? Please don't forget to add, follow, like and share.
Panimula.
Nene POV.
?Nang dumating kami sa tabing dagat ay nakita ko na mayroon telang nakatungtung sa buhangin at may basket din sa kilid nito.
"Wow!, Ano to date? Tanong ko sa kanya.
" Oo, sana kung pumayag ka lang na liligawan kita!" Sabi nya.
Na biglang kung ikinatahimik sa tanong nya.
Pumunta ito sa mga kahoy at kinuha ang posporo sa kanyang bulsa at sinindihan ito.
Umupo ako sa tela habang tinitignan si Jhon na sinisindihan ang kahoy at ng umapoy na ito ay tumabi din sya sa akin.
Kinuha nya ang basket na nasa kilid lang namin at nilabas nya ang lamang nito.
Meron syang oishi, marshmallows at juice.
" Para kang boyscouts" always ready!" Natatawa kung sabi.
Binigyan nya ako ng kahoy para sa marshmallow.
" Ne!, Naman lagi mo nalang ako dinadaan sa mga ganyan" Sabi nya.
"Eh, ano naman ang sasabihin ko sa'yo. Wala naman ang tatlo dito!" Sabi ko at sabay tuhog ng marshmallow at inilagay ko na sa apoy.
Habang sya ay kumuha ng kanyang gitara at tumugtug.
??Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so inlove with u.
I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go.
But if u ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay
Just take some time
To lend an ear
To this ordinary song
Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so inlove with you??
Ordinary Song by Marc Velasco.
Kaya napatitig ako sa kanya at sinasabayan sya sa pagkanta ay parang may nararamdaman akong mga paru-paro sa aking tyan ko na hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Nang matapos na ay nagsimula na kaming magkwentuhan.
"Sa susunod na linggo ay babalik na ako sa Maynila!" Sabi nya at napayuko.
Tinignan ko sya at parang iiyak na ito.
" Hoy, wag kang ganyan." Sabi ko sa kanya sabay hampas ko sa kanyang balikat.
"Bakit di kaba babalik sa Isla?" Tanong ko sa kanya.
" Baka kasi liligawan ka ni Damian at sagutin mo sya!" Sabi nya at parang naluluha na.
"Ano ka ba!" Bat ka umiiyak!" Lalaki ka remember!" Sabi ko sa kanya habang natatawa sa kanya.
"Ahahaha!, Ano ka ba wag kang ganyang ka lalaki mong tao. Iiyak ka?" Sabi ko sa kanya.
Pero nabigla ako dahil niyakap nya ako.
" Ne, please. Hintayin mo ako!" Wag na wag mong sasagutin si Damian!" Sabi nito.
At hinalikan nya ako sa labi.
Na milog ang aking mata sa ginawa nya at parang biglang tumigil ang ikot ng Mundo ko.
( Ang aking first kiss.)
Ni hindi ko napaghandaan ito. kaya tinulak ko sya at tumakbo ako pabalik sa Bahay namin.
Umiiyak ako dahil sa bigla nya'ng paghalik sa akin.
Kaya lang ay nahabol ako ni Jhon at niyakap sa likod.
" Ne, sorry. Sorry kung bigla kitang hinalikan." Sabi pa nya.
" Ne, please. Sorry, sorry!" Sabi nya.
Kaya lang ay tinanggal ko ang kanyang mga kamay na yumayakap sa akin at tumakbong bumalik sa Bahay.
Nang malapit na ako sa bahay ay may nakita akong taong tumatakbo galing sa Bahay.
Kaya napatigil ako sa pagtakbo ng makita kong nakabukas ang gate namin.
Nakalapit na rin si Jhon sa akin at hinawakan nya ang aking kamay ngunit wala na doon ang attention ko kahit na nagtatanong sya sa akin.
Nilagay ko na lang ang aking kamay sa kanyang bibig para tumahimik at unti-unting kaming pumasok sa Bahay.
Nakita ko na naka bukas rin ang aming pinto sa sala.
Kaya pumasok ako at tinignan kung bakit nakabukas ito dahil lagi itong nakasarado.
Kinakabahan ako na hindi ko alam.
Nakita ko na mayroon pulang likido sa sahig ng aming sala kaya sinundan ko kung saan nanggagaling.
Meron rin patak na pulang likido papunta sa kusina.
Nanginginig ako bawat habang ng mga paa ko papunta sa kusina.
Nakasunod naman si Jhon sa akin at hawak nya ang aking kamay.
Malapit na kami sa kusina ng bigla nalang ako napasigaw sa nakita ko.
Ang aking mahal na Tatay at Nanay ay may tama ng mga baril sa katawan.
Kaya nagsisigaw na ako at umiiyak dahil sa takot at awa sa aking mga magulang.
Lalapit na sana ako ng pinigilan ako ni Jhon sa baywang at umiiyak.
"Ne!, Ang tangi nyang nasabi.
Napa-upo ako sa sahig at umiiyak habang nakatitig sa mga magulang ko na nakabulagta sa sahig at magkayakap sa isat-isa.
Maraming dugo na ang kumakalat sa sahig pati narin sa mga upuan at lamesa.
At mayroon din mga dugo na nagtaksikan sa mga dingding.
Sa tagal kung napa-upo at umiyak ay hindi ko na alam na dumating na ang mga pulis at soco sa Bahay at kinukuhang nila ng picture ang aking mga magulang at naghanap din sila ng ebidensya.
Tinanong din nila ako kung saan ako galing sa sandaling nangyari ang krimen.
" Pumunta po ako sa tabing dagat kasama si Jhon.!" Ang mahina kong sabi at napatulala na lang.
Marami ng mga taong nakapaligid sa labas ng bahay.
Pina-upo nila kami sa labas ng bahay.
At maya-maya ay nakita ko si Damian kasama nya ang kanyang papa.
Sa susunod...