"Good morning everyone!" bati ni Mrs.Cheng sa kanyang mga empleyado.
"Good morning din po." bati din ng mga empleyado.Samantala pinatawag si Kathy sa office ni Mrs. Cheng
"Ma'am pinatawag mo daw po ako." si Kathy.
"Yes come in!"
"Kumusta naman ang party? Katherine."
"Actually Ma'am maraming tao at sa pag mamatiyag ko po parang mga kilalang tao ang mga naroon." Tugon niya kay Mrs.Cheng.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap lumabas din agad si Kathy sa opisina ni Mrs. Cheng at bumalik sa trabho niya.
Samantala sa opisina naman ng Alvaro makikita ang kilos ng mga empleyado kung gaano sila nangingilag sa pagdating ng kanilang boss na si Jk.
"Good morning Sir!" bati ng mga nadadaanan niya.
Diretso sa elevator si Jk at bago pa tumuloy sa kanyang opisina inikot na muna niya ang bawat department ng kompanya.
Habang ang department naman ni Edward ay abala na sa kanilang mga trabaho hindi nila namalayan ang pagpasok doon ni Jk.
"Uhm!" paramdam ni Jk na nadoon siya.
Sabay-sabay tumayo ang mga naroon upang batiin si Jk. "Good morning po Sir," wika ng lahat. Ngunit ang mata niya ay nakatingin kay Ella.
"Siya nga pala Edward we have a meeting, para sa mga bagong palakad ko sa company and all department heads must to attend."
"Yes Sir!" mabilis na tugon ni Edward.
"Okay guys! be productive and ayokong dinadala ang mga personal nilang problema dito sa opisina, is that clear?"
"Opo Sir."
"Balik na sa trabaho."
Tumalikod na ang bawat isa at bumalik na sa kanilang pwesto. Pag-alis ni JK
kanya- kanya silang nagbulungan.
"Sir akala ko ba nawala ala-ala ni Sir eh! parang mas strict pa siya ngayon." banggit ni Shy.
"Huwag na kayong magkwetuhan d'yan." ani Edward.
Lunch time na pababa na ng building sila Ella para kumain sa isang malapit na restaurant sa building nila. Palabas na sila ng elevator saka naman pagdaan ng Chairman ng kompanya kasama ng iba pang bodyguards nito.
Natigilan ang Chairman ng makita si Ella. Nabigla ito sa kanyang nakita.
"Good afternoon po Ma'am." si Shy.
Ngunit nakatingin pa rin ito kay Ella, tinawag siya nito.
"Ella tinatawag ka!" ani Shy.
"Ako ba?!"
"Oo, bilisan mo na."
Pagkalapit niya sa Chairman
"Who are you?" Tanong nito.
"Good morning ma'am Chairman." sabay tungo ng ulo
"Bakit ngayon lang kita nakita dito?"
"Ma'am bago lang po ako dito sa company ninyo!"
Matalim ang tingin kay Ella bago ito pumasok ng elevator. Napaisip siya bakit tila galit ito sa kanya.
"Edward!" pasigaw na banggit nito sa pangalan.
"Yes, Madam!?"
"Bakit di ko alam na may bago kang empleyado sa accounting department?"
"I mention it to you Madam! in the party. Remember?" sagot naman ni Edward.
"Oh! yeah. I remember already! pero ngayon ko lang siya nakita and parang may nakilala ako dati na kamukha niya."
"And who is she Madam?" nagtatakang tanong ni Edward.
"Never mind! sa susunod ayaw kong makikita ang babaeng yun. Understand!"
"Malabo yun Madam kasi isa siya sa empleyado dito! unless you fire her!?"
"No i want her to stay."
Nagpaalam na din si Edward ngunit di na siya nagulat sa reaksyon nito ng makita si Ella.
Ganunpaman, dumiretso na siya sa baba ng building dahil hinihintay siya nina Ella at Shy.
"Andyan na pala si Sir Edward." si Shy habang kumakaway sa papalapit na manager.
Ngunit si Ella tahimik lang palaisipan sa kanya bakit tila parang galit sa kanya ang amo di niya makuha ang sagot kung bakit.
"Hoy! Ella tara na! ano ba nangyayari sayo?"
"Ah wala naman may naisip lang ako."
"Girl bakit ang tahimik mo naman?" tanong ni Shy habang nasa isang fast food na sila.
Umiling lang ito, at nabaling ang tingin kay Edward na kanina pa siya tinitingnan.
"Huwag mo ng isipin 'yun kasi strict talaga si Madam pagdating sa mga employee niya." Tinapik ang balikat ni Ella habang nangingiti.
Dala ng kaba kanina balisa pa rin si Ella sa upuan di mawaglit sa isipan niya kung bakit ganun na lang ang reaksyon nito ng makita siya, para itong nakakita ng multo, ngunit di niya mawari ang galit nito ng makita siya.
"Ano bang nangyari kay Madam, samantala ngayon lang kami nagkita never ko pa siyang nakita kahit isang beses." She asked her self.
Napabalikwas siya ng may magsalita sa likod niya.
"Sino po dito si Miss Ella?"
Nagulat siya ng tawagin ang pangalan niya.
"Yes Ma'am, ako po si Ella."
"Sir Juan Karlos wants to talk to you right away."
"Yes Ma'am,"
Napalingon pa siya sa mga katrabaho bago tuluyang lumabas ng opisina.
Ngayon tinatahak niya ang opisina ng kanilang boss na si Juan Karlos, "Ano kaya ang kailangan nya sa 'kin?" tanong ng isip habang kinakabahang pumasok sa opisina ng kanyang boss.
"Sir nandito na si Ms. Alvarez." si Kaye saad kay Juan Karlos.
"Take a seat! Ms. Alvarez. Thank you Kaye."
"Sige Sir." paalam ni Kaye.
Sa loob ng opisina may tensyong nararamdaman si Ella dahil ngayon pa lang niya muli nakaharap si Juan Karlos pagkatapos ng party. Nanlalamig na ang mga kamay niya dahil di mawaglit sa isip niya si Jk na kahawig nito.
"So by the way, I have something concerned to talk with you Ms. Alvarez or Ella, are you nervous?"
"No Sir." ani Ella.
"Just relax hindi naman ako kumakain ng tao." sabi niya sabay tawa. "May gusto lang ako sabihin sayo." dagdag pa niya.
"Yes Sir ano po 'yun?"
"Did we meet before?" seryosong tanong nito.
"No Sir, sa party pa lang po." natatarantang sabi ni Ella.
"Hindi ba tayo nagkakilala some other place?"
"I repeat Sir hindi pa po."
"Actually hindi naman talaga 'yun ang gusto kong sabihin sayo, isa ka sa team ni Edward na sasama sa akin sa palawan at ikaw ang nerecommend niya at mahusay ka daw.
Sandaling napaisip si Ella, tila lumipad agad ang kanyang diwa sa narinig niya ngunit, dagli niyang binalik ang sarili sa sinabi ni Juan Karlos.
"Yes Sir."
Mabilis na nilisan ni Ella ang opisina ni Juan Karlos di niya maalis ang excitement na makakasama niya ang kanyang boss sa business trip napag-usapan nila ang gagawin sa palawan.
"Hoy, Ella ano pinag-usapan ninyo ni boss Juan Karlos ha?" pabirong tanong ni Bench.
"Oo nga girl ano ba 'yun?" dugtong na tanong ni Shy.
"Kayo talaga napaka usisira nyo!" nakangiting sagot niya sa mga kaopisina.
"Hi everyone! Ella be ready ha tomorrow dadaanan ka na lang namin ni Sir sa bahay mo, okay!
"Yes Sir Edward."
Kaya naman ang mga kaopisina di maiwasan ang curiosity, lumapit kay Edward para itanong saan sila pupunta bukas.
"Sir Edward saan po kayo pupunta bukas?" nagtatakang tanong ni Shy.
Sagot ni Edward. "May business trip si Sir isasama kami ni Ella. Okay na?"
"Daya naman 'di ako kasama," nagmamaktol na parang bata si Shy.
Natapos ang buong maghapon at pauwi na si Ella naisipan niyang dumaan sa libingan ng Ina ika-anim pa lang ng hapon. Habang palapit na siya sa puntod ng Ina nakita na niya na may nakatayo na isang babae dito saglit siyang nagtaka kung sino ang babaeng ito. Ngunit di pa man siya nakakalapit dito mabilis na umalis ang babae gusto sana niyang sundan ito ngunit mas nangibabaw ang pagsamo niya na makita ang puntod ng kanyang ina.
"Inay si Ella po ito kmusta na kayo? pasensya na po kung ngayon lang ako nakapunta ulit dito."
Umagos ang luha sa mata ni Ella dahil muli niyang naramdaman ang pagka-missed niya sa Ina. Nakauwi na si Ella ng dumating si Kathy kita niya mugto ang mga mata ni Ella.
"Naku beshy! dun ka galing sa puntod ni Tiya Susan ano? sabi ko naman sayo di ba andito lang ako na best friend mo to comfort you di ba!" nakangiting niyakap nito si Ella.
"Salamat Kathy kasi and'yan ka para sa bestfriend mo." ngiting tugon nito sa kaibigan.
"Kumusta naman ang work mo?"
"Medyo nakakapagod dahil dumating na ang Boss ko na masungit and nakakatawa pa nito dahil kasama ako sa business trip sa palawan." natatawang sabi ni Ella habang nagluluto ng hapunan.
"Weee! di nga ilang araw naman daw?"
"Ah 'yun ang hindi ko pa ng alam beshy."
"Well enjoy ka sa business trip n'yo sa palawan. Hindi pa ba tayo kakain beshy?"
"Wait a minute ma'am maghahain na po ako." May pang-aasar na sabi sa kaibigan.
Matutulog na sana si Ella ng maalala niya si Jk.
"Nasaan na kayo ang taong 'yun? pero bakit ga'nun kamukha nya talaga ang boss ko."
Maraming katanungan ang nasa isip ni Ella bago pa siya tuluyang nakatulog.
"Ella, ella... ako ang Nanay mo, matagal na kitang hinahanap patawarin mo sana ako."
Nagisng bigla si Ella sa kanyang napanaginipan hindi niya maaninag ang mukha ng babae sa kanyang panaginip
Muling dumaloy ang luha sa kanyang mata dahil muli niyang naalala ang ina. Ngunit wala pa ring balita sa kanyang binayaran na private investigator patungkol sa kanyang tunay na ina, marami na daw itong napagtanungan ngunit wala pa rin itong makuhang lead tungkol sa kanyang tunay na ina. Kaya patuloy pa rin siyang umaasa na isang araw ay makikilala nya din ito.