Chapter 7.

1024 Words
Nang biglang nagsalita si Angel sa amin. "Alam kung alam nyo na kung sino ang crush ko, diba." Sabi nito at sabay napayuko. "Jhon, alam mong crush kita!" Sabi nya. Na alam naman namin lahat dahil halatang- halata naman sa kanya. Kaya lang tumawa si Jhon at bigla itong tumingin sa akin. Na kinabahan ako dahil sa kanyang mga titig. Habang nakatingin ang tatlo kay Jhon at tumingin din sa akin. "Sorry, Angel." Sabi nya sabay tumilikod at inilagay na nya ang marshmallows sa apoy. "Hanggang crush lang ang maibigay ko sa'yo.!" Sabi nya. "Dahil may babae na akong gusto at hindi ikaw iyun!" Diretsong sabi. "JHON!" Sigaw ni Lorenzo. "Alam ko naman iyun!" Sabi nya na parang iiyak na. "Kaya lang crush talaga kita!" Sabi ni Angel na umiiyak na. "Hindi ikaw si Nene!" Kaya paano ko maibabalik sa'yo ang gusto mo!" Sabi pa nito na kinabigla ko at ng barkada. Nang biglang tumakbo si Angel palayo sa amin. Kaya sinundan naman namin tatlo nina Lorenzo at lovely. Kaya ng maabutan namin sya at hinawakan ni Lorenzo sa kamay si Angel. "Ano ka ba!" Wag mo nga sayangin ang luha mo kay Jhon. Nandito naman ako ah!" Sabi nya at niyakap si Angel. Nabigla kami ni Angel at Lovely sa mga narinig namin at nakita ang pag- aminan na nagaganap. (Naku!, Ang babata pa natin. Para Jan!) Tanging sa isip ko ang mga salitang ito. Kaya napa buntong hininga lamang ako. Bumalik na lamang kami sa tabing dagat at nagsipaalam na sa isat-isa. Nauna na akong umalis kahit alam ko na may nais pang sabihin si Jhon sa akin. Iniwan ko silang nagliligpit ng mga gamit. Dumating ako sa bahay na nakapatay na ang ilaw sa loob at tanging sa labas na lamang ang ilaw. Kaya binuksan ko ang gate at pumasok na ako. Nang biglang may humawak sa kamay ko at niyakap ako sa likod. Naramdaman ko ang paghahabol ng kanyang hininga. "Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. "Alam mo bang ang layo ng tinakbo ko para maka-usap ka na tayo lang dalawa!" Sabi nito at sabay himas ng kanyang batok. Natahimik ako sa sinabi nya. "Please!, Pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Ne!" Sabi nito. "Pwede ba na ako ang maging escort mo sa Santa. Cruzan?" Sabi nya. "Alam mo! Jhon, kung ako lang ay okay lang sa aking na ikaw ang magiging escort ko!. Kaya lang si Mayor ang lahat na gagastos ng mga kailangan ko. Dahil gusto nyang maging escort ko si Damian!" Mahaba kong paliwanag sa kanya. "Kaya di talaga iyun pwedeng mangyari." Dagdag ko. Sana sinabi mo na kailangan nyo ng pera para sa Santa.Cruzan at bibigyan kita. "Ano ka ba Jhon!" Si Mayor lang ang may gusto nun na sponsoran nya ang pagiging Reyna Elena ko. Na kinainis ko dahil sa mga pinagsasabi nya. "Umuwi ka na Jhon." Sabi ko at sabay lock ng gate. "Ne!" May pag-asa ba? Tanong nya sa akin. "Na ano?" Pagmaang- maangan ko. "Alam mo na iyun Ne!", Yun kanina. Diba narinig mo na iyun?" Tanong nya sa akin. "Jhon, ang ba-bata pa natin." sagot ko sa kanya dahil baka nakalimutan nyang may sinabi sya sa akin. Na below the belt o kaya wala lang sa kanya. "Alam ko, Ne. Kaso di ko talaga kayang pigilan tong nararamdaman ko sa'yo!" Sabi nya. "Ne!" May pag- as!" Na di nya natapos dahil tinawag na ako ni Nanay. "Ne!" Bat ngayong ka lang umuwi?" Tanong nya sa akin. "Sige mauuna na ako!" Ang mahinang Sabi ko sa kanya. "Saan ka pumunta at ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Nanay habang papasok na ako ng bahay. "Sino iyun nasa gate may kasama ka ba?" Tanong nya. "Ah, si Jhon po!, Hinihatid nya ako dito!" Sabi ko. "Ne! Nangliligaw ba sa'yo si Jhon? Tanong nya sa akin. "Alam mong di pa pwede Ne, dahil bata ka pa." Sabi nya. Kaya tumango lamang ako sa sinasabi ni Nanay. Nauna akong pumasok sa loob ng Bahay at pumunta na ako sa kwarto. Nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko at binuksan ang ilaw ng bigla ko nalang nakita ang Robot na ibinigay ni Jhon Bago pa sya lumuwas ng Maynila para mag- aral. Kaya pumasok ako at kinuha sa lagayang ng mga laruan. Dahil ginawa kung display ang mga laruan ko nun bata pa ako. Hinawakan ko iyun at humiga sa kama habang hawak ang Robot na ibinigay nya sa akin. (Alam mo, naman na bawal pa di ba Jhon. Kaya di ko pa kayang sagutin ang tanong mo sa akin.) Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako sa pag-iisip kay Jhon. Maya- maya ay nagising ako sa katok ng bintana. Kaya napamulat ako at nakita ko si Jhon na nasa bintana. "My God. Jhon!" Sabi ko nalang dahil muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa nya. "Akala ko, aswang ang sumasabit sa bintana ko!" Galit kong sabi sa kanya. "Anong ginagawa mo dyan? Tanong ko sa kanya. "Ang akala ko kasi makakapasok ako sa kwarto mo? May railing na pala dito!" Sabi nito at parang mahuhulog na. "Bumababa kana dahil mahuhulog ka sa ginagawa mo." Ang utos ko sa kanya. "Akala ko kasi walang railing na nakalagay dito. Noon kasi dito tayo dumadaan papunta sa bubong nyo!" Sabi nya. Natawa na lang ako. "Eh, Kasi lumipas na iyun panahon at marami na ang pinagbago dito sa bahay." Sabi ko sa kanya. "Iyun nga!" Sige! Bukas nalang sabi nito. "Ano ba kasi ang kailangan mo at kailangang mo itong gawin?" Tanong ko sa kanya. "Bukas na lang." Sabi nya at bumababa na sya sa bahay namin. Natatawa lamang ako sa kanya dahil sa pinaggagawa nya. Bago sya umakyat muli ng gate ay kumaway pa sya sa akin. Kaya kumaway din ako sa kanya. (Ang Loko talaga, Akala nya walang railing ang bintana ng bahay.) Napangiti lamang ako habang tumitingin sa kanya na umakyat ng gate at tumalon. Tinitignan ko s'yang unti-unting nawala sa dilim kaya bumalik na ako sa aking pagkakahiga. Napapangiti lamang ako habang naiisip ang mga pinangagawa nya'ng kalokohan. Hanggang sa muli akong nakatulog. Sa susunod...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD