Sa kalasingan nakatulog na si Ella sa table na kanyang inukopa para lunurin ng alak ang sarili, ngunit lingid sa kanyang kaalaman may lalaki na kanina pa gustong lumapit sa kanya subalit sinusubaybayan lamang siya nito, at may lumapit na lalaki kay Ella. Samantalang inaalalayan na si Ella nito bagaman nagising siya ngunit natalo siya ng kanyang kalasingan,
"Hoy! sino ka? di kita kilala bakit mo ako hinahawakan? leave me alone!" pasinghal na sabi ni Ella
"What do you think you're doing? she's my girlfriend!," paasik na wika ng isang lalaki na kanina pa pilit di inaalis ang tingin kay Ella.
"Easy lang pare. Akala ko kasi wala siyang kasama." Nang-aasar na wika nito at tumalikod iniwan na si Ella.
Binuhat na si Ella ng nagpakilalang girlfriend niya ito. Sinakay na niya sa sasakyan at habang nasa sasakyan sila at tulog na tulog si Ella tinitigan niya ito simula ng pagpasok nito sa bar ay kanya na itong binabantayan dahil alam niya na mag-isa lamang itong umiinom.
Hindi niya alam kung saan nakatira si Ella kaya naman dinala niya ito sa kanyang condo unit sa Makati dahan-dahan niya itong inihiga sa kama, di niya alam bakit may nararamdaman siyang kakaiba sa babaeng ngayon pa lang niya nakita. Basa na sa pawis si Ella kaya minarapat niyang hubarin ang damit nitong suot.
"Bakit ba ako nag-aalala sa babaeng ito? kung iba pa ang nag-uwi sayo na-rape ka na!" galit niyang sabi.
Pagkatapos niyang hubarin ang damit malaya niyang hinagod ang katawan nito ngunit may parte sa kanyang isipan na may nobya na siya at mahal na mahal niya ito. Kaya hindi niya kayang mang bastos ng sinomang babae. Bago siya umalis tinabunan niya ng makapal na kumot ito saka tuluyan ng umalis ng condo.
Napabaligwas si Ella ng makita ang lugar na hindi pamilyar sa kanya, kaya naman mabilis siyang tumayo ng matanto na wala siyang saplot. Nag-uunahan ang kabog ng kanyang dibdib di niya maisip bakit siya naroon sa lugar na iyon. Lumabas ng kwarto si Ella natanaw niya sa table na may papel at nakapatong ito sa white na Hanes t-shirt. Dali-dali niya itong dinampot. Binasa ang nakasulat dito.
Miss,
Isuot mo muna ang t-shirt na yan alam kong wala kang maiisuot pag-gising mo. Wag kang uminom ng sobra. Just drink liquior within your limits. Thank you for spending whole night with me.
Uminit ang katawan niya sa kanyang nabasa
"What the h***?" tarantang sabi niya.
Nilibot ni Ella ang kabuuan ng condo.
Naghahanap siya ng mapagkakilanlan ng may-ari ng condo, ngunit sawi siya dahil wala siyang mahanap ni isang larawan sa bawat sulok niyon. Nagulat siya sa tunog ng doorbell.
"Sino naman kaya ito?"
Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya ang babaeng may dala ng kanyang damit.
"Good morning Ma'am, pinalaundry po ni Sir." wika ng chambermaid
"By the way, thank you." mababang sabi ni Ella
Bago pa man niya matanong ang chambermaid nakaalis na ito hindi niya mahabol sapagkat suot lamang niya ay manabang t-shirt.
Pagkatapos magbihis ni Ella tumuloy siya sa opisina andun pa ang hang-over, hindi na lang niya ito pinahalata.
"Good morning! kumusta ka na girl?" bati niya kay Ella
"Ito keep pushing my self fighting alone." tila naluluhang sabi nito kay Shy
"It's okay. Lilipas din ang pagdadalamhati mo." Ngiting tugon niya
Samantalang ngiti lang din ang sagot ni Ella sa sinabi ni Shy.
"Hi guys! wika ng pumasok. Isa sa bagong employee ng A. Apparel.
"Hi, I'm Bench nice meeting you. naikwento ka na nila sa akin kaya kilala na kita, your name is Ella.right?" pagsisigurong tanong niya
"Yeah. nice meeting you too."
Lumipas ang maghapon, focus sa work ang nasa loob ng opisina na iyon. Dahilan marami silang naleft na work ng magleave si Ella.
"Pssst! beshy Shy, masungit ba 'yon si Ella? tanong ni Bench
"Ay! naku hindi ganyan lang siya now kasi kamamatay lang di ba ng mother dear n'ya."
"Oo nga pala. Gusto ko din maging siya maging beshy katulad sayo," masayang bulong nito kay Shy.
"Oo naman girl! balik ka na sa work mo baka makita tayo ni Sir Edward." Mahinang tapik nito sa pwet ng kaibigan. At nagtawanan sila ng mahina.
6:00 pm na. Time na para sa uwian, pero busy pa din si Ella katitipa ng kanyang computer tila di inaalala ang oras dahil alam niya kapag umuwi na naman siya sa bahay maaalala lang niya ang ina, kaya hinahayaan niya ang sarili gugulin ang bawat oras sa trabaho.
"Ella di ka pa ba uuwi? tanong ni Shy
"Hindi pa. Tatapusin ko muna ang trabaho ko nakakahiya naman kasi kay Sir at sa mga boss," wikang tugon niya kay Shy.
"Okey, ingat sa pag-uwi mamaya ha!, wag ka na lang masyado magpapagabi. Bye! see you tomorrow."
Mag-isa na lang si Ella sa opisina ngunit halos di pa siya dalawin ng pagod sa dami ng pumapasok sa kanyang isipan sandaling isinandal ang sarili sa kanyang upuan.
"Inay! sambit niya
Muli na naman dumaloy ang luha niya ng maalala ang kanyang ina.
Alas dies na nakauwi si Ella sa kanyang tinitirhan na bahay, sa pagod hindi na siya nakapagpalit ng kanyang damit at tuluyan ng nakatulog sa sofa.
"Ella! anak, magpatuloy ka lang ng masaya sa buhay at tanggapin mo ng maluwang sa puso mo na wala na ako sa tabi mo. ngunit kahit nasa malayo na ako lagi lang ako nandito at nagmamasid sayo anak. Mahal na mahak kita."
"Inay, inay! wag mo po ako iwan," iyak nya.
Nagising si Ella dama pa din ang pangungulila sa ina, hirap ang kalooban. tumayo siya at pumasok na sa loob ng kanyang kwarto. Buo na ang desisyon niyang lumipat ng tirahan para kahit papano mabawasan ang lungkot para sa ina.
Kinabukasan maagang inihanda ni Ella ang kanyang mga gamit. Mula kagabi iniligpit na niya ang mga gamit niya at maagang pumunta sa may-ari ng bahay.
"Salamat po ate Dory alam ko na naging malapit din kayo ng Inay. gusto ko man pong huwag umalis kaso nga lang lagi ko lang po maaalala ang Inay, lagi lang po ako malulungkot lalo na po mag-isa na lang ako sa bahay.," paalam na sabi ni Ella kahit mabigat ang kalooban.
"Okay lang hija! naiintindihan ko naman, sana lang ang pangarap ko sayo na makatagpo ka ng lalaking magmamahal sayo ng lubos kagaya ng iyong ina."
Bago umalis si Ella niyakap niya ang nagsilbing kaibigan din ng kanyang ina nung nabubuhay pa ito, lingid sa kaalam niya naikwento na ni Alng Susan ang tungkol sa kanya kay Dory. Kaya naman awa ang naramdaman ni Dory para kay Ella.
"Pagpalain ka nawa hija sa iyonh buhay."
"Salamat po!" maikling tugon ni Ella
Tumawag muna siya na hindi makakapasok sa opisina para maghanap ng bahay na malilipatan, kaya pinayagan siya ni Edward at alam nito ang rason kung bakit tila nagmamadali umalis si Ella sa dating tinitirhan para mabawasan ang lungkot at dalamhati niya.
Ilang oras lang ay nakahanap na si Ella ng isang bahay na uupahan kaya minadali niyang makalipat.
"Hay! salamat. nakakapagod talaga maglipat," ani Ella na nakaupo sa sofa
Maya-maya tumunog ang phone niya habang nakapikit ang mata.
"Hello" tugon niya sa tumuwag.
"Hi friend! kumusta ka na? good news Ella. magtatrabaho na ako sa isang company, at ito pa! na pag mamay-ari ng friend ni Madam." tuwang sabi ni Kathy.
"Wow friend. Good for you! masaya ako at dito ka na din magwowork sa manila."
"Friend, okay lang ba diyan na din ako sa apartment mag-uwian," paglalambing nasabi
"Ano pa ba ang magagawa ko," masayang tugon niya sa kaibigan.
"Thank you beshy!" tuwang tugon niya kay Ella.
Natapos ang pag-uusap ng dalawa excited na din si Kathy magtatrabaho sa company ng Cheng Garment Industries Inc.
"Chang bukas na po ang alis ko puntang manila, wag kayong magpapabaya sa sarli ha! uminom ka po palagi ng maintenance mo po, wag ka na din magtitinda ha. Magpapadala po ako kada sweldo ko po.?" pagpapaalala na sabi niya sa tiyahin.
"Opo, madam!" nagtawanan na lang silang dalawa at niyakap ang tiyahin.
Saturday ng umaga maagang bumangon si Ella para mag-jogging sa park para muling bumalik na din ang sigla ng katawan. Nagsimulang tumakbo ng dahan-dahan si Ella papuntang park, Umikot siya ng dalawang beses saka siya huminto sandali sa may bakanteng upuan.
Nagpunas ng pawis at saka uminom ng dalang bottled water. At may lumapit sa kanya.
"Hi Ms. Ella," wika ng isang lalaki na pamilyar sa kanya.
"Hi din sayo Dr. Andrei, how are you?"
"Ngayon eh mukhang gumanda ang araw ko kasi nakita ko ulit ang pinakamagandang dilag ika nga," may paghangang saad nito.
"Thank you sa compliments," nahihiyang sabi ni Ella habang namumula ang pisngi.
"Ibig sabihin ba nito malapit lang tinitirahan mo dito?" may pag-siguro na tanong niya kay Ella.
"Yeah" maikling sagot niya
"Sana minsan makadalaw ako sa bahay mo."
"And why? what i mean is, baka busy ka makaisturbo lang ako. Since you are a doctor, right!" nasabi ni Ella. Halatang umiiwas na siya para hindi na siya pilitin.
Nakauwi na si Ella.