PINA- UPO nila kami sa labas ng bahay at marami ng mga taong nakapaligid sa labas ng aming bahay.
Maya-maya ay nakita ko si Damian kasama nya ang kanyang papa.
Napatayo ako ng makita ko sila na lumalapit na sa amin.
" Kinalulungkot ko ang nanyari sa mga magulang mo iha!" At sabay tinapik ni Mayor ang balikat ni Nene.
Nakita ni Mayor ang chef ng mga police kaya pumasok Ito sa loob para kausapin ito sa kanilang pagsisiyasat sa nanyaring krimen.
Naiwan si Damian at nakatingin lang sa amin.
Di ko namalayan na nandito rin ang iba kung mga kaibigan na sina Angel, lovely at Lorenzo.
Kaya yumakap si Nene sa mga kaibigan nya.
" Nene... " Naiiyak na sambit ni Angel.
" Ne.. nandito lang kami.. " Malungkot na sabi ni Lorenzo.
Hindi nagsasalita si lovely ngunit umiiyak Ito at hinahagod si Nene.
Maya-maya ay dumating ang ambulance at nailabas na ang kanyang mga magulang para dalhin sa hospital.
Kaya sakay sya ngayon sa ambulance at umiiyak habang hawak ang mga kamay ng kanyang mga magulang.
Kasunod naman ang mga kaibigan nya na sakay din sa jeep na pagmamay- ari ng tatay ni Lorenzo.
Dinala nila ang mga Ito sa hospital ngunit sabi ng Doctor ay DOA na ang mga Ito.
Kaya buong gabi syang gising sa labas ng hospital at hinihintay ng mga taga morgue na kunin ang katawan ng kanyang mga magulang.
Nilapitan sya ni Jhon at binigyan ng maiinom ngunit tumanggi sya.
Habang lumuluha na nakatingin sa bangkay ng kanyang mga magulang.
Kinaumagahan ay nadala na ang mga katawan ng kanyang mga magulang sa morgue.
Nasa labas na sya ng morgue at kasama nya ang mga kaibigan at ang kanilang mga magulang.
" Wa- wala na ang mga ma- magulang ko... Papaano na ako nga- ngayon?" Na- uutal nyang sabi at sinisinok na sa kakaiyak.
Lumapit ang Ina ni Jhon na si Aling Mary.
" Iha.. ne.. nandito lang kami at hindi ka namin pababayaan.. matagal ko ng kumari si Beray kaya wag kang mag-alala. Nandito lang kami!" Naiiyak n'yang sabi at hinahagod ang likod ni Nene.
Tanging tango lamang ang sinagot ng dalaga dahil hindi nya makapa ang boses nya at namamaos na sya kakaiyak.
Lumipas ang ilang araw ay nasa bahay na ang mga magulang nya at nakaburol.
Di parin nakikita ang salarin sa pagpatay sa kanyang mga magulang.
" Ne, magpahinga ka muna at ako muna ang bahala sa mga bisita." Pag- alalang tanong ni Angel.
"Okay lang ako.." tugon nito at habang naka- upo sa harap ng kabaon ng kanyang mga magulang.
" Ne.. magkakasakit ka nyan!"
" Anong kasalanan ng mga magulang ko at pinatay sila?" Naiiyak nyang sambit.
" Mabuting tao at matulungin sila sa mga tao na nakikilala nila!" Dagdag pa nya.
" Di ba nila naisip na may anak ang pinatay nila?" Nagsisimula na syang namamaos sa kakaiyak.
Umiiyak na nakikinig si Angel sa tanong ng kanyang kaibigan.
" Nandito lang kami... Ne na mga kaibigan mo.. na masasandalan mo!" Naiiyak na sabi ni Angel.
" Ma...mama, Papa.. pa.!" Naiiyak n'yang sigaw.
" Papaano na po ako..." Isama nyo na lang po ako..." Papa.. mama!"
" Ne... Tatagan mo ang loob mo... May Plano ang Panginoon kaya nandito ka at buhay." Naiiyak sa sabi ni Angel.
" Sana sinama na nalang nila ako!"
" Ne... Nandito kami... Wag kang paghinaan ng loob!" Wag mong isipin na may gawin kang masama sa sarili mo!" Payo sa kanya ni Angel.
Niyakap na lamang sya ng kanyang kaibigan.
Maya-maya ay dumating si Mayor at su Damian na may dalang bulaklak.
Lumapit Ito sa kanya.
" Nakikiramay ako sa'yo Iha!" Sabi ni Mayor.
" Ne.. Nakikiramay kami!" Sambit ni Damian at yumakap kay Nene.
Umiiyak si Nene habang hinahagod ni Damian sa likod.
" Salamat po, pagpunta sa burol ng mga magulang ko." Naiiyak na sabi ni Nene at sabay na lumapit sa kabaong ng kanyang mga magulang.
" Mayor.. Tulungan nyo po ako... Na pagbayarin ang pumatay sa nanay at tatay ko!" Naiiyak nyang sabi habang pinupunasan ang salamin ng kabaong ng kanyang Ina.
" Tulungan nyo po ako!" Pagmamakaawa nyang hiling kay Mayor.
" Huwag kang mag- alala at gagawin namin ang lahat para matukoy kung sino ang pumatay sa mga magulang!" Paniniguro nyang sagot kay Nene.
At umalis na si Mayor para kausapin ang mga nakikiramay din.
Naiwan si Damian habang nakatingin sa kanyang mga magulang at lumapit sa kanya.
" Ne... , Kamusta ka?" Tanong nito sa kanya.
"Di.... Ko na alam kung papaano ako magiging okay.... Dahil wala na si Nanay at tatay..." Naiiyak nyang sagot dito.
" Mga walang hiya ang pumatay sa kanila... Wala silang mga puso at kaluluwa.. papano nila nagawa ito sa mga magulang ko!" Naiiyak nyang sambit.
Nang biglang niyakap sya ni Damian at hinahagod sa likod.
"Nandito lang ako!..." Sabi nito at hinahagod sya sa likod nito.
Jhon POV..
Habang niyayakap ni Damian si Nene ay nakatingin naman si Jhon sa malayo at naiinis ito.
Ngunit nangigibabaw ang pag- unawa nya sa nararamdaman ni Nene.
Kailangan nya ang karamay ng mga kaibigan ngayon dahil sa nanyari sa kanyang mga magulang.
Nag- alala din sya dahil malapit na syang babalik sa Maynila kahit na humingi sya ng ilang araw na palugit sa kanyang Tita at Ama nyang sa abroad.
Sasamahan nya si Nene sa kanyang pagdadalamhati.
Lumapit sya sa mga kaibigan na na- abala sa pag- aasikaso sa mga bisita ng mga magulang ni Nene.
Silang magkakaibigan ang nagtutulungan para maayos ang pagbuburol ng mga magulang ni Nene.
At tatlong araw na lang ay ihahatid na nila sa huling hantungan ang mga magulang ni Nene.
Kaya ngayon ay marami ang mga taong nakikiramay.
Nanduon din ang mga kaklase ni Nene at mga kakilala nilang mag- anak.
Ngunit sa tagal na nyang pamamalagi sa burol ng mga magulang ni Nene ay walang pamilyang dumating sa ama ni Nene.
" Lorenzo... Kulang yata ang mga kendi!" Sabi nito kay Lorenzo na nagbibigay ng kape sa mga taong nagsusugal.
" Pauwi na si Papa at Mama sila ang bibili ng mga kendi!" Sabi ni Lorenzo.
" Di ka ba nagseselos?" Biglang tanong ni Lorenzo kay Jhon at bigla syang itinuro ng kanyang nguso sa harap na niyayakap ni Damian si Nene.
" Ano kaba.. Nakikiramay lang iyan... At Ayaw ko munang gumawa ng mga hakbang na magbibigay ng sakit at alalahanin si Nene." Sabi nito na kahit sa totoo ay kanina pa nya gustong puntahan ang dalawa at hatakin si Nene para makawala sa yakap ni Damian.
Dahil parang higad kung makayakap.
" Talaga... Parang lumalabas na ang mga ugat mo sa leeg habang nakatingin ka sa kanila?" Pang- aasar ni Lorenzo.
" Ano kaba... Lorenzo at nasa burol tayo ng mga magulang ni Nene...." Saway nya sa kaibigan kaya tumahimik na lamang Ito at ngumingiti na lamang.
Kaya pinagpatuloy na lamang nila ang pag- aasikaso sa mga taong nakikiramay kay Nene.
Sa susunod...