2

1398 Words
Bumangon si Carla at kinusot ang mata upang maalis ang antok. Nang matiyak na gising talaga ang kanyang diwa ay tumayo siya mula sa kama at saka dumiretso sa banyo. Nang mahubad ang lahat ng saplot ay saka siya tumapat sa maligamgam na tubig ng shower. Kinuha ni Carla ang body wash at ilang saglit pa ay balot na ng bula ang kanyang buong katawan. Nang dumako ang kamay niya sa maselang parte ng kanyang katawan ay saglit siyang natigilan ng makaramdam ng kaunting kirot. Pumasok sa kanyang isip si Ander Guzman. Ang lalaking pinagbigyan niya ng kanyang iniingatang p********e kahit hindi naman niya ito boyfriend. At higit sa lahat, ang kanyang boss. Napadiin ang pagshampoo ni Carla sa buhok dahil sa inis sa sarili. Kung bakit kasi hinayaan niya na malasing siya sa New Year's Party ng company nila ay hindi sana siya mawawala sa katinuan at sasama sa kanyang boss sa madilim na private room na iyon. Malalim ang hiningang pinakawalan ni Carla. Huli na ang lahat. Naisuko na niya ang Bataan at hindi na maibabalik. Nang makapagbihis ay saglit niyang tinitigan ang sarili sa floor length na salamin. Grey na blazer, skirt at black heels. Kung hindi lang Lunes ngayon at may presentation siyang kailangang i-present ay aabsent siya upang hindi niya muna makita ang kanyang boss. Hindi niya alam kung paano niya ito papakitunguhan pagkatapos ng nangyari sa kanila. Biglang nag-init ang pakiramdam ni Carla ng maalala ang mainit na palad at labi ng kanyang boss na sumakop sa buo niyang katawan, na humaplos at dumampi pati sa mga nakatagong bahagi niya. Huminga siya ng malalim at nagsimulang maglagay ng make-up. Nang matiyak ni Carla na maayos na ang lagay niya ng make-up ay kaagad siyang lumabas ng silid. Sa kusina ay naabutan niya ang kanyang ina na abala sa paghahalo ng sinangag. Ang ama naman niya ay nakaupo sa lamesa at nagbabasa ng bible. "Umupo ka na dyan at malapit nang matapos itong sinangag." Wika ng kanyang ina. "Sabay na kayong mag-almusal ng Daddy mo." "Hindi na po, Mommy." Sagot niya. "May presentation ako ngayong 9AM kaya I need to be at the office as early as possible. Baka mamaya may makaligtaan ako. Sa office na lang ako kakain." "Sigurado ka ba? Baka lalo kang hindi makapag-present ng maayos kung papasok kang walang laman ang tiyan?" "I promise. I will eat sa office habang inaayos ang presentation ko this morning. Don't worry hindi ako magpapagutom." Lumapit siya sa ina at humalik kasunod ay sa ama na hindi pa din inaalis ang mata sa binabasang bibliya. "Kaawan ka ng Diyos." Sagot ng ama sa halik niya. Isinukbit niya ang bag sa balikat at saka lumabas ng bahay. Nang makasakay sa kanyang kotse ay kaagad niya itong pinaandar. Ilang minuto pa ay nasa kahabaan na siya ng EDSA. Malapit na siya sa Ayala ng makita niya ang isang billboard para sa isang realty magazine kung saan nakabalandra ang gwapo at nakangiting mukha ng kanyang boss, si Ander. Sa edad na thirty years old ay maituturing na sought-after bachelor si Ander Guzman. Bukod sa gwapo nitong mukha, talaga namang umaapaw ang s*x appeal nito, dahilan upang magkandarapa ang mga babae pati na bakla dito. Anak ng isang business tycoon at isiang socialite, lumaki si Ander na sagana sa lahat, atensyon, pera, karangyaan at babae. Sa dami ng babaeng naging girlfriends nito, hindi pa kabilang ang nga flings lang ay binansagan ito ng mga entertainment magazines na isang billionaire playboy. Ayon pa sa isang report na nabasa ni Carla, bawat gabi ay ibang babae ang naiikama nito. At ngayon pati ikaw, kabilang na sa statistic na iyon! Sigaw ng isip ni Carla. Itinuon niya ang paningin at focus sa daan nang muling tumakbo ang traffic. Matapos iparada ang kotse sa basement parking ay kaagad siyang sumakay sa elevator at pinindot ang button para sa 36th floor kung saan nandoon ang kanyang opisina. Sumarado ang pinto ng elevator. Kinuha ni Carla ang planner sa loob ng bag at tiningnan ang kanyang schedule sa buong maghapon. Nakatutok ang buong pansin niya sa planner ng bumukas ang elevator sa Ground Floor. Automatic na umatras si Carla para bigyang daan at pwesto nang hindi tumitingin ang kung sino mang pumasok sa loob. Nang sumara ngang pinto ng elevator ay bahagya pang nagulat si Carla ng may magsalita. "Good morning, Ms. Garcia. I'm sure you're ready for the presentation later?" Malagong ang boses ng lalaki. Kumabog ang dibdib ni Carla at inalis niya ang tingin sa planner. Muli siyang napaatras ng makita ang gwapong mukha na bumabagabag sa kanya simula noong Sabado pagkatapos niyang umalis sa private room ng hotel. "Good morning, Mr. Guzman." Nauutal na sagot ni Carla. She tried to compose herself. Ayaw niyang magmukhang kabadong teenager sa harap ng boss. "And yes I am ready for the presentation later. Just finalizing some minor details." Humarap sa kanya si Ander kaya muli siyang napaatras at tumama ang kanyang likod sa dingding ng elevator. Napalakas siguro ang pagtama niya dahil malakas ang naging tunog nito. "Are you okay?" Tanong ni Ander sa kanya. Sinulyapan ni Carla ang maliit na screen at nakitang nasa 19th floor pa lang sila. "Yes, sir. Okay lang ako." Naantala ang anumang sasabihin ni Ander nang bumukas ang elevator sa 20th floor at pumasok ang ibang employees. "Good morning, Mr. Guzman!" Ganadong bati ng mga ito sa boss. Gumanti naman ng pagbati si Ander. Lihim na nagpasalamat si Carla sa mga dumating dahil hindi na nila solo ni Ander ang elevator. Malakas pa din ang kabog niya at nangangamba siya na baka marinig nito ang t***k ng puso niya kung sila lang dalawa sa loob ng elevator. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 36th floor ay kaagad siyang lumabas nang hindi man lang sinusulyapan ang amo. Nasa 37th floor ang opisina ni Ander kaya naman naiwan ito sa loob kasama ng mga pumasok mula sa 20th. Kaagad na napaupo sa swivel chair si Carla nang makapasok sa kanyang opisina. Ipinatong niya ang kamay sa dibdib at kinalma ang sarili kahit mabilis pa din ang t***k ng kanyang puso. Nang masiguro niyang kalmado na siya at kaagad siya tumawag sa canteen sa 11th at nagpadeliver ng kape at breakfast. Makalat na ang kanyang table ng dumating ang kanyang order kaya isinabay ni Carla ang pagkain habang inaayos ang kanyang report. Nang pumatak ang alas nuwebe ng umaga, nakatayo na siya sa loob ng conference room, nakatingin sa mga lalaking nakasuot ng tuxedo at long sleeves habang ipinapaliwanag ang fiscal report para sa quarter na iyon. Kung sa labas titingnan ay puno na kumpyansa at authority ang itsura ni Carla habang nagsasalita. Panay ang tango ng mga matatandang Board of Directors habang panay ang flash ng mga numbers at graphs sa 50 inches flat screen TV ng conference. Ang hindi nila alam ay malakas ang kabog ng dibdib niya at panay ang pagpipigil niya na mahalata ng mga nakikinig na kinakabahan siya, hindi dahil sa ginagawang presentation kundi dahil sa isang pares ng mga mata na mariing nakatitig sa kanya. Pasimpleng sumulyap si Carla sa kanyang boss na si Ander at tulad kanina nang magsimula siyang mag-present, nakatitig ito sa kanya. Muli siyang nakaramdam ng init ng pasimpleng kagatin ni Ander ang ibabang labi nito ng magtama ang paningin nila. Kaagad siyang nagbawi ng tingin at kahit bumabangon ang init sa katawan ni Carla dahil sa ginawang iyon ni Ander, ipinagpatuloy niya ang pagrereport. Makalipas ang ilang minuto ay pumalakpak ang mga lahat. Nakahinga ng maluwag si Carla dahil sa wakas ay natapos na ang kanyang presentation. Isa-isang naglapitan sa kanya ang mga Board of Directors. "Congratulations, Ms. Garcia. That was a wonderful presentation. You really are in your game!" Papuri ng mga ito sa kanya habang kinakamayan siya. "Thank you very much, sir!" Nakangiting sagot naman niya sa mga ito. "I think we should all head to that newly opened Korean restaurant below and celebrate." Pumailanlang ang boses ni Ander. "Yaman din lang na tumaas ng 1.5 percent ang sales natin this quarter, we ought to celebrate. What do you all think?" Nagpalakpakan ang lahat at isa-isang tumayo at niligpit ang mga gamit at saka isa-isang lumabas sa pinto ng conference room. Inililigpit ni Carla ang ibang gamit sa bag nang lumapit sa kanya si Ander. "I think you should join us.They loved the presentation you did."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD