Refreshing moment

1532 Words
Nagpahinga sandali si Ella. Dahil ngayon lang ulit siya nakapag-jogging since ng lumipat siya sa bagong bahay na inuupahan, naligo siya pagkatapos ng sandaling pagpapahinga di pa man siya natapos sa pagligo may kumatok, nagmamadaling kinuha niya ang tuwalya at mabilis na nagbihis. "Sandali lang! sino ba naman yan ang aga-aga," maktol na pabulong nasabi niya. Pagbukas niya ng pinto laking gulat niya kung sino ang dumating. "Hi, dito pala 'yong bagong house mo." Si Edward. "Sir ikaw pala! "Yeah, si Shy ang nagbigay ng new address mo." tipid na sabi Edward "Ah! opo kinukulit po kasi ako. By the way pasok ka sir," paanyaya ni Ella. Unang lalaki nakapasok sa loob ng bagong bahay ko, sa isip ni Ella. "Hmm! Sir ano po pala ang sadya mo? bakit ganito kaaga mo po ako pinuntahan?" takang tanong niya. "Actually, may usapan tayo di ba sa office last time. Nakalimutan mo na ba?" ngiting paalala nito. "Sorry Sir i forgot! paumahin sabi ni Ella. Nagpaalam sandali si Ella upang ayusin ang mga dadalhin. Ngayong araw pala sila pupunta ng boracay upang kausapin ang american investor nila. Kaya naman di nagtagal umalis na din sila patungong airport. Inihatid sila ng driver ni Edward. "Ingat po kayo Madam at Sir sa biyahe." saad ng driver "Salamat po Mang Kaloy, ingat ka din pag-uwi ho! ani Edward. Tanging ngiti lang ang sagot ni Ella sa matandang driver. Di nagtagal nakarating na din sila sa Boracay, First time ni Ella makarating sa lugar na iyon kahit ganon hindi nagpahalata si Ella na mamangha siya sa ganda ng lugar. "Ella, walang malisya ha! isang kwarto lang ang kinuha ko," "Ha! Sir---?" "Opps! papaliwanag ko, okay! sa loob tayo ng kwarto." paanyayang sabi ni Edward sabay hawak sa kamay ni Ella. Nabigla si Ella sa ngayon kinikilos ng kanyang boss, ngunit nanatiling kalma lamang siya. "Ella, please may sasabihin ako pero sana sa atin dalawa lang ito," "Yes Sir!" kinakabahang tugon niya. "Una. wala akong appeal sa mga katulad mo, second. I'm a guy!" malayang pahayag ni Edward. Parang di makapaniwala si Ella sa mga rebelasyon ni Edward di niya alam kung binibiro lang siya nito. "Totoo ang narinig mo Ella, no one knows about this... ikaw lang!" "Why do you tell me all about this?" tanong niya. " I don't know, basta panatag kalooban ko sayo." "Thank you Sir for trusting me, promise no one else will know your secret." ngiting sabi ni Ella. Panatag ang kalooban ni Ella na maging kasama ito sa iisang kwarto sa hotel, para mapagtakpan ang isang lihim ni Edward na siya lang ang nakakaalam, ngayon naunawaan na niya kung bakit mailap siya sa mga kasama sa opisina. Kinabukasan maagang nag-asikaso si Edward at Ella para sa isang event na gaganapin sa isang business hall sa boracay. At the event. marami ang pumunta sa lugar na iyon, halos lahat ay kilalang tao sa larangan ng pagnenegosyo. Ang lahat ay makikita ang pagkagalante sa kanilang mga ayos at suot. "Ella. confidence ka lang ha! relax mo lang ang sarili mo."paalalang sabi ni Edward. "Opo Sir." Saglit na napasulyap si Ella sa isang babae na paparating sa lakad at suot nito makikita agad na hindi low class ang pigura nito. Malapit sila sa may entrance ng hall para makita agad nila ang hinihintay nilang pangunahing bisita. Maya-maya pa nagsalita na ang Emcee ng event na iyon. "Okay Ladies and Gentlemen, where about to start the event this evening. Dumating na ang ating bisita. Lets give her a round of applause Miss Pauleen Quevedo." Nagpalakpakan ang mga tao doon hindi magkadamayaw ang saya ng bawat isa. "Hi everyone, thank you for inviting me to celebrate with you with this prestigous annual event. And of course to each everyone here, welcome and enjoy. Nagsimula ng umere ang spanish song, kanya-kanyang kumuha ng ka-partner ang bawat isa. Agaw pansin kay Ella ang isang lalaki na kakapasok pa lang ng pinto sa pananamit nito makikita mo na ang matikas at desenting awra nito. Sa tingin niya nasa 6' flat or 6'2 ang height nito di niya mafigure ang mukha nito dahil sa suot na maskara. Nagulat siya ng hawakan ni Edward ang kamay niya. "Sayaw tayo," paanyaya nitong sabi "Eh! Sir hindi ako marunong sumayaw. Parehas kaliwa po ang paa ko." ngiting tugon niya." "Okay lang yan, basta sabay ka lang sa galaw ko." "Sige na nga po," Napilitang tumayo si Ella. Makikita ang hubog ng katawan ni Ella sa suot niya na dress backless na white sa kulay morena niyang balat makikita parin ang kinis ng kaanyuan nito. "Ella, pwede ba ako magtanong?" "Yeah, sure. Ano po ba yon Sir?" naiilang sagot niya. "Bakit wala ka pang boyfriend? wag mong sabihing meron kasi wala akong nakikitang nagsusundo sayo," nagtatakang tanong nito kay Ella. "Baka po kasi hindi pa dumarating yong right guy para sa'kin." "Kung hindi lang ako, ganoon. Baka naligawan na kita," pangiting sabi nito. Hindi nagtagal umupo na din silang dalawa sabay bulong kay Ella. "Ang pakay natin dito si Miss Pauleen, sikat na designer sa amerika at europe." "Wow! kakausapin natin siya later kapag di na siya busy? or kakausapin na natin now na." sagot ni Ella na nakangiti ng bahagya. "Wait natin perfect time," Tumayo si Ella at nagpaalam kay Edward na pupunta siya saglit sa powder room. Tinanggal niya sandali ang maskara niya at nagretouch ng make-up at lipstick na-hook siya sa katabi ng magtanggal din ito ng maskara. "Bakit Miss? ngayon ka lang ba nakakita ng ganito kaganda? wika ng katabi ni Ella. "I'm sorry! nagandahan lang po ako sayo Ma'am." nahihiyang paumanhin ni Ella dahil nakatitig siya dito. "Thank you!" maikling tugon ng babae. Paglabas niya ng powder room nabangga ni Ella ang lalaking kanina lang ay tinitingnan niya pagpasok sa entrance. "Miss tumingin ka sa dinadaanan mo! sakristong sabi nito." Tila huminto ang lugar na iyon ng marinig ni Ella ang boses nito, naalala niya si Jk. "Sorry Sir" tipid niyang sabi. Nakabalik na si Ella sa upuan pero hindi parin maalis sa isip niya ang lalaki na kanyang nabangga, pamilyar ang boses na iyon para sa kanya. Maraming kumakausap kay Ms.Pauleen. Kaya hindi makalapit sina Edward at Ella, Hanggang di nila namalayan nakaalis na pala ito sa venue. "Ano ba yan! di natin namalayan Ella, nakaalis na pala si Ms. Pauleen tinanong ko yong Emcee ngayon." nanlulumong saad nito. Bagsak ang balikat ng dalawa ng umuwi hindi man lang nila nakausap ang pinunta nila sa lugar na iyon. "Ella dalawa naman ang bed, diyan ka na sa kabila. Ipanatag mo lang ang sarili mo wala akong gagawing masama sayo okay!" pabirong sabi ni Edward. "Sir tumatawa ka din pala?" "Oo naman, piling tao lang ang nginingitian ko," isnab nitong sabi. Sabay silang nagtawanan na parang magkakilala na sila ng matagal. Kinabukasan habang nagkakape sila sa harap ng beach. "Ella may dala kabang two piece?" tanong ni Edward "Ha! why Sir?" "Syempre maliligo tayo ng dagat bago man lang tayo umuwi, mag unwind muna tayo lalo ka na. Di ba malungkot ka the past few months." "Okay po Sir, kukunin ko lang yong dala ko." paalam ni Ella "Naku huwag ka ng bumalik sa hotel, bibili na lang tayo. Marami ang nagtitinda diyan sa tabi-tabi. Nasa loob ng bathroom si Ella nahihiya siya sa kanyang suot sapagkat ngayon lang siya nakapagsuot ng ganon. "In fairness may taste din si Sir mamili ng two piece." manghang nakatingin si Ella sa kanyang sarili. Namangha si Edward kay Ella, sa pigura nito na 34 24 34 perfect body ika nga. "Yan ang katawan, hindi tulad ng iba diyan." manghang sabi ni Edward. "Salamat Sir." namumula ang mukha ni Ella kahit alam niya hinding-hindi magkakagusto si Edward sa kanya. Papunta sila sa isang kainan malapit sa beach. At habang kumakain sila, may lumapit sa kanila na babae pamilyar kay Ella. "Hi nice to see you again," wika ng babae. "Hi, have a seat." si Edward "Maybe next time na lang, okay.Pupunta ako sa unit mo, sige baka naghihintay na ang boyfriend ko" nakangiting paalam nito. "Sir sino po yon? siya ba yong guest last night?" Ella asked. "Yeah, good friend of mine." Hindi na nagtanong pa si Ella dahil kung anong meron siyang nakita sa mata ni Edward na lungkot. Pagkatapos kumain nila Edward at Ella tinahak nila ang white sand patungo sa cottage papunta sa dagat, kita ang saya ni Ella sa konting sandali nawala ang lungkot at pangungulila sa Ina. malaya silang namasyal sa isla sinulit nila ang oras na maikot ang isla ng boracay. Lumipas ang maghapon pagod na umuwi ang dalawa sa kanilang tinutulugan hotel. Habang nakahiga sa kanya-kanyang kama. "Ella, can i ask you something? "Yes Sir, tungkol saan po? usisa niya. "May naging boyfriend ka na ba? "Wala pa po Sir! mabilis niyang sagot. "Bakit parang defensive ka, the way you answer." natawa si Edward. Nagpaalam muna siya kay Edwatd para kumuha ng malamig na tubig, pakiramdam niya natuyuan siya ng lalamunan sa tanong ni Edward sa kanya, umiwas din siya baka magtanong pa ulit sa kanya. Nagpahangin siya sandali sa terrace naalala niya muli si Jk na hanggang ngayon parang isang puzzle pa din sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD