Chapter 12.

1104 Words
Sa araw ng Santa.Cruzan ay parang ayaw kung gumalaw sa kama at nasasaktan ako. Dahil sa kaiisip na hindi ako ang escort ni Nene. Ngunit ng may biglang tumawag sa akin. " Jhon, pwede bang pumunta ka dito sa boutique ni Mama Catty dahil hindi makakapunta si Damian na LBM sya." Sabi ni Lovely na bigla kong napatayo sa narinig ko kaya dali-dali akong nag- ayos. Para makapunta agad sa plaza. Nang papunta ako sa boutique ni Mama Catty ay na e-excited ako para sa posisyon mamaya. Bumaba ako ng tryciyle at pumasok sa loob nakita ko si Nene na napakaganda sa suot nyang gown. Nang pumasok ako sa loob ay bigla akong niyakap ni Nene. Napangiti ako dahil sa subrang kilig na nararamdaman ng mga sandaling iyun. Parang ayaw kung kumalas sa mga yakap nya. Ngunit si Aling Beray ay hindi nya pinalagpas kaya agad na humiwalay sa akin si Nene. At biglang tinulak na para hanapin ako ng damit na maisusuot. Dahil sa matangkad ako ay nahirapan kami sa paghahanap ng damit. Kaya kinakabahan si Nene dahil ilang ulit na kaming tinatawag ng Coordinator na magsisimula na Ang posisyon. Kaya hinawakan ko ang mga kamay ni Nene dahil nahahalata ko sa kanya ang kaba dahil wala pa kaming nakitang susuotin ko. Mabuti nalang at may nahanap na kami na magkakasya sa akin at agad ko naman isinuot at nilagyan ako ng kaunting make-up. Nang matapos na ay tumawag ulit kami ng coordinator na magsisimula na ang posisyon at kailangan pumunta na kami. Kaya lumabas kami ng boutique ni Mama Catty at hinawakan ko ang kamay ni Nene papunta sa plaza kung saan nanduon na ang iba. Di ko talaga maisip na mapupunta sa akin ang pagiging escort ni Nene na matagal ko ng hiling sa kanya. Kaya habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay hinawakan ko nag kanyang kamay. Naramdaman ko ang mainit nitong palad kaya hinahagod ko yun ng aking hinlalaki upang maramdaman nya ang kilig na nararamdaman ko sa sandaling iyun. Hanggang sa matapos ang posisyon ay hawak ko parin ang kanyang mga kamay. Napa-upo kami sa mga upuan para sa mga nag po- posisyon at tinanong ko sya kung pwede kaming magpa picture kaya tinawag ko si Manong Photographer at nagpakuha kami. Sa totoo lang gustong - gusto ko s'yang halikan sa pisngi ngunit ginagalang ko sya kaya hanggang paglapit lang ng mukha ang ginawa ko. Kaya ng matapos na ay nagtanong ako ulit sa kanya kung may pag-asa ako sa kanya. Ngunit lagi nyang sinasabi na bata pa kami kaya nainis na ako at umalis nalang sa tabi nya. Ngunit naghanap ako ng pagkain dahil nakikita ko na may nagbibigay ng mga pagkain. Kaya lumapit ako at kumuha rin ng juice at ensaymada. Isa lang sana ang ibibigay nila sa akin kaso sinabi ko na may kasama akong babae na kasama sa posisyon at naghihintay ng pagkain. Kaya dalawa ang ibinigay nya sa akin. Nang makuha ko ay pumunta ako agad kay Nene at ibinigay ang pagkain. Habang kumakain sya ay umalis ako at hinanap ko si Manong Photographer kung saan nilalagay nya ang mga picture sa kilid at binibinta nya. Nakita ko na apat pala ang picture kaya kinuha ang apat at binayaran ito kay Manong Photographer ng matapos ko ng mabayaran ay pumunta ulit ako kay Nene na dala ang picture namin. Habang papunta ako sa kanya ay tinitignan ko ang picture namin at kinikilig ako. Kaya ng pumunta ako sa kanya at ibinigay ang dalawang picture at kinuha ko ang dalawang picture na para sa akin. Nang maibigay ko ay dumating si Tita Beray at pumunta na kami sa boutique ni Mama Catty. Habang papunta kami ay nakita ko ang sasakyan ni Mayor. Nang malapit na kami sa boutique ay nakita namin si Damian na nakaupo sa loob. Pumasok kami at pumunta ako sa kilid dahil ayaw kung maka- usap si Damian. Nabigla ako sa ginawa nya kay Nene na hinalikan nya sa pisngi kaya naginit ang ulo ko habang nakatingin kay Damian. Nakita ko rin nabigla si Nene sa ginawa ni Damian kaya ng lumabas si Damian at sinundan ko ito sa labas at sinuntok. Nag suntukin kaming dalawa at nagsigawan. "Akala mo ba, di ko alam na gusto mo si Nene kaya ka effective sa ginawa ko!" Sigaw nya. "Bakit ka pa kasi bumalik!, Matagal ka ng nawala dito sa Isla tapos, ano!, Pagmamay-ari mo na ba sya?" Sigaw ni Damian. "Di porket anak ka ng Mayor ay magagawa mo ang gusto mo!" Sigaw ko kay Damian. Ngunit sumigaw din si Nene. "Ano ba!" Tama na kung hindi kayo titigil ay hindi ko na kayo kakausapin!" Kaya nagsitigil kaming dalawa at biglang umalis si Nene at naiwan kaming dalawa. Kinausap kami at pinagbati ng maya-maya ay umalis na si Damian at sumakay sa kanilang sasakyan. Bumalik naman ako sa boutique ni Mama Catty ng pumasok na ako ay tapos na si Nene sa pagpalit ng kanyang damit. At nag palit din ako ng matapos na ay nakita ko s'yang nasa labas kaya lumabas sa boutique at humingi ng patawad sa kanya. Dahil sa galit ko ay bigla akong nagwala at pinagsusuntok si Damian. Nagagalit ako dahil sa ginawa nyang paghalik kay Nene. Kaya lang ay hindi ako kanakausap ni Nene at ng lumabas na si Tita Beray ay biglang tumayo si Nene. Pumara si Tita Beray ng tryciyle at sumakay sila. Tinanong ako ni Tita Beray kung uuwi ako ngunit hindi na ako sumama. Dahil nahihiya ako kay Nene sa mga pinaggagawa ko kanina. Kaya ng gumabi na ay naisipan kung puntahan si Nene sa kanila para dalhin sa tabing dagat. Kaya naghanda na ako bago pumunta sa kanila ay maglatag na ako ng tela at nagdala na rin ng gitara at mga pagkain. Nang mailatag ko na ay pumunta na ako kila Nene. Habang pumupunta ako ay nagdadalawang isip ako kung paano ko sya kakausapin. Saktong pagdating ko ay lumabas din si Nene kaya sinitsitan ko si Nene upang sya lang ang makakarinig ng tawag ko sa kanya. Kaya ng marinig nya ay lumapit sya sa akin at kinausap nya ako. Hindi pa sana sasama si Nene sa akin ngunit nagmamakaawa na ako sa kanya na sumama sya sa akin. Kaya napapayag ko rin sya ngunit hihingi muna sya ng pahintulot sa kanyang Nanay Beray na payagan syang sumama sa akin sa tabing dagat. Kaya hinintay ko nalang syang pumasok sa loob ng kanilang bahay at lumabas din. Hanggang sa nauna na syang lumakad sa akin papunta sa tabing dagat. Masaya ako dahil pumayag syang samahan ako sa tabing dagat. Sa susunod..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD