NANG dumating kami sa mansion ay malapit na silang matapos sa pag- aayos.
Malapit ng gumabi at ngayon lang kami naka balik sa mansion dahil sa pag- gagala namin magkakaibigan. Kung saan-saan na kami nagpupunta dahil sa pag- eenjoy sa pag- gagala kaya di namin namalayan na nandito na ang mga taong mag- aayos sa amin.
Lahat ay nakahanda na para sa event mamaya kaya pumunta na kami sa aming kwarto at nagsiligo na kaming tatlo upang ayusan.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko at ina- ayusan. Naka suot kami ng bathrobe at pinaupo sa upuan at nilagyan na ng make-up.
Bawat isa sa amin ay may taong nag ma- make- up. Kaya mabilis lang na natapos kaming tatlo.
Nang matapos na ang make - up ay hairstyle namin tatlo. Ibat-ibang hairstyle ang ginawa sa amin.
Ang sa akin ay nakalugay ang buhok na naka tinirintas sa itaas at nilagyan ng maliit na tiara.
Ang sa dalawa naman ay naka bun ang buhok.
Nang matapos na ang pag- aayos sa amin ay nagsitayo na kami sa harap ng salamin. At tinitignan namin ang aming mga sarili.
Napuno ng tawanan ang sandaling iyun.
Napaka cute ni Angel, at si lovely naman ay naman ay lumilitaw din ang kagandahan nito.
" Ne, ang gaganda naman natin."Manghang sabi ni Lovely habang nakatingin kami sa salamin.
" Ngayon lang kami naka- suot ng mga ganito, Ne." Sabi ni Angel at nag po- pose pa.
Nang biglang kaming napatalikod ng narinig namin ang boses ni lorenzo nasa pinto ito at nakatayo.
" Ahmmm, Ang gaganda nyo naman Tatlo, sabi ni Lorenzo habang nakatitig kay Angel.
" Uhmm, uhmm, na syang napa- ubo kay Lovely.
" Baka lumabas na iyan mga mata mo, ha!" Sabi nya at namumula na.
Nagkatinginan kami ni lovely at nagkangitian sa kanilang dalawa.
" Ahmmm! Ne, Guy's. pinasasabi ni Attorney ay bumababa na tayo dahil mag si- simula na." Biglang bawi ni Lorenzo, na di pa rin umaalis ang mga mata na nakatitig kay Angel.
" Halika na kana lovely at tumatagal na tayo dito dahil nakakaistorbo na tayo sa dalawa!" Kaya hinila ko na si lovely at naiwan si Angel na nakanganga kasama si Lorenzo.
" Ang daya nyo naman!" Sabi ni Angel na agad din sumunod sa amin ni lovely.
Naiwan si lorenzo na ngumingiti sa asta ni Angel.
" Kayo girls, ha.." sabi nya ng nasa tabi na namin habang naglalakad palabas ng mansion.
Maraming mga tao ang nakakalat sa mansion at bawat isa ay may mga hawak na wine sa kanilang mga kamay.
" Ne, nahihiya ako. Bulong ni Lovely sabay hawak sa aking kamay.
" Ako rin, Ne. " Sabi naman ni Angel.
" Eh, ang yayaman ng mga taong nandito ngayon sa mansion mo, Ne!" Sabi naman ni Angel na kinatango ni lovely.
" Ano ba, kaibigan ko kayo... Wala ako dito kung wala kayo." Sabi ko sa kanila.
"alam nyo naman na hindi ko lang kayo kaibigan. Dahil sabay tayong lumaki at magdalaga sa isla kaya subra na sya sa pagkakaibigan ang turingan natin, higit pa sa tunay na magkapatid diba." Dagdag ko.
Kaya niyakap nila ako ng mahigpit na mahigpit.
"Dahil nga sa nanyari sa mga magulang ko ay baka ano na ang nagawa ko sa sarili ko. Kung ako lang mag-isa sa buhay kaya nagpapasalamat ako sa inyo at dahil nandyan kayo at sinasamahan ako." Dagdag ko kahit na parang gusto ko na naman umiyak ay pinipigilan ko ang sarili ko dahil naka make-up ako.
" Kaya taas noo tayong tatlo at maglakad na" sabi ko at hawak ko ang kanilang mga kamay habang papunta sa likod ng mansion. Kung saan nanduon ang event's na gaganapin.
Napakalapad ng likod nang mansion kung saan ang venue ng party ay nanduon. Kahit na maraming mga lamesa ang nakakalat sa palagid ay parang di ito napuno.
Maraming mga tao na ang nakaupo sa bawat lamesa.
At ang swimming pool na nandoon ay nagbibigay ganda dahil sa ilaw nito sa ilalim at ang bahay tambayan na nasa kilid ay nanduan din ang isang mahabang lamesa na puno ng mga pagkain. At mayroon isang lamesa na para sa mga lechon baboy na naparami.
Pumunta na kami sa harap ng stage kung saan nanduon si Attorney Noel na naka-upo.
Nang nakalapit kami sa kanya ay agad itong tumayo.
" Ne, mabuti naman at nandito na kayo." Sabi nya sa kinauupuan at bigla nyang hinila nya ang mga upuan na nasa tabi nya.
Kaya umupo kaming tatlo.
" Salamat, Attorney!" Sabay sabi namin tatlo.
At iginala ko ang aking paningin sa buong paligid dahil kahit gabi na ay maliwanag ang ilaw sa paligid kaya kita ang mga taong nandito.
Maraming mga taong mayayaman ang nakikita ko.
" Attorney, ang dami palang inimbitahan si lolo!" Sabi ko sa kanya dahil katabi ko lang ito.
" Oo, pero kaunti lang ang imbitado sa occasion na ito.
" Dahil di na pinapunta ang pamilya ni Ma'am Venian dahil sa kanilang mga nagawang kasalanan." Bulong nya.
"Dahil nun nandito pa si Ma'am Venian at ang anak na si Brayan ay araw-araw may occasion dito." Dagdag pa nya.
" Lahat ng imbitado noon ang pamiya nyang taga Maynila at lahat nun ay sa kanya umaasa." Sabi pa nito.
"Sandali lang, Ne." At tumayo ito at umalis.
Naiwan kami ng mga kaibigan ko sa lamesa at tinitignan ang mga taong nandito.
Lahat yata ay mayayaman ang nandito.
Nakita ko rin na nasa pinakakilid kung nasaan ang mga iba pang mga lamesa ay nanduon ang mga manggagawa.
At Nakasuot ng magagara nilang damit kaya masaya ako para sa kanila.
Tatayo sana ako at pupunta sa kanila ng biglang nagsalita si Attorney sa stage.
Kaya napaharap ako at bigla na lang ako kinabahan dahil nakita ko syang may kasama syang isang matandang lalaki nakasuot ito na puting american suit at puti na rin ang buhok nito at may puting bigoteng mahaba.
" Magandang gabi sa inyong lahat at nais magpasalamat ni Don Nikolas San Pedro sa inyong lahat na dumalo." Sabi ni Attorney at lahat kami ay nakatingin sa stage habang ibinibigay ni Attorney ang microphone sa lolo ko.
" Maganda Gabi sa inyong lahat. Alam ko na sa loob ng Dakawang Dekada ay ngayon lang tayo nagkita muli. Dahil sa aking trabaho sa America at sa nangyari sa aking pamilya.
" Na ang akala ko ay wala na ang nag- iisang anak ko si Carlo!" Sabi nya.
" Sa loob ng Dalawa dekada ay dinamdam ko ang pagkawala ng anak ko na ang akala ko ay ito'y patay na. Pero salamat sa isang kaibigan na nakilala ko sa America at nalaman ko na ang anak ko ay pinatay nitong buwan, Masakit ito sa akin. At nagkaroon sya ng pamilya , meron syang isang anak na babae. Ang apo ko, meron akong apo na naiwan nya. Kaya nais kong ipapakilala sa inyo ang nag- iisa kong apo. Miss. Catherine Smitch San Pedro.. halika iha!" Ang mahaba nyang sabi sabay turo sa akin at naramdaman ko lahat sila ay nakatingin na.
Kaya bigla akong napatayo at kahit na nahihiya ako ay pilit ko parin na umakyat sa stage kung nasaan naghihintay si lolo.
Nang nakalapit ako sa kanya ay nakita ko na umiiyak sya. kaya niyakap ko sya at napa- iyak din ako.
Mga ilang segundo din at pinaharap na nya ako sa stage kaya kita ko ang mga reaction ng mga bisita. Masaya sila at pumalakpak sa akin.
Binigyan din ako ni Attorney Noel ng microphone at kahit na nahihiya ako ay nagpasalamat ako sa kanila.
At humarap ako sa lolo na nagpupunas na ng kanyang luha. Kaya nagsalita na ako sa kanya.
"Sa loob na 16 year ay hindi ko alam na may lolo pala ako. Lumaki ako sa isla at masaya na namumuhay dahil ang tatay Carlo ay mabait at mapagmahal sa amin ni Nanay." Habang nagsasalita ako ay di ko mapiligilan ang umiyak.
"Kaya di ko matanggap na ganoon ang nanyari sa kanila, at ngayon kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa lolo ko. Dahil binigyan nya ng hustisya ang pagkamatay nila." Sabi ko nalang at doon na natapos ang pagsasalita ko dahil hindi ko na kaya pa. Dahil ang boses ko ay umiiba na dahil napipiyok na ako.
Biglang naghari ang katahimikan dahil sa aking iyak at dama ko parin ang sakit na pagkawala nila.
Kaya bumababa na kami sa stage pero di kami bumalik sa kinauupuan namin at nagsimula ng kumain ang mga bisita.
Naglakad kami sa papalayo sa mga bisita at pumunta kami ni lolo sa isang maliit na kwarto kung saan nasa kilid lang ito ng mansion at kami lang dalawa ang pumasok.
Umupo kami ay tinignan ako ni lolo at bigla nalang syang napaluhod sa akin na kinabigla ko.
Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito.
" Apo ko, Catherine.. patawarin mo ako at wala ako sa tabi mo ng pina---- hindi nya matapos ang sasabihin nya dahil napipiyok na ito.
Naluluha ako habang nakaharap sa kanya.
" Lo, wag po kayong lumuhod at wala kayong kasalanan sa akin" at pilit ko syang pina- upo sa upuan.
Kaya umupo ito at hawak parin ang mga kamay ko at nararamdaman ko ang pangiginig ng kanyang mga kamay.
" Patawarin mo ako dahil walang akong nagawa para maipagtanggol ang ama mo sa kamay ni Venian. " Sabi nyang nanapipiyok nitong boses at nagpupunas ng kanyang mga luha.
" Dahil sa aking trabaho ay iniwan ko ang ama mo kay Venian at naging panatag ang loob ko. Dahil ang akala ko ay mamahalin nya si Carlo bilang tunay nyang anak!" Sabi nito at nagpupunas na ng luha.
Ilang taon din ang pagloloko nya sa akin, marami syang dahilan para wag kung hanapin at maka- usap ang anak. Kapag nag- uusap kami ay lagi syang galit ang akala ko ay nahihirapan sya sa Pagpapalaki sa mga bata na sya lang mag- isa.
Ngunit ng nalaman ko na pati hacienda ay hindi nya kaya patakbuhin ay ako rin ang nagpapatakbo. 20 year na ang nakakaraan ay pinalabas ni Venian na namatay sa aksidenti si Carlo. Kaya di ko matanggap iyun at di na ako umuuwi dito sa Pilipinas. At ako parin ang nagpapatakbo ng Hacienda Carlota dito.
Ngunit bigla akong umuwi dito sa Pilipinas dahil may nakilala akong kaibigan sa America.
Nakita ko sa kanyang laptop ang mga mukha ng mag- asawa na pinatay at pina- imbestigahan nya ito. Dahil sa hiling mo sa kanya.
Sa loob ng mahabang panahon ang akala ko ay patay na ang nag- iisa kong anak na si Carlo iyun pala ay buhay at nabubuhay ng mahirap ang kaawang - awang kong anak. Kaya biglaan ang uwi ko dito sa Pilipinas at nakita ang mga papeles na nasa lamesa ng kwarto ni Venian.
Lahat ng nanyayari sa inyong pamilya ay updated sya. Malaya akong naghanap ng evidence dahil nasa labas sila ng bansa kasama si Bryan na itinuring kong tunay na anak. Kaya subra akong nagalit at pinauwi ko sila di ko sinabi na alam ako na ang mga karantaduhan ginawa nila sa anak ko.
Ang laki ng kasalanan ko dahil naniwala agad ako kay Venian na patay na ito. Nang maka-uwi na sila ay pinadakip ko na, sa mga police.
Dahil may ebidensya akong hawak at pineke nila ang mga papeles na ang mga ari- arian ay mapupunta sa kanilang mag-ina." Mahabang nitong salaysay sa akin.
" Salamat lo.. at binigyan nyo ng hustisya na ang mga magulang ko." Madamdamin kong pasasalamat sa kanya.
" Lolo, sino po ang kaibigan nyo ang nagpapa- iimbestiga sa kaso ni Tatay at Nanay?" Tanong sa kanya.