Chapter 9.

910 Words
Nang dumating kami sa boutique ni Mama Catty ay nakita namin na nakaupo si Damian sa loob. Naunang pumasok si Nanay at sumunod naman ako at ang huling pumasok si Jhon. Lumapit si Mama Catty sa amin at may dala syang camera. Tumayo naman si Damian at lumapit sa akin "Hi, Ne. Ang ganda mo talaga at bagay sa'yo ang suot mong gown?" Sabi nito. At umakbay sya sa akin. "Pwede bang pa picture tayong dalawa." Sabi nya at nakangiti naka akbay sa akin. "Oo, naman." Sabi ko sa kanya. Nang tumabi na sya sa akin ay bigla nya akong niyakap at hinalikan sa pisngi na kinagulat ko. Bigla na lang napatingin ako kay Jhon at nakita ko ang matalim nyang titig kay Damian. At di ko namalayan na kumukuha na pala ng picture si Mama Catty sa amin. Nang matapos na ay bigla nya rin akong binitawan. "Salamat sa souvenir" Sabi ni Damian at naglakad na palabas. Ngumingiti naman si Mama Catty. "Naku, ang swerte mo at patay na patay sa'yo si Damian." Sabi nito at naglakad na papunta sa kanyang lamesa. Di pa ako na naka get over sa ginawa nyang paghalik sa aking pisngi. Nang may naramdaman akong humawak sa akin kamay. Si Jhon pala na tumitig sa akin at bigla syang lumabas kaya sinundan ko sya kahit na mabigat ang gown na suot ko. Dahil malakas ang kutob ko na may gagawin sya. Nakita ko s'yang tumatakbo palapit kay Damian na naglalakad at bigla nya itong sinungaban ng suntok sa mukha hanggang sa napadapa nya. Kaya nagsi- sigaw na ako at humihingi ng tulong. Lumabas din si Nanay at si Mama Catty. Nakita nila na nagsusuntukan na ang dalawa sa damuhan. Kaya tumakbo si Nanay at Mama Catty sa dalawang nagrarambulan. Inawat nina Nanay at Mama Catty ang dalawa. Hinawakan ni Nanay si Damian at si Mama Catty naman ay si Jhon na hindi parin tumitigil na suntukin si Damian kahit na may humahawak na sa kanya. At marami ng mga taong nakapansin sa amin at pumunta para tulungan kami na mapaghiwalay ang dalawa. Kaya ng maghiwalay na ang dalawa ay sumisigaw si Damian na. " Akala mo ba, di ko alam na gusto mo si Nene kaya ka effective sa ginawa ko!" Sigaw nya. "Bakit ka pa kasi bumalik!, Matagal ka ng nawala dito sa Isla tapos, ano!, Pagmamay-ari mo na ba sya?" Sigaw ni Damian. "Di porket anak ka ng Mayor ay magagawa mo ang gusto mo!" Sigaw din ni Jhon kay Damian. "Ano ba!" Tama na kung hindi kayo titigil ay hindi ko na kayo kakausapin!" Sigaw ko rin sa kanilang dalawa. At tumigil na nga. Nauna na akong umalis sa kanila at bumalik sa loob ng boutique ni Mama Catty. Dahil sa sama ng loob ko sa kanilang dalawa kahit na mabigat ang Gown ko at masakit narin ang mga paa ko sa suot kung sandal ay hindi ko na alintana. (Di ko akalain na hahalikan ako ni Damian sa pisngi at nakita pa ni Jhon. Nag-aalala ako kung ano ang iisipin nya sa akin.) Nasa ganoong ako ng pag-iisip ng lumapit sa akin si Nanay. "Anak Sabi ko sa'yo may gusto si Damian sa'yo anak." Sabi pa nito at sya pa ang kinikilig. "Nay!" Naman." Sabi ko na lang at pumasok na ako sa fitting room at tinulungan na ako ni Nanay na may palit ng damit. Nang matapos na ay nakita namin si Jhon na pumasok na rin sa boutique ni Mama Catty. Hindi ko na sya kina-usap dahil naiinis ako sa kanya at hindi ko rin alam kung bakit. Dahil ba sa hinalikan ako sa pisngi ni Damian at nakita ni Jhon. Kaya nauna na akong lumabas ng boutique ni Mama Catty at naiwan si Nanay dahil naguusap pa sila ni Mama Catty. Lumabas na ako at doon ako tumambay dahil sa loob si Jhon at Aya w ko pa syang kausapin. Alam kung hindi sya gagawa ng ganoong bagay kung hindi rin ako hinalikan ni Damian sa pisngi. Kaya nya nagawa iyun. Marami pang mga bagay ang nasa isip ko ng may humawak sa kamay. Si Jhon pala at tapos na syang magpalit ng damit. Umupo ito sa tabi ko. "Sorry, kung napahiya kita kanina!" Sabi nito. Di ko parin sya pinapansin at nakatingin ako sa malayo. Patuloy parin s'yang nagsasalita. " Ne, alam mo naman may gusto ako sa'yo at naiinis ako sa ginawa ni Damian kaya di ko napagilan ang sarili kong suntunkin sya." Sabi nya at hinigpitan ang hawak nya sa kamay ko. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa boutique ni Mama Catty. Kaya agad kong hinila ang mga kamay ko na hawak nya. " Ne!, Tayo na at umuwi!" Sabi ni Nanay. Kaya tumayo na ako at lumapit kay Nanay. Nang maya-maya ay may dumaan tryciyle at pumara si Nanay. Sumakay na kami. "Jhon, di ka pa ba uuwi?" Tanong ni Nanay. "Di pa po Tita!" Sabi ni Jhon. "Salamat nga pala dahil hindi mo pinabayaan si Nene na walang mag e- escort sa kanya. "Okay lang iyun Tita, gusto ko din naman maging escort ni Nene!" Sabi nito sabay titig sa akin. "Salamat!" Iyun lamang ang nasabi ko sa kanya. Isang tango at napakalapad na ngiti ang ibinalik nya sa akin at itinaas na nya ang kanyang kamay at nagsimula ng pagkaway ng pamamaalam. Pinaandar na ni Manong Driver ang tryciyle at naiwan si Jhon na tumitingin sa amin. Sa susunod..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD