Ang Caroline Mansion ay Bahay na ipinatayo ng lolo mo para sa lola mong si Caroline Smith. " Paliwanang ni Attorney Noel.
" Wow... Iyan na lang ang nasabi ng mga bata.. habang papalapit na sila sa Caroline Mansion.
Nasa harap na sila ng Mansion at isa- isa ng bumaba sa saksakyan.
NAUNANG bumaba si Attorney Noel at sunod naman ay si Nene na nakatingin sa buong mansion.
Kasunod naman ay ang tatlong nakanganga habang nililibot ng kanilang mga paningin ang kabuuan ng Mansion.
Ang mansion ay meron tatlong palapag at napipinturahan ng kulay puti at itim at mga malalaking bintana na may kristal.
Ang paligid naman ng mansion ay maraming mga bulaklak.
" Wow... Ang laki naman ng mansion ito.. " manghang sabi ni Lorenzo.
" Mga bata.... Ipapakilala ko kayo sa mayorduma ng mansion ito.
Lumabas ang isang matabang babaeng may edad at ngumingiti na kahit malayo pa ito sa kanila.
Nang makalapit na ang mayorduma ay binati nya si Attorney Noel.
" Magandang hapon sa inyo... Attorney noel!" Bati nito at humarap sa mga bata.
" Welcome home...Señorita Catherine..!" Bati nito kay Nene na kinabigla nya.
" Paano nyo ako nakilala Manang eh....Bago ko lang tayo ng kita." Sabi nito sa matanda.
" Hahahahaha....Madali lang po kayong makilala Ma'am.. dahil kayo lang ang may lahing kano at namana nyo iyan kay Doña Caroline... Napakabait ng iyong lola sa amin...
Bagong dating lang po ako at wala pang isang taon ng namatay ang Doña Car-----.." bigla syang inawat ni Attorney Noel.
" Teka!.... Teka!... Huminahon ka muna... Yuli at hindi pa kita pinakilala sa mga bata!" Sabi ni Attorney Noel sa matanda na agad naman tumawa at ngumiti sa mga magkakaibigan.
" Okay mga bata... Sya si Manang Yuli... Sya ang pinakamatagal na kasambahay sa Caroline Mansion at ang nangungunang tauhan ng trabahador sa Hacienda Carlota ay amg Mister nyang si Pedro.
Dito na sila magkakilala at bumuo ng pamilya.
" Salamat.... Attorney Noel at napauwi nyo si Señorita Catherine... " Sabi nito at ngumingiti sa kanila.
" Yuli.... Papasukin muna natin ang mga bata.
Bago magkwentuhan ng ating mga buhay sa isat-Isa." Saway ni Attorney Noel sa kay Manang Yuli.
"Pasok kayo pasok.... "Aya ng mayorduma.
Pumasok na silang lahat at ng marinig ni Nene na tinawag syang Señorita ni Manang Yuli.
Ay naninibago sya na tawagin seniority ng mayorduma.
Kahit sabihin pa na sya ang tagapagmana ng lahat na ito.
Hindi nya kinalakihan ang ganoon pamumuhay kaya napakalaking adjustment ito sa kanyang buhay.
Dinala ang kanilang mga gamit sa itaas at bawat isa ay mayroon tag- iisang kwarto ang magkakaibigan.
Nasa master bedroom si Nene at napakalaki nun.
Pumasok sya sa loob ng kwarto at napahanga sa ganda ng desinsyo ng mga kagamitan ang nandito.
Napakalapad ng kama kaya napaupo ito at inililibot ang paningin sa kabuong ng kwarto. At puno rin ng mga mamahaling gamit ang kwarto.
Mayroon balkunahe na makikita ang labas ng mansion ang napakagandang tanawin ng lugar kung saan makikita ang mga magagandang bulaklak na nakapalibot sa paligid ng mansion.
Pero mas nakaagaw sa kanya ng pansin ay ang malaking picture frame na nakasabit sa dingding at nakaharap sa kama.
Ang family picture ng kanyang ama at kasama ang kanyang ina at ama.
Nakatayo ang ama nya sa kilid ng kanyang ina na naka-upo sa upuan at nakahawak pa ng kamay sa kanyang ina at napa ka seryoso ng mukha at nakatayo rin ama nito na may hawak na baston.
Napaka eliganti ng kanilang mga kasuotan lalung-lalo na ang kanyang ama.
Tumayo ito at hinawakan ang lumang picture frame.
May luhang dumaloy sa kanyang mukha ang kanyang ama na maraming pinagdaanan bago nakapunta sa isla at nakilala ang ina at sya ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Nang bigla na lang syang niyakap ni Angel.
" Napaka cute naman ni Tito Carlo.. ne!" Sabi nito at nakatingin din sya sa picture frame.
" Oo, nga... Mas gwapo sya sa akin ng kaunti nun bata- bata pa si tito!" Sabad ni Lorenzo na agad naman tumingin si Angel.
" Anong kaunti... Napakalayo kaya... Wala ka pa sa kuko ni Tito Carlo nun bata-bata sya!" Pang iinis ni Angel na agad naman sumimangot si Lorenzo.
" Tignan mo nga napakatangos ng ilong ni Tito Carlo.. eh sa'yo!" sabi pa nito na nagsisimula na silang magpikunan.
" Ano ba tama na nga iyan!" Awat ni Nene sa kanila at tumahimik ang dalawa.
Nang maya-maya ay nagsalita si Angel.
" Ne... Tawag tayo Manang yuli at kakain muna tayo!" Sabi nito na agad naman tumango si Nene.
"Kanina pa sana namin sasabihin sa'yo kaso itong tukmol na ang nagpawala sa isip ko!" Dagdag pa ni Angel na agad naman tumawa si Nene sa dalawa.
Napakakulit ng dalawa kaya nababawasan ang lungkot na kanyang nararamdaman.
" Bumababa na tayo!" Aya ni Nene sa dalawa na hindi pa tumitigil sa asaran.
Bumababa silang tatlo at pumunta na sa lamesa kung saan nanduon na si Lovely at si Attorney na kumakain.
" Ne... Ang sarap talaga ng Durian!" Habang ngumunguya at mukhang nasasarapan pa sa pagkain ng Durian.
" Ang lakas nga lang ng amoy!" Sabi pa ni Angel na agad tinakpan ang ilong.
Nagsiupo na sila at lumapit si Manang Yuli at may dalang lechon pabo.
" Wow... ang sarap naman iyan... Manang Yuli!" Pangpupuri ni Lorenzo kay Manang Yuli.
Napakaraming pagkain ang nasa lamesa meron lechon baboy, lechon pabo, kanin, bulalo, at ibat-ibang mga prutas na bago lang sa kanilang mga mata.
Katulad ng Durian at Marang.
Nang simula na ang kainan ng mga bata at si Attorney.
Masayang kumakain ang mga bata at kinukwentuhan sila ng attorney kung saan nakatanim ang mga prutas.
Hanggang sa natapos na sila sa pagkain at nagpapahinga na.
" Mga bata gusto nyo bang ilibot ko kayo sa mga taniman ng mga Durian at marang." Sabi nito na ngumingiti at gusto nyang ipakilala ang mga trabahador kay Nene at sya ang apo ni Don Nikolas at ang tagapagmana ng lahat ng mga ari- arian ng mga Smitch at San Pedro.
Kaya sumama sila sa kanya at inililibot sa lugar kung saan ang taniman ng mga Durian at Marang.
Pinuntahan nila ang puno ng mga Durian at sakay sila ng Farm Car. Namamangha sila dahil sa isang puno ay marami at malalaki ang mga bunga.
May mga ibat-ibang klase ng Durian meron maliit at malalaki variety.
May taong lumapit sa kanila at pinakilala ni Attorney.
" Nene... Sya si Mang Pedro ang mister ni Manang Yuli. Matagal ng nagtatrabaho si Mang Pedro sa pamilyang Smitch." Pagpapakilala ni Attorney Noel kay Mang Pedro sa mga bata.
" Mang Pedro... Sya si Señorita Catherine ang nag- iisang apo at tagapagmana ni Don Nikolas." Sabi nito na kay Mang Pedro.
Na agad naman tumingin ngunit di ngumingiti sa kanya.
" Magandang hapon po, Mang Pedro." Magalang na binati ng dalaga kahit di ngumingiti ang matanda.
Nang biglang umiiyak ito at niyakap ang dalaga na kinabigla ni Nene.
" Kayo lang po pala ang makikita ko... at di ko na makikita si Sir Carlo... Ako kasi ang tumulong sa kanya na tumakas dito sa Hacienda habang pinaglulupitan sya ng madrasta n'yang si Ma'am Venian at sinasaktan naman ni Sir Bryan.
" Naawa ako sa kanya at di nagtagal ay humingi na ng tulong sa akin si Sir Carlo na tumakas dito sa Hacienda Carlota!" Naiiyak nyang kwento na kahit si Nene ay napapaluha nalang sa mga pinagdaanan ng kanyang Tatay Carlo.
" Salamat po sa inyo at nakatakas ang ama ko sa kamay ni Venian.' taos pusong pasasalamat ni Nene kay Mang Pedro dahil sya ang dahilan kaya nakatakas ang kanyang ama at nakapunta sa isla.
" Mabuti po at kayo na ang papalit sa pagmumuno sa amin. Malupit po si Ma'am Venian sa amin mga manggagawa." Madamdamin nitong salamat kay Nene.
" Kung di lang kay Don Nikolas ay matagal ng nawala ang lahat ng pinaghirapan ng lola mo. Kahit na malayo sa amin ay sya parin ang amin sinusunod." Sabi nito na naluluha na.
" Maraming salamat po sa pagbibigay ng katapatan at pagmamahal sa Hacienda Carlota.. Mang Pedro!" Unti-unting nagkakaroon ng mga idea si Nene sa bawat kwento ni Mang Pedro kung papaano ang pagpapatakbo ng hacienda kahit sa kaunting oras.
Alam nyang marami pa syang dapat na matutunan at balang araw ay sya na ang boses na susundin nila.
Kaya sa ngayon ay dapat na pag-aaralan nya ang business ng pamilya.
At isa lang ang hinihingi nya ay umuwi ang lolo nya at turuan sya sa mga dapat gawin
sa Hacienda Carlota.
At makasama ito dahil ama sya ng kanyang Tatay Carlo at lolo nya.