Chapter twelve
"Happy birthday, Ella!''
Pagkatapos ng malakas na awit na nagpasaya kay Ella.
"Guys wait lang successful ang punta namin sa boracay last saturday isang kilalang investor ang napapirma namin ni Ella and guess what? bukas pupunta siya dito sa company at gusto niya ma-meet ang bawat empleyado dito."
"At remember kailangan prepared ang lahat ha!" dagdag pa ni Edward
"Yes, Sir." sagot ng lahat
Biglang tumahimik ang lahat ng pagsalitain ni Edward si Ella kung ano ang masasabi nito sa surprise sa kanya ng mga mga katrabaho.
"First of all, thank you guys for celebrating my birthday with me this day. pag-out natin mamaya papalibre na lang ako ng masarap na ramen sa favorite nating Ramen House," masayang sabi niya sa mga katrabaho.
Nasa Ramen House na ang bawat isa ng Accounting department, hindi man sana trabaho ni Edward iyon ngunit siya na lang ang nakipagkita sa mga investor sa boracay dahil iyon ang gusto ng Chairman ng company.
"Ang sarap naman talaga ng libre eh," si Shy.
"Sabi mo pa." tawang segunda ni Bench.
"Look guys! bukas babalik na si madam. Alam ninyo ibig kong sabihin!" si Edward paalala sa team niya.
"Matapang ba 'yun? tanong ni Ella.
"Tiger kamo," nagtawanan ang lahat sa turan ni Shy.
Masayang kumain ang bawat isa na taglay sa puso nila ang saya dahil sa bagong investor. Kasabay na din ng pag-celebrate ng birthday ni Ella.
Hiwa-hiwalay na sila ng daan after nila kumain, ngunit si Edward niyaya si Ella na ihatid bilang pasasalamat niya sa pagsama nito sa kanya sa boracay.
Nasa harap na sila ng bahay ni Ella. Nagulat siya ng biglang may lumapit sa kanya pagbaba niya ng sasakyan.
"Ella!"
"Oh gosh!" gulat niyang sabi
"Katherine, nagulat ako ha! hindi ka nag message sa'kin na ngayon ka darating. kanina ka pa ba? Kainis ka!" pairap na sabi sa kaibigan.
"Ella. I have to go. See you tomorrow, okay!" paalam ni Edward.
"Yes Sir. Thanks for the ride." sagot pa niya
Nagbalik na ang saya ni Ella, unti-unti na muling nasisilayan ang mga ngiti na ilang buwan din bago niya nakayanan na wala na ang ina.
"Ella! sino naman 'yung naghatid sayo? usisang tanong ni Kathy.
"Si Sir Edward, naku wala 'yun. Hay! alam ko ang nasa isip mo friend," tugon niyang tumatawa.
"Sus! i-deny pa talaga!"
"Naku friend hindi kami talo... maniwala ka."
"Bakit naman?"
"Next time sasabihin ko sayo! okay ba? sabay yakap sa kaibigan.
Masayang napag-usapan ng mag-kaibigan ang mga panahon na hindi sila magkasama ng lumuwas ng manila si Ella at ang kanyang Ina. hindi nila namalayan ang mga oras halos madaling araw na sila ng matulog dahil sabik na nafkwentuhan ang dalawa.
Kinabukasan mas maagang nagising si Kathy sapagkat ito ang unang araw niyang papasok sa Cheng Company pag aari din ng isa sa tanyag na kompanya sa pilipinas.
She felt so grateful kay Mrs. Uy dahil nagkaroon siya ng amo na katulad nga ni Mrs. Uy na nagrekomenda sa kanya na magtrabaho sa malaking kompanya dito sa manila.
"Kathy bilis mapupuno na ang jeep." Nagmamadaling sumakay ang magkaibigan.
"Grabe dito sa manila, daming sasakyan kaya naman pala traffic palagi." Saad ni Kathy sa kaibigan.
"Pssst! huwag kang maingay malapit na tayo." pabulong niyang wika.
Alas Siete pa lang narating na nila Ella at Kathy ang kompanya na papasukan ni Kathy dahil sa address nitong dala na binigay ni Mrs.Uy sa kanya.
"Pano Kathy aalis na din ako. Magtanong ka nalang sa loob ha! kaya mo 'yan girl! fighting lang!" tanging nasabi niya puno ng emosyon.
"Thanks, call kita mamaya ha!"
"Okay bye!"
Sandali pa nakapasok na sa loob si Kathy dala niya ang mga requirements niya na isa-submit niya sa HR.
"Good morning Sir. Tanong ko lang po saan po ang office ng Cheng Company po."
"Miss sakay ka ng elevator pang 10th floor," sagot nito kay Ella
"Salamat po." sabay ngiti nito at nagpaalam sa kausap.
Kinakabahan si Kathy dahil first time niya magtatrabaho ng manila at sumakay sa elevator sa ganito kataas, Hindi lang niya pinapahalata na para siyang nanginginig dahil nakikita niya ang view sa labas ng building. Sapagkat transparent ang wall nito. Lingid sa kaalaman niya kanina pa nakatingin ang isang lalaki na pinagmamasdan ang reaksyon niya.
"10th floor na pala." halos nagmamadaling lumabas si Kathy ng elevator kanina pa niya pinipigilan ang sarili na huwag kabahan.
"Yes Miss? tanong ng guard.
"Sir nand'yan na po ba si Mrs. Reyes? tanong ni Kathy.
"May appoinment po ba kayo kay Ma'am Reyes?
Pinakita niya ang reccomdation letter na galing kay Mrs. Uy.
"Wait lang Ma'am ha." magalang nasabi ng guard.
tumango lang si Ella at umupo muna siya habang nag-hihintay sa guard. Di katagalan bumalik na agad ang kausap niyang guard.
"Ma'am, okay na po, pumasok na lang po kayo sa office na 'yun." turo nito sa isang pintuan.
Tumuloy na si Ella sa loob na tinuro sa kanya ng guard.
"Miss hintay ka muna d'yan ha, pagpinapasok ka na ni Ma'am saka ka na lang pumasok okay!"
"Yeah! thank you."
tingin ni Kathy ito ang secretary ng HR manager.
Ilang sandali pa nag hintay si Kathy, at pinatawag na siya sa loob.
"Have a seat Ms. Katherine Ledesma, so you graduated with the bachelor science of Bussiness Administration, and you have a good grades as well. By the way. I expected you. Sabi ni madam may magsa-submit ng requirements and ikaw pala 'yun. Actually tanggap ka na. for formality isubmit mo na lang sakin lahat ng requirements mo, at ioorient ka na lang ni Suzy para sa work mo. You can go now."
"Thank you po Ma'am." matipid na sabi ni Kathy.
Palabas na siya ng opisina. May tinawagan ito. tama lang paglabas niya nakaabang na ang secretary. Dinala siya sa sa loob ng isa pang opisina para sa orientation.
"Ano ba 'to di ko mapigilan ang kaba ko. Sino naman kaya 'yung mag- oorient samin," pabulong niyang sambit sa sarili.
"Hi.I'm Denie."
"Hello, nice meeting you. Kathy" saka niya inabot ang kamay sa lalaki.
Dahil nilahad ng lalaki ang kamay niya.
Samantala, si Ella naman ay papasok na sa loob ng building at patungo sa direksyon ng elevator ng biglang may dumating na hindi niya kilala, sa tingin pa lang niya ito na siguro ang amo nila na nasa amerika naka-base.
umatras siya ng konti at tumungo para magbigay galang dito ngunit ng maiangat niya ang ulo. Laking gulat niya ng matanto kung sino ang kasama nito.
si Jk hindi siya pwedeng magkamali dahil ang pigura nito ay siyang-siya.
Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Habang nakatingin dito. Nagsalubong ang mga mata nila, ngunit wala itong emosyon ng makita siya. Naghalong kaba, excitement at takot ang naramdaman niya. Nagmistulang manequin siya sa kinatayuan.
Namalayan niya na wala na sa harap niya ang kanina lang ay nasa harap niya, kaya mabilis siyang sumakay sa bakanteng elevetor gusto niyang malaman bakit nandito si Jk.
Narating na niya ang opisina, pagpasok pa lang niya tanaw niya ang ibang ka-opisina ay maagang nagsimula sa kabilang trabaho.
"Pssst! Shy? what happened? bakit work work na?" tanong pa niya
"Naku girl! and'yan ang mga boss. dumating sila kahapon galing US."
"Ganun ba kasi simula ng pumasok ako sa company na ito, ngayon ko lang nakita ng personal si madam." ani Ella
"Hindi lang si madam ang pumasok pati si Sir Juan Karlos 'yung anak niya na galing din ng US." si Shy
"Guys work na Tayo, baka maabutan kayo ng President ng company umiikot na sa bawat department. Be productive, okay." Turan ni Edward sa kanyang team.
"Yes Sir! Sabay-sabay ang mga empleyado.
Makalipas ang ilang oras lunch time na.
"Everyone, lunch na tayo!" ngiting yaya ni Shy sa mga katrabaho.
Habang palabas na sila ng opisina. Dumating si Edward galing sa pa-meeting ng kanilang boss.
"Bago kayo mag-lunch, may sasabihin ako sa inyo. may gaganapin na party mamayang gabi sa Shangri-la hotel, at invited lahat ng Empleyado ng Alvaro Company. Make sure aatend kayo dahil welcome back party na din sa anak ni madam." paalalang sabi ni Edward sa mga empleyado.
At umalis na din si Edward halatang seryoso na naman ang mukha nito, napansin ni Ella.
"Wow! may party mga besh..." masayang tili ni bench
"Masaya 'to, maraming kilalang negosyante ang aatend 'dun, I'm sure." si Shy paniniguro wika nito.
"Lets go na." sabi ni Ella.
Sa Cheng company makikita ang productivity ng mga empleyado, makikita ang sipag ng mga ito, lalo na at bagong company lang ito sa pilipinas, ngunit famous na sa west country, maging sa asian.
" Miss. Katherine pinapatawag ka ni madam CEO sa office n'ya." halos pabulong nasabi nito.
"Ako po! bakit po kaya?" kinakabahang wika niya
"Right now, kasi may meeting siya mamaya." wika ni Suzy ang manager sa Accounting department.
"Opo Ma'am Suzy."
Habang naglalakad si Kathy panay ang bulong niya, kung ano ang sasabihin ng boss niya.
"Omg! baka maaga akong mapa-fired out." kinakabahang sabi ni Kathy."
Bago pa siya pumasok bumuntong hininga muna si Kathy, at kumatok.
"Come in."
"Madam pinapatawag mo daw po ako?
At unti-unti itong humarap kay Kathy.
Laking gulat niya ng makita ito, hindi niya inaasahan ito pala ang may-ari ng kompanya na ito.
"Ma'am nagkita na po pala tayo sa Sta. Monica, tama po ba? masayang saad niya sa kausap.
"Yes! kinausap ko 'yung boss mo na kung pwede dito ka na lang magtrabaho sa kompanya ko."
"Opo madam, nasabi nga po niya sa'kin," ani Kathy.
"Kaya kita pinatawag may party ka na pupuntahan at mamayang gabi na iyon. Ako na bahala sa susuotin mo."
"Saan po 'yun madam?"
"Malalaman mo mamaya," sumungaw ang ngiti sa labi ni Mrs.Cheng.