Napatingin si Nene sa kamay ni Damian at bigla nya itong hinila at tumayo para maghanap ng mauupuan sa harap mismo ni Manang Fe.
Nang matapos na ang instructions ay pina line na sila para alam na nila ang kanilang gagawin sa posisyon sa Santa Cruzan.
Habang pinatabi na sa kanya si Damian ay bigla ulit hinawakan ni Damian ang kanyang kamay .
Na pilit naman kinukuha naman nya.
"Wag ka ng masyadong gumalaw at pagagalitan pa tayo ni Manang Fe." Sabi nito.
"Alam mo Damian kapag hindi mo binitawan ang kamay ko!' Sisigaw talaga ako. Sabi ko at sabay na nagbilang.
1, 2, kapag umabot 5 ikaw Ang bahala at sisisgaw na talaga ako.
"1, 2, 3, " nasa pagbibilang ako ng sumolpot si Jhon at inakbayan nya si Damian.
"Pre , kung ako sa'yo bitawan mo na Ang kamay ni Nene kung ayaw mong magkagulo tayo dito!" Ang panakot ni Jhon kay Damian.
"Bakit ko naman bibitawan ang kamay ng girlfriend ko!" At anak ako ng Mayor." Sabi pa nito at biglang sinuntok ni Jhon si Damian.
"Di porket anak ka ng Mayor eh, ganyang na Ang gagawin mo sa babae!" Ang sigaw nya habang patuloy na pinagsusuntok sa mukha si Damian.
"Tama na, Jhon!" Bitawan mo na sya!" Ang pilit ko na pinaghihiwalay silang dalawa. At marami na ang tumutulong sa aking na paghiwalayin ang dalawa.
"Ano ba Tama!" Sigaw ko. Kaya lumapit na si Manang Fe at ito na ang nagsalita.
"Tama na yan, Damian nandito ang daddy mo!" Sabi at napalingon kaming lahat ng makita namin si Mayor Vella Carlo.
Nakatingin sa amin na nagkakagulo.
"Damian!, Stand -up. Sigaw nito at biglang tumayo si Damian at lumapit sa kanyang ama.
"Pa!" Sabi nito at nakayuko.
"Follow me." Sabi nito at tumalikod na naglakad palayo kasama ang anak.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Jhon sa akin.
"Oo, okay lang ako!" Sabi ko at habang hinawakan ang mga kamay ni Jhon at hinila patayo dahil sa kanilang away ni Damian kaya nakahiga ito sa daan.
At umupo kami sa kilid ng daan at lumapit naman sa amin si Manang Fe at tinanong ako kung ano ang nangyari.
"Ayaw kasing bitawan ni Damian ang kamay ko. Manang Fe!" Sabi ko kay Manang Fe.
At sino ang naunang sumuntok sa inyo ni Damian, Jhon? Tanong nito.
"Ako po. Manang Fe!" Ang nakayuko nitong sagot.
"Hi, love triangle na nga ang sinasabi ko!" Sabi nito at napatingin kay Jhon.
"Ano po?" Tanong ko sa kanya.
"Okay, makinig ang lahat. Mag- aanunsyo lamang uli ako kung kailang ang practice nyo at mag si uwi na muna kayo." Sabi nito at tumingin sa akin.
"Magpa Iwan ka. Nene at mag- uusap tayo. At ni Jhon. Jhon pati ... Ikaw ay kakausapin ko!" Sabi nito at pinauwi na nya ang mga kasamahan ko sa posisyon.
Pumunta kami sa isang lamesa na nasa ilalim ng Mangga at duon kami umupo.
"Sabihin mo nga Nene!, Bakit Ayaw bitawan ni Damian ang kamay mo?" Tanong nito sa akin.
"Ewan ko po , Manang Fe!" Ang sagot ko sa kanya ng biglang sumabat si Jhon.
"Girlfriend nya daw si Nene kaya Ayaw nyang bitawan." Sabi nito na tinignan ko ng masama.
"Hindi ko po sya boyfriend, Manang Fe. Iyan lang ang sabi nya pero hindi ko sya boyfriend!" Ang paliwanag ko kay Manang Fe.
"Okay, eh ikaw. Jhon bakit mo naman inunahan suntunkin si Damian" Tanong nya kay Jhon.
"Eh, Kasi po Manang Fe. Harassment na po ang ginagawa ni Damian! Kaya sinuntok ko." Sabi pa nito.
Napatingin lamang ako kay Jhon habang pinagtatangol nya ang kanyang sarili.
"Okay, ang gagawin natin ay Jhon huwag ka muna mag haharap ni Damian para ma iwasan ang gulo. Naiintindihan nyo ba ako?" Tanong nito sa amin.
"Opo Manang Fe." Sabay namin sagot at umalis na ng matapos na ang usapan namin.
"Sorry na , Me at nadala ako ng init ng Ulo." Sabi nito na hinahagod pa ang kanyang Ulo.
"Ne, sorry!" Sabi nito. Dahil hindi ako sumasagot sa tanong nya.
"Uuwi na ako." Iyun lang ang nasabi ko at agad akong tumayo para umalis na sa harap nya.
"Ne, naman!" Sabi nito.
"Ano?" Tanong ko.
"Sasama ako." Sabi nya.
"Ikaw bahala" sagot ko at nagsimula ng maglakad at sumabay din sya sa paglalakad ko.
Pumunta kami sa sakayan ng tryciyle at nauna na akong umupo at umupo rin sya sa tabi ko.
"Di ka ba uuwi sa inyo?" Tanong ko sa kanya.
" Wala naman akong gagawin sa Bahay. Ne.!" Sabi nito na parang nag mamakaawa pa.
"Ikaw bahala!" Ang nasabi ko nalang.
Nang nakarating na kami sa Bahay ay nakita namin si Nanay at si Tatay na nag-aabang na pala sa akin.
Pagkababa ko sa tryciyle.
"Nene anak!.Jhon! Anong narinig namin na nakipagrambulan ka!. Sabi ng kanyang Nanay.
"Di naman ako po ang nakipagrambulan si Jhon po!" Sabi ko.
"Bakit naman?" Tanong nito sa akin.
"Eh, nay si Damian po ang ayaw ako bitawan sa kamay kaya pinagsusuntok ni Jhon!" Paliwanag ko sa kanila.
"Bakit ayaw ni Damian na bitawan ang kamay mo anak ?"tanong ni Nanay.
"Girlfriend nya daw ako!" Sabi ko sa kanya.
"Talaga anak sinabi nya iyun?" Parang nag-iba ang tuno ni Nanay na para bang nakikilig pa.
"Bakit naman hindi eh, ang ganda mo kaya!" Sabi pa.
"Tay!, Ho! Si Nanay nakakatakot na!" Sabi ko at humingi na ng tulong kay tatay.
"Beray, ang bata pa ng anak. Alahanin mo iyan!" Sabi nya at ngumiti pa sa akin.
"Pasok na po ako !" Ang paalam ko sa kanila ng papasok na ako ay naalala ko nga kasama ko pala si Jhon.
Kay tumalikod ako at nabigla ako na nasa harap ko na pala sya at malapit na mag- abot ang aming mga labi.
Kaya itinulak ko sya at tumakbong pumasok sa Bahay.
"Ne, aalis na ako !" Sigaw nya.
Nasa likod ako ng pinto at hawak ang aking labi.
Nang biglang may kumatok sa pinto dahil nailock ko iyun.
"Ne!, Ne" buksan mo muna ang pinto naka lock " Sabi ni Nanay.
Kaya binuksan ko ang pinto at ng nakapasok na sila ay agad akong pumunta ng kwarto.
Sa susunod..