Chapter 22.

1144 Words
NAGISING ako sa sikat ng araw kaya napatingin ako sa orasan. Mag- alas otso na ng umaga kaya napabangon ako. Tinanghali kami ng gising dahil sa kaka emote ko at sa kwentuhan namin nun nasa isla pa kami. Bumangon na ako at nakita kong tulog na tulog parin ang mga kaibigan ko. Kahit apat pa ang matulog sa kama ay kakasya pa dito, dahil sa napakalapad ng kama. Agad naman akong pumunta sa banyo at naligo. Nang makatapos na akong maligo at nagbibihis na ay gising na pala ang dalawa at umalis na sa kwarto. Nauna akong bumababa at nakita ko si Manang Yuli na naghahanda na ng agahan at si Lorenzo ay nasa lamesa na. " Magandang Umaga, Ne." Bati sa akin ni Lorenzo. " Magandang Umaga din, Lorenzo. " Lumapit ako sa tabi nya. Kadadating lang ni Attorney at sinalubong na nya ako ng bati. " Magandang Umaga sa'yo, Ne. " Lumingon ako sa kanya at papalapit na sya sa lamesa. " Magandang Umaga din sa'yo, Attorney!" Bati ko sa kanya. Umupo ito sa lamesa at sumandok ng pagkain. " Ah, Attorney. Saan po kayo nakatira?" Tanong ko sa kanya dahil araw- araw syang nandito at dito rin kumakain. " Uhmm.. dito ako nakatira dahil nun mag- umpisang hinanap ka namin ay dito na ako pinatira ng lolo mo!" Sabi nya at ngumiti pa. "Eh, nasaan ang bahay mo?" Tanong ni Lorenzo. " Malapit lang, nilalakad ko lang pagpumupunta ako dito." Sagot nya na habang kumukuha ng hotdog at itlog na nilalagay nya sa pinggan kakainan. "Ahmm, ilang taon na ho kayo?" Tanong ko. Sa tingin mo Nene, ilang taon na ako?" Na ngumingiti sya habang kumakain. " Nasa 45 + na kayo.. kasi mukha kayong matanda!" Sabi ko sa kanya. Na tumawa sya. " No, no!" Sabi pa nya at nagpalinga-linga pa ng ulo at ngumingiti na nakakaloko. " Eh, 35+! Sabi ko sa kanya. At tumawa sya. " No... Ang tanda ko naman sa edad na iyan. " 28+" Sabi ni Angel na ngumingiti at kasama nya si Lovely na papalapit sa amin. Na bigla din kaming napalingon sa kanila. "Malapit ka na, Angel." Ngumunguya ito na ngumingiti parin. " Bukya na po. " Sabi ko. " 27, years old na ako." Sabi nya at sabay subo ng pagkain. "Magandang umaga sa inyo Angel at lovely." Bati ni Attorney sa dalawang bumaba. " Good morning attorney." Sabay sabi nila. " Paano po na dito kayo nakatira, Attorney?" Tanong ko sa kanya. " May ibinigay si lolo mo na isang bahay at malapit lang. Kahit lalakarin mo ay pwede. " " Kaya dito ako kumakain ay walang nagluluto sa bahay ko." Sabay kagat ng hotdog. " Uhmm!.. sabay namin sabing apat. Nang matapos na ang almusal namin ay marami ng mga tao ang nagtatrabaho at nag lalagay ng design sa buong paligid. Nasa likod ang venue pinalibutan nila ng mga magagandang bulaklak ang paligid ng swimming pool. Nilagyan din nila ng mga telang kulay gold at white ang lamesa. Ngayon ay ina- ayos nila ay ang sound system na gagamitin mamaya at kung anu-ano pa. Naglibot kami at nanonod ng kanilang ginagawa ng makita namin ang dalawang taong karga- karga ang isang buong baboy na nakatuhog na sa kawayan. Kaya sumunod kami sa kanila at napunta kami sa malayo- layo na sya Mansion. Meron bahay- bahayan na walang dingding at doon niluluto ang mga baboy na le- lechonin. Marami pa palang mga baboy ang nakasalang na at may baboy pang paparating. Pumunta kami sa mga taong naka- upo at hinawakan ang kawayan na nakatuhog sa baboy at pinaiikot nya. Matagal ko ng gustong gawin ang magpaikot ng baboy habang niluluto. Habang nanood ako at na- para bang kumakalam ang mga kamay ko na magpaikot ng baboy. Di na ako makatiis habang nanood kaya kina-usap ko na ang isa sa mga taong nagluluto ng lechon. " Manong, pwede bang magpalit muna tayo.. gusto ko lang magpaikot ng lechon baboy. Kahit na mainit na mainit dahil sa nagbabaga ang mga oling na nakapaligid sa mga baboy ay nagpumilit ako. " Señorita, baka pagalitan ako kapag ikaw ang pumalit sa akin dito." Nag- alala nyang sabi. " Ano ka ba Manong, okay lang iyun.. wag kang matakot.walang may magagalit sa'yo!" Paniniguro ko sa kanya. Nang umalis sa pagkakaupo ay ako na ang umupo sa kinauupuan nya at nagpaikot na ng baboy. " Wow, ne.. kayang- kaya ah." Sabi ni Lovely patuloy Lang ako sa pagikot ng baboy. Nang pumalit ako sa pagpaikot ng baboy ay namumula na ito. Kaya kunting oras nalang ito ay maluluto na. "Ne, ako rin..!" Sabi ni Angel na gusto din magpaikot ng kawayan. " Ako din. Ne!" Sabay na sabi ni Lorenzo at lovely. " Teka- teka.. sandali at tatayo ako. At nagunahan ang tatlo. " Hinay- hinay kayo baka- madisgraya kayo ha!" Paalala ko sa kanila. Naunang umupo si Angel at sya ang nagpaikot ng kawayan. At may inilabas si Lorenzo ng kodak. At kinuhanan nya ng litrato si Angel. " Ang daya mo naman, Lorenzo si Angel kinuhanan mo si Nene. Wala!" Pagtatampo ni lovely na agad kong tinawanan. " Ano ka ba, lovely. Masisira mo ang moments nila" kinikilig kong sabi. Para kasing mga aso't pusa ang mga ito. Kagabi nag- aaway ngayon daig pa ang mag- syota sa isat-Isa. Dahil patuloy lang sa pag po- post si Angel na patuloy din sa pagkuha si Lorenzo. " Ang baboy.. luto na! Sigaw ni Lovely na agad naman tumigil ang dalawa at pinagpatuloy ang pagikot ng kawayan. " Hahaha,hahaha.... " Nagtawanan kami ni Lovely. Maya- maya ay naluto narin. Dinala nila ito sa kilid kung saan nanduon ang maraming mga baboy ang naluto. "Nakakatakam naman iyan lechon na iyan!" Sabi ko at may nakita akong biyak kaya kumuha ako ng balat nito at kinagat. " Uhmm, sarap naman. Napa ka crunchy ng balat.. ang sarap!" Sabi ko at kumuha din sina Angel, lovely at si Lorenzo. Kumakain kami ng biglang dumating si Attorney. Mga bata mag handa na kayo at para sa mamayang gabi. " Teka, masarap ba?" Tanong nya sa amin. " Uhmmm. Oo Attorney, ang sarap ng balat ng baboy!" Sagot ni Angel. Lumapit si Attorney sa mga nakahilerang mga naluto na at kumuha din sya sa pinagkuhaan namin. " Tara na... At maghahanda pa kayo!" Sabi nya at ngumunguya rin ng balat. Naglalakad kami pabalik sa Mansion na may hawak na balat ng lechon. "Nene, may supresa daw ang lolo mo sa'yo." Sabi ni Attorney. " Supresa?" Tanong ko sa kanya habang kumakagat ng balat ng lechon at ninanamnam ang sarap nito. " Oo, supresa.. may tao daw na naghahanap sa'yo at kilala ang ama nya, Kaya makakapunta sya dito sa mansion." Sabi pa nito. " Sino man naman iyun?" Tanong ko sa kanya na e-excited din kung sino man, Ang nais akong makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD