Ilang araw na ang lumipas at ngayon ay nagsisipaghanda na kami para sa posisyon mamaya sa Santa.Cruzan.
Nandito kami ngayon sa boutique ni Mama Catty at nag-a ayos ng mga kailangan gawin.
Naisuot ko na ang gown at may make- up na rin ako.
Naka handa na kami ngunit wala pa si Damian ng may tumawag sa aming na si Damian ay na LBM. At hindi makakapunta sa Santa. Cruzan kaya sinabihan kami na humanap nalang ng makakapareha ko.
Buti nalang at nandyan si lovely na tumutulong sa akin.
Kaya tinawagan nya si Jhon na sya na ang mag e-escort sa akin.
(Na kinatuwa ko rin dahil gustong- gusto iyun ni Jhon.)
Kaya tumawag na kami kay Jhon na sya na ang magiging escort ko at ikinatuwa nya ng marinig ang balita.
Maya-maya ay tinawag na kami ng Coordinator na mag ready na para sa posisyon.
Ngunit di pa dumadating si Jhon kaya kinakabahan ako.
Ngunit di rin nagtagal ay dumating din sya na agad ko naman niyakap dahil sa tuwa.
Kaya napa tikhim si Nanay sa ginawa ko kaya duon ako na tauhan.
Pangiti-ngiti na lamang si Jhon at kumindat- kindat pa sa akin.
Kaya tinulak ko na sya para ayusin na ni Mama Catty.
Kung tutuusin ay mabilis lang sana ang pag-aayos sa kanya dahil damit lang at kunting make-up.
Kaya lang ay wala pa syang maisuot na damit at kunting oras na lang ang natitira sa amin.
Naiihi na nga ako sa kaba.
Nang may naramdaman akong hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti.
"Wag kang masyadong kabahan!" Sabi nya sa akin.
Na nawala ng kaunti ang pag-aalala ko. Di rin nagtagal ay nakakita rin kami ng kanyang susuotin na damit.
Nang tapos na syang ayusin ay tinawag na ulit kami ng Coordinator na mag-si simula na ang posisyon.
Hinawakan ni Jhon ang kamay ko para pumunta na sa posisyon dahil malapit lang ang boutique ni Mama Catty sa Plaza kaya kunting lakad lang ay nasa posisyon na kami.
Nang dumating kami ay marami na ang mga nasa posisyon at naghahanda na rin sila.
Kaya pinapunta na nila ako sa harapan dahil doon ang aking pwesto.
At kasama ko si Jhon na ngumingiti at kinikilig pa. Dahil ang matagal na nya'ng hiling sa akin ay natupad.
Habang nasa kalagitnaan na kami ng posisyon ay bigla nya hinawakan ang aking kamay.
Naramdaman ko ang mainit at malambot nyang kamay.
Kaya hinayaan ko na lamang na magkahawak kami ng kamay hanggang sa natapos na.
Wala akong naramdaman hiya at takot sa mga sandaling ito. Dahil sa lakas ng t***k ng puso ko at kasiyahan ang ngingibabaw sa akin.
Buong San Pedro ang inilibot namin kaya ng matapos na ay nakaramdam ako ng pananakit ng mga paa.
Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi dahil busy ang lahat sa pagpapakuha ng mga picture.
"Ne, pa picture tayo." Sabi nya na sinangayunan ko naman.
Kaya nagpa picture kami.
Tinawag ni Jhon si Manong Photographer at kinuhaan kami ng picture.
Sa ikalawa nyang kuha ay inakbayan ako ni Jhon at inilapit nya ang kanyang mukha sa akin at ngumiti.
Kaya ngumiti rin ako sabay pa cute sa camera.
Nang matapos na ay umalis na si Manong.
Kaya umupo ako sa upuan ng bigla s'yang nagtanong sa akin.
" Ne!" May pag-asa ba ako sa'yo?" Tanong nito.
"Alam mo bang mga bata pa tayo!" Sabi ko sa kanya.
"Oo, alam ko na mga bata pa tayo!" Sabi nya na parang naiirita na at bigla na lang itong umalis sa tabi ko.
Kaya hinayaan ko lamang syang umalis at pumunta sa maraming tao.
Maya-maya ay lumapit si Nanay sa akin.
Tinanong nya ako kung nagugutom na ako.
" Oo, nay. Nagugutom na po ako." Sabi ko sa kanya.
"Sandali at kukuha ako!" Sabay alis nya.
Napayuko ako dahil sa pagod at masakit ang aking mga paa dahil sa sandal na isinuot ko ng may biglang may naramdaman akong malamig na bagay sa balat ko.
"Juice mo!" Sabi ni Jhon sabay hawak ng kamay ko at ibinigay nya ang juice at ensaymada.
Napangiti ako sa kanya.
"Salamat!, Jhon!" At kinuha ko na ang juice at ensaymada na bigay nya at nagsimula na akong kumain.
"Ne, aalis muna ako?" Sabi nya.
"Okay!" Sagot ko sa kanya habang kumakain ng ensaymada.
Nang dumating si Nanay na may hawak na juice at ensaymada din.
"Ah, anak may juice kana pala. Sino ang nagbigay sa'yo? Tanong nya.
"Si Jhon po!" Sagot ko sa kanya habang kumakain parin.
"Eh, nasaan na si Jhon?" Tanong nya.
"May pinuntahan lang po!" Sagot ko.
Nang matapos na ang posisyon ay hinihintay ko nalang si Nanay na bumalik para pumunta kami sa boutique ni Mama Catty.
Bumalik din si Jhon na may hawak na litrato.
Nakangiti ito habang lumalapit sa akin.
"Ne!" Nakuha ko na" Sabay pakita nya litrato.
Apat na piraso lahat kaya kinuha nya ang dalawa.
"Sa akin ang dalawang picture Ne." Sabi nito at ibinigay ang dalawa sa akin.
Kinuha ko ang ibinigay nyang picture at tinignan.
Nang makita ko ay hindi ko maiwasan kinilig sa kuha namin.
"Ne, pumunta na tayo kila Mama Catty at makapag-palit ka ng damit mo." Utos ni Nanay na hindi ko na namalayan ang paglapit nya dahil naka Tutok ako sa picture na ibinigay ni Jhon.
"Opo," Sagot ko kay Nanay.
Naglakad kami papunta sa boutique ni Mama Catty.
Nang dumating kami ay nakita ko si Damian na naka-upo sa loob.
Sa susunod..