SA kanilang paglilibot sa taniman ng mga Durian at marang ay nakipag kwentuhan sya sa mga manggagawa ng Hacienda.
Dinala din sila ni Attorney Noel sa taniman ng mga cacao at napitas silang magkakaibigan.
Pumunta din sila sa pagawaan ng mga chocolate ng hacienda.
Malayo palang sila sa pagawaan ay naamoy na nila ang tsokolate.
Nakapasok sila sa isang malapad na bahay- bahayan na walang dingding at doon nila nilalagay ang mga bunga ng cacao sa lamesa para buksan at ilabas ang mga buto ng cacao.
Kaya nagkaayaan silang tumulong silang apat.
Kumuha si Nene ng isang bunga at pinanood kung ano ang mga ginagawa ng mga manggagawa at lumapit sa kanila si Manang Susan ang isa sa mga nagtatrabaho sa tsokolate.
" Magandang araw po!" Bati nito sa kanya.
" Manang, matagal na ho! Ba kayo sa hacienda dito?" Tanong ni Nene.
" Matagal-tagal na rin.. Ma'am!" Sagot nya.
" Sa paggawa ho! Ng mga tsokolate ay matagal na din ba kayo nandito?" Tanong nya.
" Opo, Ma'am.." sabi nya na nakangiti.
" Pwede po bang turuan nyo kami kung papaano ang proseso ng paggawa ng mga tsokolate." Tanong nya at itinaas ang kamay may hawak na tsokolate.
" Syempre, naman Ma'am" sabi nito at kumuha ng isang bunga ng cacao sa lamesa at may isang malaking blade na nakadikit na sa lamesa.
" Idiin nyo po ito sa malaking blade na nakadikit na sa lamesa at para mabuksan ang bunga nito" sabi nya at binuksan na nya ang cacao at inilabas na ang mga buto ng cacao.
" At ilagay lang po ito sa lamesa dahil may kukuha ho, nito at ilalagay sa dryer area.
At ilang araw lang po ang hihintayin natin para maging dry ang mga buto." Sabi nito na tumango-tango lang si Nene.
" At kapag naging dry na ay pwede na itong gawin tsokolate." Sabi pa nito.
Kaya sinunod na nga ni Nene ang mga sinasabi ni Manang Susan.
At lahat silang apat ay tumulong hanggang sa Naka-isang oras na sila.
Nang lumapit si Attorney Noel.
" Ne, Pagkatapos natin dito ay pupunta tayo sa taniman ng mga niyog!" Sabi nya.
" Okay.. Attorney, tatapusin lang po namin ito!" Sabi ni Nene na abala sa pagkuha ng mga buto.
" Attorney Noel, di po pala biro ang ginagawa nila dito!" Sabi pa nya kay Attorney.
" Alam ko Nene.. na makakayanan mo ang pagpapatakbo ng hacienda nyo.." sabi pa nito sa kanya.
" Ah!, " Napabuntong hininga si Nene.
" Sana po ay umuwi na si lolo dito, Attorney." Sabi nya na tumitig sa cacao.
" Para gabayan nya ako dito!" Sabi ni Nene na tumingin sa mga kaibigan na nakatingin din sa kanya.
" Hayaan mo, Nene.. at makakarating ang mga hinain mo sa'yong lolo." Sabi nito at kumuha ng isang cacao at binuksan saka kinain.
" Sarap talaga!" Sabi ni Attorney
" Maghihintay lang ako sa Golf Cart kung ready na kayong pumunta sa taniman ng mga niyog" sabi nito at umalis.
"Halika na kayo at pumunta na tayo" sabi nya at inihubad ang gloves na ginamit nya sa pagbukas ng mga cacao.
" Manang Susan, aalis na po kami" paalam nya sa matandang babae.
" Ah, eh.. kayo po ba si Señorita Catherine na pinapahanap ni Don Nikolas?" Nahihiyang tanong nj Manang Susan.
" Opo, ako po si Catherine.. pero pwede nyo po akonh tawagin.. Nene dahil iyun po ang palayaw ko!" Magalang nyang sagot sa matanda na nahihiya pa.
Dahil ngayon na lamang nakaharap ang apo ng kanilang amo.
" Pasensya na po, kayo at hindi ko kayo kaagad nakilala.. akala ko ho!, Isa kayo sa mga tourista na naglilibot dito sa Hacienda!" Nahihiya nitong sabi.
" Okay lang po iyun.. " sagot nya.
" Mauuna na po, kami Manang Susan.." paalam nya sa matanda.
" Guy's.. halika na kayo!" Aya nya sa mga kaibigan na kanina pa naghihintay sa kanya.
Dahil pinuntahan nya si Manang Susan sa dryer area para mag paalam at aalis sila para pumunta sa taniman ng niyog.
Sakay sila ngayon sa golf cart at inilibot sila ni Attorney at pinakilala sa mga manggagawang nandoon.
Pinakita ang proseso ng paggawa ng copra.
Naaliw sa panonood ang apat na magkakaibigan sa paggawa ng copra.
Mag gagabi na kaya bumalik na sila sa mansion.
Nang nasa lamesa sila para maghapunan ay napanganga sila dahil marami talaga ang mga pagkain na inihahanda sa kanila.
"Ne.. mukhang tataba ako dito!" Natatawang sabi ni Lorenzo.
Kaya ng tawanan ang lahat.
Isa- isa ng umupo ang apat at si Attorney sa lamesa.
Habang nasa kalangitan na sila sa panghapunan nila.
" Attorney.. ano po ang cellphone number ni lolo? Tanong ni Nene na bigla na lang tumingin sa kanya si Attorney at tila nag- iisip.
'Gusto ko po sya makausap.. Attorney!" Sabi nito.
" Titignan ko lang Ne, kung papayag ang lolo mo. Sabi nito.
" At lahat ng mga hinain mo.. ay makakarating sa kanya.. wag kang mag- alala dahil apo kanya at magpapakita sa'yo ang lolo mo!" Paniniguro nito sa kanya.
Kaya ngumingiti ito at pinagpatuloy ang kanilang hapunan.
Nang matapos na sila sa pagkain ay pumunta sila sa likod ng mansion.
Meron kasing swimming pool at malaking bahay tambayan.
Kaya nasa tambayan kami at nag- uusap.
" Ne, Tourism pa ba ang kukunin mo?" Tanong ni Angel kay Nene habang kumakain ng Tsokolate.
" Nag- iba na ang gusto ko, Gel. " Sabi nya at kumakain ng Marang at Durian.
"Dahil ngayong dapat ko ng pag- aralan ang pagpapatakbo ng hacienda." Dagdag pa nya.
" Kukunin kong Course ay business management. " Sabi nya sabay tayo para pumunta sa kilid ng swimming pool at umupo doon.
Pinagmasdang nya ang ilalim ng swimming pool na kahit madilim ay nakikita parin ang lalim dahil sa ilaw na nasa ilalim ng swimming pool.
" Pupunta tayo bukas sa city at maghahanap ng kolehiyo para makapag enroll na tayo!" Sabi ni Nene sa lahat.
" Kaya pag- isipan nyo na kung anong course ang kukunin nyo!' Sabi nya at humarap sa mga kaibigan na nasa tambayan at tinitignan sya.
Pagkatapos nyang sabihin iyun ay binalik na nya ang paningin sa swimming pool.
Dahil maraming pang mga mangyayari sa buhay nila at darating kaya kailangan ni Nene na maghanda.
Pagkatapos nilang tumambay sa swimming pool ay pumasok na sila sa mansion at nagsitulog na kani-kanilang mga kwarto.
Habang nasa kama na si Nene ay naalala nya ang kanyang mga magulang at muling dumaloy ang kanyang mga luha.
Kahit isang buwan na ang nakalipas ay hindi parin sya makapaniwala na wala na ang kanyang mga magulang.
Natulungan nyang basa ang mukha sa kakaiyak dahil na mi- miss nya ang mga ito at lalung-lalo na si Jhon.
Na ilang araw ng di tumatawag sa kanya.