KINUBUKASAN maaga palang ay handa na ang magkakaibigan na pumunta ng city para maghanap ng mapapasukan nilang kolehiyo.
Marami silang napuntahan bago pinili nila ang University of Davao para doon magpa enrolled.
Parehong kumuha ng business management sina Nene at Lorenzo samantala sina Angel at Lovely ay nurse ang kanilang kinuha.
Masaya ang lahat ng matapos makapag enrolled agad naman silang bumili ng kanilang school uniform.
Sagot lahat ni Nene ang kanilang gastos sa pagpapaenroll.
Kung tutuusin ay barya lang ito sa kanya ang importante lang ay makasama nya ang mga kaibigan.
Dahil sila lang ang isa sa tumutulong para makayanan nya ang lahat na nanyayari sa kanya.
Isang linggo na lang at pasukan na.
Nang sabihin ni Attorney na mayroon handaan ang hacienda. Dahil uuwi ang lolo nya na galing America at ipapakilala sya sa lahat ng mga taong nakakilala sa pamilyang San Pedro at pamilyang Smitch.
Akala nya ay matitis sya ng kanyang lolo na hindi makita o makasama.
Kaya excited sya na makita at makasama ito sa Hacienda.
Kaya sa dalawang araw ang paghahanda para sa party na gaganapin sa mansion.
Lahat ng mga tao ay abala sa mga gawain kaya silang magkakaibigan ay tumutulong na din sa paghahanda ng mga pagkain.
" Ne, nakita mo na ba ang mga damit na susuotin natin bukas?" Tanong ni Angel.
" Di pa nga, at ang sabi ni Attorney ay may mga gown na darating.." sagot nya kay Angel.
" Manang Yuli...Okay na po ba ang guest list?" Tanong nya kay Manang Yuli na abala sa pagtuturo sa mga kasamahan nagtatrabaho.
" Opo.. señorita ang lolo nyo ang nag- imbenta sa kanila. Sabi nya kaya tumango na lamang si Nene dahil wala nga naman syang alam sa mga ganyang bagay.
Kaya buong araw silang abala dahil sa susunod na araw na ang kanilang handaan.
Kinubukasan ay maagang gumising silang lahat at tumulong sa pag- aayos ng Mansion.
" Señorita, pwede naman po na huwag na kayong tumulong sa pag- aayos dito." Sabi ni Manang Yuli na agad naman ngumiti si Nene sa kanya.
" Manang Yuli, okay lang po sa'kin na tumulong dito. Dahil lumaki po akong tumutulong kay Tatay Carlo sa paghihiwa ng mga ingredients kung may lulutuin sya."
" Hindi nya ako pinalaki na titingin lang sa mga taong nagtatrabaho, At masaya po ako sa ginagawa ko Manang Yuli." Wika ng dalaga.
" Napakabait talaga ni Sir Carlo at pinalaki kang mabait at masipag na bata!" Sabi ni Manang Yuli.
" Nang dumating ako dito sa Hacienda ay mag anim na taon palang si Sir Carlo. Kaya nag mag- aasawa muli ang lolo mo ay tinanggap nya si Ma'am' Venian at ang anak nitong si Bryan.
Kaya ng umalis ang lolo mo ay kinawawa nila ang ama mo!" Naluluha sya sa pagkukwento.
"Matgal na syang nagtitimpi sa kanila at hindi sya lumaban kapag binubogbog sya ni Bryan." Dagdag pa nya.
" Salamat po sa inyong Mister, Manang at natulungan nyo si Tatay Carlo." Madamdamin pasasalamat ni Nene sa mayorduma.
Masayang nag- uusap sina Nene at ni Manang Yuli ng biglang nagsalita si Attorney Noel sa likod nila.
" Excuse me.. ladies, Ne. Nakahanda na ang mga gown na susuotin nyo at nasa itaas... Puntahan nyo na lang at tignan kung kakasya sa inyo para mapabago agad!" Kaya agad na tumango si Nene at tinawag na nya ang mga kaibigan.
Pumunta agad ang magkakaibigan sa itaas kung saan nanduon ang kanilang susuotin mga gown.
Nasa malaki silang sala sa itaas kung saan nanduon ang Apat na manikin at ang bawat isa may mga suot na gown.
Lumapit sa kanila ang passion designer at ngumiti ito sa kanila.
" Hi, good evening Ma'am Catherine.. ako po si Catrina at ako ang inyong passion designer.
"Señorita Catherine ang susuotin nyo po ay itong navy blue na long gown with off shoulder lace" Saka itinuro ang gown na susuotin niya.
" Wow.. napakanganga ako dahil sa maganda talaga ang mga susuotin namin mga gown.
Pareho kaming mga gown ang susuotin namin tatlo ngunit magkaiba sa mga colors na gagamitin namin.
Kay Angel ay purple, at kay lovely naman ay pink. Kaya nagsilapit kami sa mga manikin na nakasuot ngayon ng mga gown.
"Maganda po.. napakaganda naman nito!"
Habang hawak ko ang damit na susuotin ko bukas ng gabi.
Napakaganda talaga.
Si Lorenzo naman ay American suit na color black.
Kinuha nila ang mga gown na nasa manikin at pumunta na kami sa mga kwarto namin. Para suotin ang mga gown at tinulungan nila kami.
Nang naisuot ko na at tumingin sa malaking salamin na nasa kwarto ko ay bagay-bagay na sakin. Lumalabas ang pagkaputi ko sa suot kong gown.
Nagpaikot- ikot ako habang pinagmasdang ko ang sarili ko sa salamin.
" Okay... Na po ba sa'yo iyan!. Miss Catherine? " Tanong ng babae na uma- asis sa akin sa pagsuot ng gown.
" Oo, okay lang sa'kin ang gown..." Sabi ko sa kanya.
" Ne!" Tawag sa kin ni Angel at lovely. Na nasa pinto ng kwarto.
" Tapos ka na ba?" Tanong ni Lovely.
" Oo, pasok kayo..." Sabi ko sa kanila.
Binuksan nila ang pinto at pumasok sila sa kwarto.
" Wow., Ne. Mass lalung lumitaw ang ganda mo, Ne. Sa suot mong gown!" Nagagandahan sabi ni lovely kay Nene.
" Friend.. ang ganda mo!" Sabi naman ni Angel.
" Thanks... " Sagot ko sa kanila.
" Bakit ako lang yata ang nakakarinig ng pangpupuri eh..maganda naman ang mga gown na suot nyo." Sabi ko sa kanila.
Kaya lumapit ako sa kanila at niyakap ng mahigpit na mahigpit.
" Salamat sa inyo.. ha, at hanggang dito ay sinundan nyo parin ako!" Ang madamdamin kong pasasalamat sa kanilang dalawa.
" Ikaw pa ba. Kaibigan ka namin.., alam mo iyan. Kahit na maghirap ka pa o maging tagapagmana ka pa. Nandito lang kami sa likod at lagi ka namin supportahan. " Ang naiiyak na sabi ni Angel.
Kaya mas niyakap ko pa sila.
Nang matapos na ang pagsusuot ng gown ay hinubad din namin Ito.
Nang matapos na ay bumababa kami para maghapunan.
Gaya ng dati ay di parin kami na kaka adjust sa mga handa nila. Dahil mas dumoble pa ang mga pagkain na nasa mahabang lamesa.
Umupo na kami at nagsimula na ng kumain.
" Ne, kamusta ang pag- enroll nyo, ng mga kaibigan mo? Tanong ni Attorney Noel na kaharap sa'kin.
" Okay lang po, Attorney Noel. Malapit lang pala ng school sa hacienda kaya di po kami mahihirapan pagpumasok na kami sa school." Sagot nya attorney.
" Mabuti naman kung ganoon." Sagot naman ni Attorney.
Natapos na ang pagkain namin at nagkaayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa likod ng mansion.
Nasa tambayan kami at gumagawa ng siga si lorenzo gaya ng ginagawa namin kapag nasa isla kami.
Tumutuhog ng marshmallow at masayang nag- uusap hanggang sa napag-usapan namin si jhon.
"Lorenzo, nakatawag na ba si Jhon sa'yo?" Mahinang tanong ni Nene.
" Di na sya nag te- text sa akin. Ne!" Sagot nya.
" Bakit kaya?"
" Di ko rin alam?" Sagot nya na nagbigay lang sa akin ng maraming katanungan kung bakit di sya nagpaparamdam pa.
"Ne, wag mong masyadong isispin si Jhon. Alam ko na kapag may oras sya ay tiyak na kakausapin ka nya. " Payo naman ni Angel.
" Wow... Gel, mukhang nagising ka na yata ah!" Nagsusimula naman mag painis si lorenzo kay Angel.
" Na ano?" Tanong ni Angel na nakatitig na kay lorenzo.
" Ilang araw pa lang tayo nandito ay nakalimutan mo na. Na iniiyakan at sinasabing crush mo si JHON nun sa tabing dagat." Idiniin pa ni lorenzo ang pangalan ni Jhon kaya umiinit na naman ang ulo ni Angel.
" Hoy, Lorenzo... Wala ka ng pakialam kung mag ka crush ako sa kanya." Sigaw nya at nilapitan na nya si Lorenzo sabay hila ng buhok nito.
" Ahhhh. Arghhhh. "Sigaw ni lorenzo na patuloy parin sa ginagawa si Angel.
" Para kayong mga pusa at aso.. wala ng araw na hindi kayo ganyan.. " Naiinis na sabi ni Lovely.
Habang nakatitig naman si Nene sa kanila. Di na nya alam kung maiinis ba sya o magagalit, o matatawa sa mga pinaggagawa nila.
Dahil palagi naman ganyang ang dalawa.
Palagi lang kasi binabara ni lorenzo si Angel.
Palagi kaming nasa tabi ng dagat at kapag nakakita kami ng mga foreigner na lalaki ay agad naman. Sasabihin ni Angel na crush nya agad iyun.
Tapos maririnig mo na lang nag- aaway na silang dalawa. Kung di lang dumating si jhon sa isla ay akala na namin ni lovely ay magpaparamdam na si Lorenzo kay Angel.
Kaya lang ay nag- iba ang ihip ng hangin ng dumating si Jhon ay agad naman nabaling ang attention ni Angel kay Jhon.
Kaya nun time na nag- aminan na ng crush ay nasabi din ni lorenzo na gusto nya si Angel kaya lang.
Madaling mahulog kasi si Angel kaya maraming pagdadaanan itong si lorenzo.
Kaya napabuntong hininga na lamang si Nene at inakbayan si lovely para pumasok na lamang sila sa Mansion at iniwan ang dalawa na nag- aaway.
Hanggang iyan lang naman ang kayang gawin ng dalawa ang mag- asaran at magsabunutan.
Pumasok na kami sa kwarto namin ni lovely.
Pero bago ako sumampa sa kama ay pumunta muna ako sa balkunahe at tumingin sa langit.
Maraming bituin ang nasa langit kaya napatingin ako sa dalawang malalaking bituin.
Na agad naman akong napaluha dahil ang pakiramdam ko ay sina tatay at nanay ang malalaking bituin na tumitingin sa akin.
Ilang segundo pa akong nasa balkunahe ng marinig ko na may kumakatok ng pinto.
Kaya agad kung binuksan iyun at nakita ko si lovely at angel na may dalang unan.
" Ne.. pwede ba dating gawi?" Nahihiyang tanong nina Angel at lovely, na agad ko naman nakuha.
" Ano bang tanong iyan!" Sabi at niyakap ko sila at tuluyan naman akong umiiyak dahil miss na miss ko na ang mga magulang ko.
Nagyakapan kaming tatlo na di ko na alam kung anong minuto bago humupa ang pakiramdam ko.
Nasa kama na kami at nagkukwentuhan kung anu-ano tungkol sa isla.
Hanggang sa tumatawa na lamang ako dahil sa mga kwento namin nun nasa isla kami kung paano kami tumakbo dahil hinahabol kami ng aso. Dahil nagka Caroling kami at umakyat sa puno ng mga Mangga hanggang sa pina-alis na ng may- ari ang kanyang alagang aso na syang tumatahol sa amin.
Nakatulog kami na may ngiti sa amin mga labi. Ang isip at puso namin ay isa lang batang naghahangad ng pagmamahal at pag- aaruga ng magulang.