Chapter 11.

870 Words
Jhon POV. Kababata ko sina Nene, Lovely, Angel at si Lorenzo. Marami kaming mga ala-alang nagawa nun mga bata pa lamang kami. Nang magkatrabaho si Tatay Juan sa Abroad bilang OFW sa Saudi ay nag-iba na ang takbo ng buhay namin. Pinag-aral nila ako sa Maynila. Pinatira nila ako kay Tita Julie na kapatid ni Tatay kung saan nakatira ito sa Maynila. Isang matandang dalaga si Tita Julie. Napa ka strict nya pero mabait sya. Noon una ay mahirap sa akin ang malayo sa aking pamilya. Ngunit nasanay narin ako sa buhay Maynila at sumasali ako sa mga Art contest kung wala ng klase at bakasyon kaya ilang taon akong hindi umuuwi sa isla. Pero ng mag college na ako ay gusto ni Nanay Mary na umuwi muna ako bago mag college. Kaya lang nagkaroon kami ng pagtatalo ni Tatay Juan dahil pinipilit nyang maging Isang pulis o seaman ako. Kahit na ang gusto kong kunin ay Fine arts. Kaya ng magbakasyon na ay pinilit nila akong umuwi sa Isla. Kaya umuwi na lamang ako dahil sa pamimilit ni Nanay Mary. Isang buwan lang ang ibinigay sa akin at kailangang kong bumalik para maka pag process ako ng aking mga papeles sa college at Ituon ang buong attention ko sa pag-aaral At susundin ko ang gusto ni Tatay na kukunin ko ay seaman. Nang dumating ako sa Isla ay marami ng pinagbago lalung-lalo na si Nene na kababata ko. Noon mga bata pa ako ay palagi ko s'yang pinapaiyak. Dahil sa iyakin at minsan ay inaya ko silang umakyat ng puno ng mangga. Ay ayaw nyang umakyat kaya pinilit kong pa-akyatin sya kahit na ayaw nya. Kaya lang ay dumating si Mang Peter at natakot kaming lahat dahil may dala syang palakol at nagsisigaw na bumaba kami. Kaya sa subrang takot ni Nene ay bigla na lang itong namali sa galaw at muntik ng mahulog kung di ko hinawakan ang kanyang kamay. Kaya ng umuwi kami ay nakita namin si Tita Beray na may hawak na sinturon at pinalo nya si Nene. Dahil sa pag- akyat nya sa punong mangga. Marami pa kaming mga ala-ala kung hindi ako pinadala sa Maynila. At ng bumalik ako sa Isla at nakita ko si Nene sa dagat kasama ang tatlo ko pang mga kababata na naghahanap ng mga shells ay nakuha na nya ang attention ko. Nang una ay hindi ako kinakausap ni Nene dahil nga matagal kaming di nagkikita Kaya napa-upo ako sa dagat at kumuha ng mga bato at inihagis ito sa dagat. At lumapit silang lahat sa tabi ko at umupo biglang bumalik ang aming pagkakaibigan nun mga bata pa kami. Hanggang sa ilang araw na pagsasama ng barkada ay nahulog na ako kay Nene. Kaya ng malaman ko na si Damian ang kanyang escort ay nagselos ako at nalaman ko kung bakit sya ang naging escort nya ay dahil sila ang sumagot sa lahat ng mga kailangan ni Nene. Kung alam ko lang ay sana ako nalang at may pera akong naitabi dahil sa mga pag-sali ko sa mga art contest kung saan nanalo ako. Kaya lagi kung binabantayan si Nene kapag nag papa practice sila ni Damian. Nang makita ko na hinahawakan ni Damian ang kamay ni Nene at nagpupumiglas si Nene ay lumapit na ako at pinigilan si Damian. Kaya di ko napigilan na suntukin sya dahil sinabi nya na girlfriend nya si Nene. Di ako papayag na ganoong ang gawin nya kay Nene na ipagsigawan nya na girlfriend si Nene na hindi naman totoo. Nakipag suntukan ako sa kanya. Nang umalis na kami sa plaza at umuwi ay hindi ko napigilan na kiligin dahil magkatabi kami sa tryciyle at ng ihatid ko sya sa kanilang bahay ay muntik pa kaming maghalikan. Kaya nagplano ako na magkita- kita kami ng barkada sa tabing dagat at upang makasama ko sya. Ngunit may di ako naasaan dahil umamin si Angel sa akin. Ako sana ang aamin kay Nene ngunit ganoong ang nangyari. Kaya nagsalita ako na hindi ko naman sinasadya na saktan ang feelings ni Angel. Kaya ng mag-uuwian na ay hinabol ko si Nene sa kanila kahit na malayo na sya dahil gusto kong marinig ang sagot nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kailangang ko ang sagot nya. Umakyat ako sa kanilang gate kahit na mahirap akyatin. At inakyat ko rin ang kanilang bahay kung saan ang kwarto ni Nene ngunit ng malapit na ako ay may railing pala kaya nagkamali ako nagdisisyon na umakyat pa ng kanilang bahay. Nagising na lang si Nene at sinermunan pa ako. Akala ko ay pwede pa ako makipag kwentuhan sa kanya. Dahil nun maliliit pa kami ay palagi kaming tumatambay sa kanilang bubong may daanan kasi sa kanilang bintana papunta sa bubong. Kaya umuwi nalang ako sa bahay at natatawa sa mga pinaggagawa ko. Buong gabing di ako makatulog dahil sa pangyayaring iyun habang nakikinig ng musika. Ilang araw din kaming magkasama ni Nene at masayang - masaya ako. Kahit na malapit na ang pagbabalik ko sa Maynila ni hindi ko kayang sabihin sa kanya. At ng araw ng Santa. Cruzan ay nalungkot ako dahil hindi ako ang escort ni Nene. Nang may tumawag sa akin. Sa susunod...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD