Secret Reveal

1501 Words
Patuloy ang laboratory and iba pang test ginawa kay Aling Susan ngunit sabi ng mga doktor mukhang malabo na itong tumagal, hindi malaman ni Kathy ang gagawin sa mga nalaman niya, di niya alam kung matatanggap na lang ba kadali ni Ella ang mga ito, lalo na't sumigla siya ng nagising na si Aling Susan. "Chang, pakalakas ka alang-alang po kay Ella. Nalulungkot po 'yon kapag nakikita kayong nanghihina kaya sana tibayan mo pa din ang loob mo, laban lang po," masayang sabi niya para sa ina ng kaibigan. "Oo Kathy," mahinang tugon nito kahit hirap magsalita "Lagi mo pong tatandaan, mahal ka po namin ni Friendship. Tsaka wag mo pong alalahanin si Ella matapang po 'yon malalagpasan din po natin ang mga problemang ito," pinapalakas ang loob nasabi ni Kathy Tumulo ang luha ni Aling Susan dahil ramdam niya anytime pwede na siyang mawala. Ipinikit na lang ang mata at ipagdasal ang anak na sana ay makayanan ang lahat kapag nawala na siya. Sa opisina naman masaya ang araw ni Ella, dahil alam niyang nagising na ang ina kahit pagod sa trabaho ginawa niyang inspirasyon ang ito para matapos ang trabaho ng maayos. "Ella, overtime ako, kainis naman si Sir Edward bakit ba tayo palagi ang pinag-oovertime tayo lang ba ang tauhan nya," nagmamaktol na wika niya kay Ella. "Ano ka ba di ka pa nasanay kay Sir. Tayo ang paborito n'on..." nakangiti wika niya kay Shy "Oh! paano kita na lang tayo bukas, ingat ka pag-biyahe kilala kita natutulog ka sa jeep. Baka lumagpas ka na naman." Nagtatawanan sila habang palabas na ng opisina si Ella. "Okay sige bye. See you tomorrow." Hindi pa man nakasakay si Ella ng Elevator. Nagmamadaling tinawag s'ya ni Edward. "Ella. may ibibigay ako sayo," ginagap ang kamay niya at inabot ang isang sobre "Ano po ito Sir?" "Nag Volunteer kami na mag-ambagan para sa nanay mo, alam ko naman na hindi sasapat yan para sa bayarin mo sa Ospital pero makakatulong din yan kahit papano." seryosong saad niya kay Ella "Thanks a lot Sir, pati na rin sa mga nagbigay." naluluhang sabi ni Ella Maya-maya pa'y sumakay na si Ella sa elevator at agad binuksan niya ang sobre malaking halaga na din ang nakapaloob dito, di niya inaasahan sa konting panahon pa lang siya nagtatrabaho sa kumpanya ng A. Apparel may mga nakasama na siya na maituturing na din tunay na kaibigan. Palabas na siya ng building ng maisipan niyang dumaan muna sa isang shopping mall sa Landmark. "Ang dami naman magagandang damit dito, bibilhin ko si inay para paglabas ng ospital may magagamit siya sa pamamasyal namin." Lumapit ang sales lady sa kanya. "Hi Ma'am, para sa inyo po ba?" ngiting tanong nito kay Ella "Hindi, para sa nanay ko. Gusto ko 'yong komportable isuot," tugon niyang sabi sa sales lady "Okay po Ma'am, dito po tayo sa adult area." yaya kay Ella Samantala, nakabili na si Ella ng damit para sa kanyang ina. walang mapagsidlan ang saya niya sa improvement ng condition ng kanyang ina. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ang nangyayari sa ospital. "Nurse, doc!" sigaw ni Kathy Mabilis na pumasok ang mga nurse kasabay nito na nagmamadaling pumunta din ang Cardio doctor at si Dr. Andrei. Hindi na magkamayaw ang mga nasa loob ng room 101 dahil bumaba na ang oxygen level ni Aling Susan. Unti-unting naging stable si Aling Susan naagapan ng mga doktor niya. Lingid kay Ella pasama na ng pasama ang kondisyon ng kanyang nanay. Papasok na si Ella ng ospital puno ng tuwa ang kanyang nararamdaman. "Sigurado matutuwa ang nanay sa mga damit na binili ko sa kanya," sabi niya Nagmamadaling sumakay sa elevator si Ella at pagdating niya sa room 101 kung nasaan andito ang nanay niya. Nagtataka si Ella bakit marami ang taong nandoon, nahulog niya ang binili sa pag madaling makita ang ina, lumong lumo siya ng makita ang ina na may endotracheal intubation na naman. Halos bumuhos ang luha ni Ella awang awa sa ina. "Inay! akala ko ba uuwi na tayo, sabi mo lalaban tayo nangako ka sakin inay..." Napuno ng hagulgol ang kwarto na ang pakiramdam ni Ella muling dumilim ang ang daraanan niya sapagkat ang ina ang nagsisilbing ilaw, inspirasyon at lakas niya para abutin ang mga pangarap niya sa buhay. Nagising si Aling Susan ng sandaling iyon, pinilit niyang pakalmahin ang anak sa pamamagitan ng pagdampi ng kamay nito sa kanyang buhok. "Anak, huwag ka ng umiyak. Ano man ang mangyari sa'kin wag mong pababayaan ang sarili mo, sana lang maging matatag ka at sa darating na panahon ano man ang kaharapin mo anak! alam kung kaya mo yan ha. Mahal na mahal kita Ella. Anak ko!" matamlay na wika nito. larawan sa mukha niya ang lungkot. Ng biglang bumigay na si Aling Susan at naramdaman na lang ni Ella ang pagbagsak ng kamay nito. Humulagpos sa iyak si Ella habang yakap niya ang ina di niya mawari ang sakit ng loob niya sa oras na iyon. Ang nasa isip niya sayang ang mga pangarap niya para sa ina na kahit papano unti-unti na nila itong nakakamit. di niya akalain ganun kabilis lilisan ang ina "Inay, inay, inay!" sigaw ni Ella at tuluyan ng nawalan ng malay. Dala ng labis na paghihinagpis sa pagkawala ng ina. "Ella, Ella..." huling kataga na narinig ni Ella bago pa siya lubos na mawalan ng malay. Agad na inagapan ng mga nurse si Ella. Awang-awa si Kathy para sa kaibigan alam niya kung gaano kasakit ng mawalan ng ina. Subalit patuloy pa rin ang buhay kahit ang tiyahin na lang ang kasama nito sa buhay nagsilbing ina at ama niya habang lumalaki. Lumipas ang ilang buwan sariwa pa rin kay Ella ang pagkawala ng ina sadyang mapagbiro ang tadhana bumalik sa alaala niya ang masayang sandali na magkasama pa sila ng kanyang ina nasabi niya sa sarili. "Bakit kinuha agad ang inay sa akin," lumuluhang sambit nito. Ng nakauwi na siya sa bahay bagsak na inihiga ni Ella ang katawan sa kama, sa ilang sandali walang mahagilap na gawin si Ella naalala niya kunin ang litrato ng ina na nakalagay sa isang picture frame sa tagal na ng litrato na iyon hayag na ang kalumaan nito. "Ngayon ko lang nakita ang litrato na ito! pinasadahan iyon ng tingin ni Ella," may nakitang papel sa likod si Ella na napasailalim sa litrato. "Ano kaya ito?" tinanggal ni Ella ang pinaka likod ng picture frame. At unti -unti niyang binuklat ang isang papel na nakatupi at malaya niya itong binasa. Mahal kong Ella, Sa mga oras na ito sakali man matagpuan mo ang liham kong ito, sana lang ay huwag kang magagalit sa nanay alam ko na mahabang panahon ko itong nilihim sayo may mga bagay akong itinago ng mahabang panahon para sa kapakanan mo anak, hindi ko nais na ilihim ito sayo ngunit hinihingi ng pagkakataon sana habang binabasa mo ang liham na ito huwag mamayani sayo ang galit at paghihiganti kundi, pag-unawa at pagpapatawad sa aking sasabihin sayo na katotohanan tungkol sa iyong pagkatao. Ella anak, hindi ako ang totoo mong magulang. Ganunpaman, kahit kailan hindi kita itinuring na iba sa akin minahal kita anak ng higit kanino paman, sana lang mapatawad mo ako dahil hindi ko ito nasabi sayo ng personal, alam kong darating ang panahon malalaman mo rin ang totoo. Masasabi ko lang sayo anak na alamin mo ang katotohanan tungkol sa iyong ina, siya ay biktima ng isang masakit na pangyayari, pinakamabait na tao ngunit dahil sa isang masalimuot naganap sa kanyang buhay siya any ginahasa ng taong hindi niya nasabi sa akin, pagkatapos na ika'y ipanganak iniwan kanya sa akin sa kadahilanan na hindi niya kayang makita ka dahil ikaw ang naging bunga ng panggagahasa ng taong di ko nalaman kung sinoman iyon. huwag kang magagalit sa iyong ina sana maunawaan mo kung bakit nagawa ka niyang iiwan sa akin. Hanggang dito na lang ang liham ko, mahal na mahal ka ng nanay. Nagmamahal, Ang iyong ina Gayon na lang ang pagkagulat ni Ella sa mga rebelasyon ng kanyang inang si Aling Susan, hindi niya kayang paniwalaan ang mga inilahad nito sa sulat pakiramdam niya para namamanhid ang kanyang katawan sa mga nalaman, ang tinuturing niyang ina ay hindi pala niya tunay na nagluwal sa kanya at lalong masakit tanggapin siya ay bunga ng isang panggagahasa ng tao na ngayon pa lang kanya ng kinamumuhian. "Inay bakit kailangan kong malaman pa ang mga bagay na ito?" hagulgol na dumapa si Ella sa kanyang kama na parang batang naghahanap ng isang magpapatahan sa kanya. Lalo pang nadama niya ang lungkot ng nag-iisa at walang dadamay sa kanya ngayon, naisip niya ang lumabas sa kanyang bahay at maghanap ng isang lugar kung saan mawawala ang bigat ng kalooban. Agad siyang pumasok sa isang Bar na di kalaunan nakaupo na siya kaharap ang mga bote ng alak at malayang nilulunod ang sarili sa mga iyon, sa hindi kalayuan may kanina pang nagmamasid sa kanya at patuloy lang ito sa ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD