Pumasok ako ng kwarto at humiga sa aking kama habang inaalala ang nanyari kanina.
(Ne! Ano ka ba ang bata mo pa! para isipin ang mga bagay na iyan. ) Kaya pinilit kung kalimutan ang nanyari at nakatulog ako na hindi ko namamalayan.
Nagising ako na madilim na pala ang paligid.
Tinignan ko ang alarm clock ko na nasa lamesa at pasado alas syiete na nang gabi.
Napahaba Pala ang tulog ko.
Kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba.
Pagkababa ko ay nakita ko sina Mama at Papa na kumakain na.
"Tamang-tama gising kana, halika at kumain na!" Sabi ni Nanay sa akin.
"Opo nay!" At pumunta na ako sa lamesa para kumain.
Masarap ang luto ni Nanay ng adobong baboy.
Kaya napakarami ako ng kain kaya lang ay sinabihan ako ni Nanay na mag hinay-hinay sa pagkain dahil baka tataba ako at di kakasya ang gown na susuotin ko sa Santa. Cruzan kaya imbis na kukuha na sana ako ng kanin ay hindi ko na itinuloy at uminom na lang ng tubig.
Kaya ng matapos na akong kumain ay umupo na ako sa sala ngunit sinabihan rin ako ni Nanay na tumayo muna at huwag uupo dahil katatapos ko lamang kumain.
Baka magkaroon daw ako ng bilbil kapag umupo ako agad.
Kaya pumunta nalang ako sa labas para magpahangin.
Maraming bawal si Nanay sa akin nun nagsimula na akong sumali sa Santa. Cruzan.
(Ang sarap talaga ng hangin kapag gabi dahil sa malamig ay parang nagbibigay sa aking ng mapayapang damdamin)
Naglalakad ako palabas ng gate nang makita ko sina Angel, Lorenzo at lovely.
Nakita nila ako.
"Hi, Ne! Buti lumabas ka. Pupunta na sana kami sa inyo!" Sabi ni Lorenzo.
"Bakit?" Tanong sa kanila.
"Pupunta tayo sa tabing dagat at doon tayo tumambay!" Sabi ni Angel na parang kinikilig pa.
"Ah, bakit naman eh, Gabi na ah!" Sabi ko sa kanila.
"Sige na, Ne!" Pamimilit ni Angel na parang iiyak na.
"Okay!, Okay!" Sabi ko sa kanila.
(Kaya lang napansin kong wala si Jhon sa kanila baka di ito pinayagan.) Nasa ganoong ako ng pag-iisip ng may biglang may kumalabit sa akin.
Nang tumingin ako ay nakita ko sya na naka akbay na sa akin at ngumingiti ng napakalapad.
Kita ko na ang dalawang nyan dimple sa pisngi.
"Ay, Carabao!" Iyun ang nasabi ko dahil nagulat ako sa kanya at inakbayan pa nya ako.
Kaya pilit kong kinukuha ang kanyang mga kamay sa balikat ko.
Kaya kinuha nya rin ito at nakita ko na may bitbit pala itong malaking basket.
"Anong laman nyang tanong ko sa kanya?" Habang papunta na kami sa tabing dagat.
"Ito!" Sabay taas ng basket na dala-dala nya.
"Secret!"Sabi nya at tumalikod na at nauna ng naglakad sa amin.
"Anong lamang nun?" Tanong ko kila Angel, Lovely at Lorenzo na kasabay ko sa paglalakad patungo sa tabing dagat.
"Secret!" Sabay nilang sabi sa akin.
Napakamot na lang ako ulo dahil sa kanila.
Kaya ng dumating na kami sa tabing dagat ay nakita namin na mayroon telang nakatungtung sa buhangin.
At may mga kahoy ng inaapoyan ni Jhon ng dumating kami.
"Wow!" Ang sabi ni Angel na kinikilig parin at na unang umupo sa tela.
Kaya sumunod na lamang kami sa kanya.
Nilabas ni Jhon ang lamang ng basket na dala-dala nya.
Tatlong naka plastic na marshmallows at juice na nakita ko na inilabas nya.
Ngumingiti pa ito at binigyan nya rin kami ng mga kahoy na ipangtutuhog ng marshmallow.
Kaya pala malaki ang basket na dala nya meron palang nakasuksuk na kung ano-anu sa basket.
Meron din dala si Lorenzo ng ukulele na di ko napansin dahil sa liit at naka- itim ang lagayan nito.
Kaya nagsimula na kaming kumuha ng mga marshmallow at pinapainit sa apoy na ginawa ni Jhon.
Lahat ng mga nakaraan nun mga bata.
"Naalala nyo pa ba na lahat tayo ay umakyat sa puno ng mangga ni Mang Peter at nakita nya tayo, na umaakyat ay bigla na lang syang kumuha ng palakol at pumunta sa ibaba ng puno ng mangga at pinababa nya tayo dahil ang mga bunga ng mangga ay kinukuha na natin na maliliit pa." Sabi ni Jhon.
"Oo, pre at ikaw pa nga iyun. Mastermind sa pag- akyat ng puno ni Mang Peter!" Sabi ni Lorenzo at sinuntok ng mahina si Jhon.
"At duon din ako muntik mahulog kung di lang hinawakan ni Jhon ang kamay ko!" Bigla Kong nasabi.
At natahimik sila.
Dahil sa taas ng puno iyun ay ayaw ko sanang umakyat kaso mapilit si Jhon na akyatin natin ang Puno ng mangga.
Kaya nang bumaba na sana tayo dahil hinihintay tayo ni Mang Peter na bumababa ay nadulas ako at muntik na akong mahulog.
Buti nalang at nahawakan ni Jhon ang kamay ko kung hindi Iwan ko lang.
Kaya ng umuwi ako sa bahay ay Palo ni Nanay ang sumalubong sa akin. Dahil isinumbong tayo ni Mang Peter at nakita nya na muntik na akong mahulog sa Puno.!" Ang mahaba kung kwento.
"Sorry Ne, Kung nailagay ko ang buhay mo sa kapahamakan." Biglang nag- iba ang tono ng boses nya.
At nakita ko na biglang lumalim ang tingin nya sa akin.
"Ano ka ba!, Matagal na yun!" Ang pag- iiba ko ng topic sa usapan dahil nararamdaman ko nag presinsya nya.
Na para bang may kung ano akong naramdaman sa oras nato.
Kaya kinuha ko ang Ukelele ni Lorenzo at nagpaturo ako sa kanya kung paano ang tumugtug para umiba ang nararamdaman ko sa paligid lalung-lalo na sa kanya.
Habang tumugtug ako at nagpapaturo kay Lorenzo ay bigla nalang umalis si Jhon sa amin.
Nang maya- maya ay may dinala syang gitara at nagsimula na syang tumugtug kaya nagkantahan kami.
Nang matapos na ay napag-usapan namin ang mga crush ng isat-isa.
Kaya tumahimik na ako.
Sa susunod..