"Hay ano ba yan male-late na ako, wala pa din jeep."
Na late ng gising si Ella dahil ng nagdaang gabi halos mag-uumaga na din siya nakatulog sa dami ng kanyang iniisip.
Ngunit di niya napansin ang paghinto ng isang mamahaling sasakyan sa harap niya. Bumaba ang bintana ng sasakyan.
"Miss Alvarez sakay na alam kung male-late ka na," wika ng lalaki sa loob ng sasakyan.
Nakilala ni Ella agad kung sino ang nagda-drive ng sasakyan.
"Okay lang po hintay na lang ako ng jeep."
Si Dr. Tenorio pala ang may-ari ng sasakyan nakangiti pa ito sa kanya. Wala ng nagawa si Ella kundi sumakay na lang siya nahihiya man siya ngunit she take the priviledge para di siya ma-late sa trabaho. Pagdating nila ng Makati ave. kung saan nagtatrabaho si Ella nakita ni Juan Karlos si Ella sakay ng puting sasakyan. huminto ito sa harap ng building na pagmamay-ari ng mga Alvaro.
"Salamat Dr. Tenorio next time makakabawi din ako. Ingat sa pagmamaneho."
Sa di kalayuan bumaba na din si Juan Karlos sa kanyang kotse salubong ang kilay di niya mawari parang nakaramdam siya ng inis sa lalaking nakita niyang naghatid kay Ella kung tutuusin wala naman siyang pakialam dito.
Huminto si Juan Karlos sa harap ni Ella at tumingin ito ng nakakunot ang noo.
"Miss Alvarez alam mo bang male-late ka na!" may inis na saad ni Juan Karlos at dumiretso na ito na pumasok sa elevator samantala, si Ella patakbo na sasakyan na sana sa elevator ngunit naisip niya na sa kabilang elevator na lang sumakay para di makasabay ang kanyang boss alam niya na inis ito sa mga empleyado na laging nale-late.
Halos takbuhin na niya ang opisina para makarating agad sa opisina.
"Girl good morning," bati sa kanya ni Bench.
"Late ka na girl ng ilang minuto." si Shy. habang nakangiti itong binulungan si Ella.
"Good morning everyone." bati rin ni Edward.
"Ella sunod ka sa 'kin mayroon lang akong concern about sayo." tipid nitong sabi. Alam ni Ella kung bakit siya kakausapin nito.
"Have a seated girl! I'll make it straight to the point ha.
'wag kang magpapakita kay Sir kung male-late ka di mo pa siya kilala napaka strict nya lalo na sa mga late ng pumasok, and second may naghahatid na pala sayo? actually di naman daw big issue yun tingin ko lang may punto si Sir for what he said." Napangiti lang si Edward sa last part ng sinabi niya.
"Opo Sir hindi na po mauulit," nahihiyang wika ni Ella.
"Actually hindi naman yun ang sasabihin ko talaga, pinapasabi ni Sir kung ready ka na ba daw sa business trip na pupuntahan natin sa palawan."
"Yes Sir, kailan po ba tayo aalis?"
"After work, dadaanan ka na lang namin ni Sir sa house mo, okay."
"Yes Sir."
"Okay, back to work na."
Habang busy si Ella bigla niyang naalala ang last part na sinabi ni Edward sinabi ni Juan Karlos pati paghatid ni Dr. Tenorio sa kanya.
"Ah! may pagka chismosa din ito si Sir Juan Karlos." napangiti na lang siya ng maisip niya na baka nagseselos.
Kanina pa kinakabahan si Ella di niya mawari bakit ganun na lang ang kanyang kaba halos mabusog na siya sa pag-inom ng tubig kaya naman lalong lumakas ang kaba niya ng marinig ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay niya. Nagmamadaling lumabas si Ella dala ang mga gamit niya papuntang palawan.
"Thank you po Sir sa pagsundo ninyo sakin,"wika ni Ella habang nakaupo na sa backseat katabi si Juan Karlos.
Pumailanglang ang kantang all this time habang tumatakbo ang sasakyan tahimik lang ang tatlo habang ninanamnam ang ganda ng musika tumingin si Paulo ng pasulyap kay Ella ngunit ng titigan niya ito parang may kurot sa puso niya habang ang mata niya ay nakatunghay dito hindi niya maintindihan kung ano ito ngunit pakiramdam niya may part sa puso niya na special si Ella ngunit, dagli niyang sinaway ang sarili dahil alam niyang may Pau na siya na siyang nagpapasaya sa kanya ngayon.
"Hay! sarap naman pakinggan ng kanta. Di ba Ella?" kinikilig habang nakatingin si Edward sa harap ng salamin.
"Ha! eh, oo ganda nga." Nakangiting tugon niya.
"I feel love in the air, sarap talaga kapag inlove eh. Lahat ng kanta parang tumatagos sa puso di ba Mang Kanor?" sabi ni Edward sa driver.
"Ay opo! minsan kasi Sir sa pag-ibig din akala natin siya na, minsan sa huli hindi pala."
Tahimik lang si Ella at Juan Karlos habang nakikinig sa usapan ng dalawa may ganung pakiramdam si Ella sa isip niya na akala niya si JK na ngunit mawawala pala ito na parang sinasadya ng tadhana. Mahirap kapag isa lang ang nagmamahal. Tanging sabi niya sa sarili.
Nakarating sila sa sakayan ng barko mas gusto kasi ni Juan Karlos sa barko sila sasakay papuntang palawan. " Mauna ka na Ella," saad ni Juan Karlos habang inaalalayan si Ella.
"Thank you po Sir."
Napahanga si Ella sa ganda ng barko hanggang makarating sila sa loob ng cabin nakita ni Ella na may dalawang bed sa loob ng isang room nagtataka siya kasi wala pa si Edward.
"Uhm! Sir wala pa po si Sir Edward? babalikan ko na lang po muna." giit niya.
"No it's okay sa kabilang room na siya katabi lang natin na room." ani Juan Karlos.
"Meaning magkasama po tayo sa room?"
"Definitely yes! may problema ba? dalawang bed naman kaya no problem with it."
Kinakabahan si Ella sa ideya ni Juan Karlos na magkasama sila sa room. Nagpaalam sandali siya sa Amo para magbanyo.
"Ano ba yan Sir kakainis ka naman bakit kasi magkasama pa tayo sa room."
Inayos ni Ella ang sarili para di mapansin ni Juan Karlos ang pagkailang niya na kasama niya si Juan karlos. Paglabas niya ng banyo nasalubong ni Ella si Edward.
"Sir! sir Edward!"
Napalingon naman si Edward akala niya kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Yes Ella." tugon nito ngunit nakatawa.
"Sir naman bakit ako ang kasama ni Sir Juan Karlos sa room, bakit hindi na lang ikaw?" nayayamot na sabi ni Ella.
"Natatawa ako sa reaksyon mo, relaks ka nga lang about sa room siya talaga may gusto na magkasama kayong dalawa." natatawang sabi.
"Ha! bakit naman daw? kasi nga para daw nakikita niya ginagawa mo. hahaha!"
"Hayst! ano ba yan Sir."
"Wala na tayong magagawa.. okay!" lalo pang inasar ni Edward si Ella.
Dahan-dahan pumasok si Ella sa loob ng kwarto ngunit naabutan niya si Juan Karlos na nakatulog ito sa kanyang kama sinulyapan niya ito ng sandali nakita niya muli ang mukha nito na kahawig ni Jk nilapitan pa niya ito sa gilid ng kama at tinitigan ang mukha nito. Hindi inaasahan ni Ella na magigising ito at halos magkadikit na ang mukha nila ni Juan Karlos sa sobrang hiya niya dahil na sa ginawa niyang pagtitig sa mukha nito.
Mabilis na kinuha ang damit niya at dumiretso na si Ella sa banyo hindi niya akalain na magigising ito.
"Ano ka ba Ella bakit lumapit ka pa kasi kay Sir Juan Karlos, ayan tuloy napala mo nakita ka niya na tinititigan mo mukha niya habang nakatingin sa salamin," habang pinapagalitan ang sarili.
Ilang sandali pa umaligasgas na ang tubig sa labas naman natawa na lang si Juan Karlos sa ikinilos ni Ella kanina habang inaalala niya ang ginawa ng babae.
Paglabas ni Ella wala na si Juan Karlos nakita na lang niya ang note na iniwan nito sa may table.
Ella,
Sumunod ka na lang sa restaurant..
"Hay ano kaya magiging reaksyon ni Sir nakakahiya talaga."
Nagbihis ng simpleng short at white na t-shirt si Ella at nag-spray ng konting pabango at tinungo niya ang restaurant na sinabi nito. Nakita niya na naghihintay ang dalawa sa isang table tila may pinag-uusapan ang dalawa. Nakatawa si Edward ng makalapit siya sa dalawa.