito sa kanya, habang nasa sasakyan paminsan-minsan sinusulyapan niya ito ng tingin makikita mo sa mukha nito na may maamong mukha at palangiti. "Ikaw ha! nakikita ko ang mga sulyap mo" pabirong sabi nito kay Ella "Hindi ah! nahihiyang sabi niya kay Dr. Andrei Tinuon na lang ni Ella ang mata sa daan. pabulong na sabi niya. "In fairness gwapo naman." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng palihim. Pumagitna ang katahimikan sa kanila. Di nagtagal pinutol ni Andrei ang hiya n'yang magtanong kay Ella. "Hhmm! saan ka pala nagtatrabaho?" " Dito lang din sa makati sa A. Apparel Company "So sa company pala ng mga Alvaro ka nagwowork. Kilala ko may-ari ng company na 'yon" "Oo, hindi pa naman ako ganon katagal nagtatrabaho sa kompanya na 'yon," mababang tugon nito "May alam ako na magandang kompanya na pwede kitang i-recommend kung gusto mo," pag-aalok na sabi ni Dr. Andrei. "Okay na ako sa company na 'yon pag-iigihan ko na lang ang trabaho para sa'min ni inay." mababang tugon niya kay Dr. Andrei Bumaba na ng alabang si Ella. "Sure ka ba dito ka na lang? ngiting tanong nito kay Ella habang nakadungaw sa bintana. "Yeah! thanks for the ride. Ingat sa pagda-drive." ngiting sabi niya "Okay! see you next time, by the way may i have your cellphone no." Nahihiyang wika ni Andrei Napa-isip saglit si Ella. Kumuha siya ng papel sa bag at sinulat na ang name at cp.no niya, at binigay na ito kay Andrei. "Salamat." Tango lang ang tugon ni Ella at naglakad na siya papunta sa terminal ng tricycle. pagdating sa kanilang bahay. Humiga siya sa sofa at ipinikit ang mata. Muli niyang naalala ang isang lalaki sa hospital na kamukhang kamukha ni Jk, muling nanariwa sa kanya ang huling tagpo nila ng lalaking hanggang ngayon alipin pa rin ang puso niya. "Makaligo muna nga." Lumalagaslas ang tubig at biglang tumunog ang cellphone niya "Sino kaya ang tumatawag?" Paglabas niya ng banyo daling kinuha niya ang cellphone. "Sino kaya ang tumawag? hindi naman si Kathy! Habang iniisip kung sino ang tumawag, hindi siya mapakali dahil hindi naka-phone book ang cell no. nito sa kanya. Ilang sandali pa tumunog ang cellphone niya ulit. Madaling kinuha niya ito baka sakaling si Jk na ang tumatawag sa kanya. "Hello, sino 'to," paniniyak niya "It's me Andrei." "Ikaw pala." "Tumawag lang ako para itanong kung nakauwi ka ba ng maayos?" "Yeah! safe and sound." ganting sagot niya. Naiilang man siya kay Andrei dahil bago lang niya itong nakilala subalit kinausap pa rin niya ito ng maayos dahil sa kabaitan nito at ang pagka-gentleman. Natapos ang conversation nila na ang topic ay sa kani-kanilang mga karanasan sa buhay. "Nakakapagod na araw." nasabi ni Ella habang nakahiga na sa kama. Ilang minuto pa unti-unti ng dinalaw ng antok si Ella at tuluyan ng nakatulog. Nagmerienda naman siya kanina sa canteen ng hospital bago umuwi. Kinabukasan maagang nagising si Ella. "Salamat sa maykapal for everything." maikling panalangin at pasasalamat niya. "Good morning. Kumusta ka? tanong ni Shy sa kanya, kasama niya sa Accounting dept. "Mabuti naman, stand still and fighting as well." ngiting sagot ni Ella "Glad to see you again, Ella." "Same to you, Sir Edward." Pagdating nila sa Accounting department. "Guys let me have your attention please! kaya ako ngpameeting sa inyo ngayon dahil magiging mas mahigpit tayo ngayon, dahil babalik na sa work si Sir J." Habang nagsasalita si Edward tila isang puzzel sa isip ni Ella ang tinatawag nilang Sir J. "Okay guys tapos na ang meeting, back to work na tayo." "Yes, Sir Edward." sabi ng lahat ng empleyado na naroon "Shy, sino ba 'yong Sir J. na yun?" nagtatakang usisa ni Ella "Naku day! makikilala mo din 'yon," ngiting tugon nito. Lumipas ang oras at breaktime na, ngunit kay Ella gusto na niyang hilahin ang oras para makapunta na siya ng hospital. "Ella. breaktime na, halika na." yaya ni Shy "Sige. Wait mo na lang ako, ligpitin ko lang sandali ang table ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD