Habang nasa daan kami at sakay ng tryciyle ay hawak ko parin ang picture na bigay ni Jhon at ngumingiti habang tinitignan ito.
Di ko maiwasan na titigan syang mabuti dahil sa malaki na talaga ang pinagbago nya nung umalis ito sa isla.
Tumangkad sya ng kaunti sa akin kahit matangkad din ako.
Mas maputi lang ako sa kanya kahit na lumaki ako sa Isla at parating naliligo sa dagat.
Dahil may lahing Half American si Tatay at dito sya tumira sa Isla at nagkapamilya.
Kaya namana ko sa kanya ang maputing balat.
Nang dumating kami sa Bahay ay agad akong pumunta sa kwarto.
At nilagay ito sa photo album.
Bumabalik sa akin ang kanina na magkahawak kami ng kamay at ilang ulit pa.
Kahit nagkaroon pa ng gulo ay hindi nawala ang masayang nanyari kanina sa posisyon.
Habang magkahawak kami ni Jhon ay naramdaman ko ang kanyang kamay na ginagalaw ang hinlalaki at nagbibigay kilig sa akin.
Kaya napalundag ako sa kilig at na pahiga sa kama habang nilalagay ko ang unan sa mukha ko at sumigaw sa kilig.
Nang matapos na ay nilagay ko na ang photo album sa lamesa at bumaba.
Nakita ko si Tatay na may dalang malaking pugeta na nabili nya sa mangingisda.
Umaga at hapon ay maraming mga mangingisda na bumabalik sa Isla at may mga huling ibat-ibang isda.
Tulad ngayon nakabili si Tatay ng malaking pugeta kaya tinulungan ko syang magluto.
"Nak!" Anong course ang gusto mong kunin?" Tanong ni Tatay habang hinihiwa nya ang pugeta.
"Tourism po!" Sagot ko sa kanya.
"Hindi ka ba magsisi kung dito kalang sa Isla mag-aaral ng college." Tanong nya sa akin.
"Di po!" Sagot ko sa kanya.
Nagsimula na sa paghihiwa si Tatay ng pugeta.
At hinihiwa ko naman ay ang onion at garlic.
Inilagay na ni Tatay ang kawali at nilagyan nya ng mantika at ginisa ang mga sahog para sa kanyang lulutuin.
Mga ilang minuto lang ay naluto na ni Tatay ang adobong pugeta.
Kumuha sya ng Isang hiwa at pinatikim nya sa akin.
" Wow, masarap at katamkataman lang ang alat. Masarap po Tay." Sabi ko kahit na ngumunguya.
Pumasok si Nanay na may dalang walis Tambo at nagwawalis sya sa likod bahay.
"Ne!" Nakausap ko ang Nanay ni Jhon na sa susunod na linggo na pala ay aalis si Jhon pa maynila.
"Sinabi na ba nya sa'yo iyan?" Tanong ni Nanay.
"Bakit naman po sasabihin ni Jhon sa akin ang mga iyan, Nay ay hindi ko man sya boyfriend para alamin kung saan man sya pupunta!" Iyun ang nasabi ko kahit na nabigla din ako na sa susunod na pala ang balik nya.
Kaya ng maghapunan na kami ay parang wala na akong ganang kumain.
Kaya kunti lang ang kinain ko kahit na masarap ang ulam.
"Ne, ang sarap ng ulam, pwede ka ng kumain ng marami. Tapos na ang Santa. Cruzan." Sabi ni Nanay.
Tumango lamang ako sa sinabi ni Nanay.
Kaya ng matapos na kami kumain ay lumabas ako ng bahay.
Para magpahangin dahil maraming bagay ang gumugulo sa isip ko.
Lalung-lalo na si Jhon dahil sya ngayon ang iniisip ko.
Nang may narinig akong tumatawag sa akin.
Nakita ko si Jhon na nasa gate.
" Ne!, Psssst!, Ne". Tawag nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Kahit na ang lakas ng t***k ng puso ko ng makita sya.
"Ne, gusto lang sana kitang maka-usap!" Sabi nya.
" Sumama ka sa akin, pumunta tayo sa dagat." Sabi nya.
"Ha!, Gabi na eh." Sabi ko na kahit gustong- gusto ko ng lumabas sa gate at hilahin sya at pumunta ng dagat.
Kaya lang ay nahihiya rin ako dahil kababaeng tao ay agad kung magga- ganyang sa kanya.
" Sige na Ne!" Pumunta na tayo!, Please!..Sabi sabay pa awa sa akin.
" Sandali at mag papaalam lang muna ako kila Nanay!" Sabi ko at tumalikod na at pumunta sa loob.
" Nay!, Pwede bang pumunta ako sa tabing dagat. Sandi lang po ito!" Paalam ko kay Nanay.
" Sino ang kasama mo?" Tanong nya.
"Si Jhon po!" Sagot ko sa kanya.
" Ne!, May tiwala ako sa'yo. Alam mo ang dapat mong gawain. Dahil bata kapa at alam mo ang iyun limitasyon!" Paalala nya sa akin.
" Opo nay!" Sagot ko sa kanya.
" Okay, Teka Anong oras na ba!" At tinignan ang orasan na naka sabit sa dingding.
" 7:30 na pala. Dapat mag 9 ay umuwi kana!" Sabi nya.
" Nene!, Alam mo ang limitasyon mo!, Tandaan mo iyan!" Sabi nya.
"Opo nay!" Sagot ko sa kanya.
Kaya ng lumabas na ako ay excited akong pumunta ng gate at binuksan.
" Ano Ne? Pumayag si Tita?" Tanong nya.
"Oo, pero hanggang 9 lang ako at kailangan ko ng umuwi sa Bahay!" Sabi ko sa kanya.
Nauna akong maglakad papunta ng dagat.
Malapit lang sa amin ang dagat kaya kahit kunting lakad lang ay nasa dagat kana.
Sa susunod..