At the Party

1600 Words
"Wow! ang daming tao, tsaka ang mga bisita bigatin!" si Shy habang nakamasid sa mga papasok na bisita. "Kaya nga e. I agree with you." Ani Bench . "Wala pa si Ella ang tagal naman ng babaeng iyon..." "Naku girl baka nagpasalon pa!" pabirong sabi ni Bench. Umalingawngaw na ang musika sa loob ng bulwagan. Halos mga kilalang tao ang mga invited guest. Di maipagkakaila na talagang pinaghandaan ang welcome party na ito. Sinundo ni Edward si Ella dahil ito ang date niya sa gabing ito, tinulungan ni Edward habang pababa ng kotse si Ella. "Sir Edward! you look great tonight." "Thank you." "You too," si Edward habang ang mata nito titig pa rin kay Ella. Napalingon sila parehas ng may tumigil na mercedez benz sa harap nila, laking gulat ni Ella ng makita ang lalaking pamilyar sa kanya si Jk at maagap nitong inalalayan ang isang babae. Sa tingin niya ito ay nobya nito. May kirot na sumundot sa puso ni Ella sa mga oras na 'yun. bakit hindi siya naaalala ni Jk, o talagang kinalimutan siya nito. "Ella, si Pau naalala mo? siya ang girlfriend ng boss natin si Sir Juan Karlos." paalala ni Edward sa kanya. "Opo Sir Edward," matipid niyang sabi. "Bakit parang ang lungkot ng mukha mo? cheer up! magsaya tayo sa gabing ito. Dahil sa pagababalik ng boss natin." Tango lang ang naging tugon niya kay Edward. Papasok na sila sa loob ng makita niya ulit si Juan Karlos ngunit hindi kasama ang babae, kaya parang nabawasan ang sakit ng dibdib niya. "Sir kadarating n'yo pa lang?" tanong ni Shy "Ang ganda mo naman Ella girl! kung tunay lang akong lalaki nabighani na ako sayo." "She's my date, 'wag kang epal d'yan." ani Edward. "Si Sir naman! joke lang! alam mo naman di ko yan magugustuhan si Ella, maganda pa kaya ako d'yan!" paismid na wika ni Bench. Napahalakhak na lang sila sa tinuran ni Bench. Mag-istart na ang party, nang umakyat na ang Emcee sa stage. "Good evening to all of you! tonight. I want to announce that this party was organized by Ms. Paula the girlfriend of our very own Sir Juan Karlos Alvaro." lahad ng Emcee. Nagpalakpakan ang mga naroon sa loob ng bulwagan. Ang mata ni Ella ay nakatitig pa rin kay Juan Karlos di pa rin maalis sa isip niya na hindi man lang siya pinansin nito ng magtama ang kanilang mga mata ng bumaba ito ng sasakyan. Wala man lang emosyon siyang nakita sa mukha nito. "Let's all welcome Mrs. Alvaro the Chairman of Alvaro group of companies. let's give her the round of applause!" Nakakabinging palakpakan ng gabing iyon. Para kay Ella napakahaba ng gabing iyon, gusto na niyang umuwi dahil sa nararamdaman na parang sasabog na ang kanyang puso. "Ladies and gentleman! I'm very glad you come and celebrate with us. The reason why. I and Pau organized this welcome party, because of Juan Karlos survived the operation in the US. alive and kicking. I want to give this opportunity and this mic to my only son Juan Karlos Alvaro." Palakpakan ulit ang nangibabaw sa lugar na iyon. "Salamat po sa bawat tao na umattend ng party na ito, alam ko na matagal tagal din akong nawala, simula ng araw na maaksidente ako, at hanggang ngayon marami pa din ako na hindi maalala pero hopefully sa madaling panahon babalik din ang mga alala na iyon, nagpapasalamat din ako sa aking fiancee na matiyagang nag-alaga sa 'kin sa amerika." Ang mata nito puno ng pagmamahal habang nakatingin kay Pau. Namataan ni Ella si Kathy sa di kalayuan kaya tinungo niya agad ito. "Kathy bakit nandito ka?" "Ako ang pina-attend ni madam ng party, representative ika nga!" ngiting tugon nito. Kita ni Kathy ang lungkot sa mata ng kaibigan kaya di nag-atubili tanungin ito. "Bakit para ka naman binagsakan ng langit at lupa?" tanong nito kay Ella. "Wala naman, pagod lang siguro." Pero ang mata titig na titig kay Jk. "Alam ko na ang dahilan, dahil ba sa gwapong lalaki na 'yun?" pabulong na saad ni Kathy. "At bakit naman siya ang magiging dahilan?" si Ella pa. "Naku ha! i knew it. Remember sa Sta. Monica pa tayo." paalala nito sa kaibigan. Inalis na ni Ella ang tingin kay Juan Karlos bumalik na siya sa grupo ng mga katrabaho kasama si Kathy. Bawat isa ay nilapitan ni Juan Karlos at ngayon papalapit na ito sa table nila. "Hey there! kumusta kayo?" tanong ni Juan Karlos "Sir okay lang po kami," sagot ni Edward. " I want you to meet new employee natin, si Bench at si Ella." "Hi Sir!" si Bench, masayang inabot ang kamay sa amo para makipag-shake hands. Si Ella di alam ang gagawin. "Si Ella. Sir! pambato ng Accounting department," inabot ang kamay ni Juan Karlos kay Ella. "Nice to meet you Sir." kinakabahang sabi ni Ella. "Sir Jk na lang." pakilala niya sa sarili. Lalong kinabahan si Ella ng marinig niya ang pangalan nito. "Did we meet before?" naalala ni Jk ang babae sa bar, hindi siya nagkakamali sigurado siya, ito 'yon. "No Sir! ngayon lang po tayo nagkita." mabilis na tugon niya kay Jk. "Okay akala ko kasi nagkita na tayo sa isang bar." Nanlaki ang mata ni Ella ng maalala ang sinabi ng amo. Tumawa si Jk ng makita ang reaksyon ni Ella. Napatingin siya dito at nahiyang binaba ang tingin. "Hey! honey." Si Pau. "I have to go, naghihintay na mga investors." paalam nito. "Hindi ba 'yan pwede ipagbaliban?" " No, we talked it already di ba!" Giit ni Pau. "I love you!" dagdag nito. "Okay. I love you too. Take care." Nakamasid sa pag-alis ng fiancee. Nagpatuloy ang party. Sandaling nagpaalam si Ella sa mga kasama upang pumunta ng banyo, doon inilabas niya ang kaba dahil sa tinuran ng kanyang boss kanina. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan bago man siya lumabas. Napapa isip s'ya kung ito ba ang Jk na nakilala niya sa Sta. Monica. Habang patungo na siya sa mga kasama, biglang sumalubong sa kanya si Jk "Ms. Alvarez, right?" "Yes Sir." tipid niyang tugon. "P'wede ba kitang anyayahang sumayaw?" "Ah! ako po ba niyaya mo Sir?" nauutal na tanong ni Ella. "Yes! of course! may iba pa ba? gusto lang kitang makilala as employee ng kompanya namin." Iniabot ni Jk ang kanyang kamay kay Ella. Halos manigas ang katawan ni Ella sa sobrang kaba. "Ang lamig ng kamay mo." nang-uuyam na sabi ni Jk. "Sorry Sir first time ko kasi mag-sayaw sa ganitong okasyon." Nang-iinis ang mga ngiti ni Jk habang nakatitig kay Ella. "Maganda ka pala sa malapitan Ms. Alvarez." "Thank you Sir!" "By the way, ngayon lang kita nakita sa kompanya namin. Pero nakita na kita sa bar, tama sa bar nga kaya pala kanina familiar ang mukha mo." seryosong saad nito. "Hindi ko po kayo maintindihan?" nangingiting tanong niya. Nagtatanong ang mga mata ni Ella kung sino ba talaga ito. Isa lang ang tanong sa isip niya ito ba si Jk na kilala nya? ngunit hindi na siya nakikilala. "Ikaw ang babaeng inuwi ko sa condo unit ko last time, dahil sa kalasingan ng gabing iyon." Nagulat si Ella sa winika ni Jk naalala na niya, ito pala ang nagmamay-ari ng condo na iyon. Lalo pang hinapit ni Jk ang bewang ni Ella palapit sa kanya. "Ms. Alvarez sa susunod ayoko ng maulit 'yon dahil ayokong masira ang kompanya na pinapasukan mo, dahil empleyado ka ng kompanya namin." tiim-bagang na sabi ni Jk. Humugot ng hininga si Ella. kompirmado na ito nga ang lalaking nagdala sa kanya sa condo. "Sir kung marapatin mo po, babalik na ako sa table ng mga kasama ko." Naiilang na bulong niya dito. "Bakit Ms. Alvarez natatakot ka ba sa 'kin?" tila nang-aasar na sambit nito. "Hindi naman po, Nakakahiya po kasi pinagtitinginan na po tayo." "Yea, sure! go to ahead." si Jk. Lahat ng mata ay nakatutok kay Ella habang palapit siya sa mga katrabaho, tila nang-aasar ang mga tingin nito. "Uhm! i felt something kanina habang sinasayaw ka ni Sir." si Bench habang inaasar din si Ella ng mga kasama niya. "Ano ba kayo! may tinanong lang si Sir sa 'kin kaya n'ya ako sinayaw." "Ay! naku denial pa talaga eh! si Shy. "Kita ko 'yong titig ni Sir sayo, lalo ng hinapit ka ni Sir palapit sa kanya kilig to the max!" dagdag nito. "Bahala nga kayo." inis na sambit ni Ella. Si Kathy naman nagmamasid sa mga naroon, kinikilala n'ya ang mga mukha ng mga negosyanteng umatend din ng party. "Guys! 'wag kayong maingay baka may makarinig sa inyo. Alam n'yo naman may fiancee na 'yon si Sir Jk." Saway ni Edward sa mga katrabaho. Malalim na ang gabi ng makauwi sila Ella at Kathy mula sa party. Pagod na si Ella kaya wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang mahiga at matulog na. "Girl maalala ko 'yong boss mo kamukha siya ni Sir Jk, remember? 'yong amo ni Mang Dolfo." "Oo Kathy. Kasi kung siya man 'yon makikilala n'ya ako." paniniguro ni Ella. Ilang sandali pa ang dumaan ng magsalita ulit si Ella. "Maliligo lang ako." Pagkatapos magpapahinga na din ako habang tinapik ang likod ng kaibigan. Habang nasa loob ng banyo si Ella tumunog ang cellphone ni Kathy. Lumabas siya sa may terrace upang di marinig ni Ella ang pag-uusapan ng mga ito. "Okay Ma'am see you tommorow. Good night!" "Huy! sino kausap mo d'yan? tanong ni Ella. "Wala naman, katrabaho ko lang." tugon nito sa kaibigan. "Halika na dito sa loob, malamig na d'yan." "Oo susunod na din ako." ngiting sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD