"LOLO, sino po ang kaibigan nyo ang nagpapa- iimbestiga sa kaso ni Tatay at Nanay?" Tanong sa kanya.
" Si Mayor Jay Villaflor na syang naging kaibigan ko dahil nakasama ko sya sa isang event at nakapagkwentuhan kami." Sabi nya.
"At bago pa itong pumunta ng america ay may kaso daw syang pinapa imbestigahan dahil naawa sya sa anak ng namatay dahil malapit sya dito. At doon ko nakita na ang dalawang mag- asawa na pinatay ay ang mga magulang mo!!" Dagdag pa nya na biglang nalungkot ang mukha nya.
"Kaya tinignan ko mabuti ang picture sa laptop ni Mayor Jay," Habang namumula ang mukha ng lolo nya.
"Karumal- dumal ang ginawa ni Venian sa mga magulang mo, Iha.. patawarin mo ako at huli na ako, hindi ko man lang nakausap ang ama mo," sabi nito na pinipigilan nitong umiiyak.
" Lo, Salamat po, talaga kay Mayor Jay, at tinupad nya ang pangako nya sa akin!" Sabi ko sa kanya.
" Nabigyan ng hustisya sina tatay at nanay!" Dagdag ko.
"Nga pala ang sabi nya sa'kin na girlfriend ka ng anak nya. Kaya pinapunta ko sya dito para makasama mo sya!" Sabi nito na kinabigla ko.
" Ano po.. ang sabi nya girlfriend ako ---- di ko na natapos ang sasabihin ko ng may mag ring ang cellphone ni lolo.
" Teka , apo at sandali lang... Dahil may hinihintay akong tawag. Sabi nya sabay sagot ng tawag.
" Kumpare.. nandito na kayo!" Ah, mabuti naman at lalabas na kami ni Catherine!" Sabi nya na ngumingiti.
" Hahahahaha... Lalabas na kami." Sabi nito at pinatay na ang cellphone.
" Halika kana, Ne at nandito na si kumpare.. " Sabi nya.
" Sino po iyun lo?" Tanong ko sa kanya.
" Kumpare, Mayor Jay. " Hahaha.. bagay kayo ng anak nya.. kaya buto ako sa inyo. Kaya halika kana at dumating na sila!" Sabi nya at tumayo na ito.
" Lo, mali- " di ko natapos ang sasabihin ko dahil nauna ng lumabas si lolo.
(Ano , girlfriend ako ni Damian.. oh, no.. malaking pagkakamali ito. Bigla na lang sumakit ang ulo ko sa pinagsasabi ni lolo.)
Lumabas na kami at nakita ko na patuloy parin sa pagkain ang mga bisita, at nakita ko sina Mayor Jay at si Damian na nakatayo malapit sa swimming pool at hinihintay kami ni lolo.
" Kumpare, kamusta ang byahi? Tanong ni lolo Kay Mayor Jay.
" Okay lang kumpare." Sagot nya at tumingin sa'kin.
" Kamusta ka na Ne?" Tanong nya sa'kin na ngumingiti.
" Okay lang po ako Mayor Jay, kayo po." Magalang kong sagot sa kanya.
" Okay, lang. " Sagot ni Mayor.
" Salamat po sa inyo, Mayor at nagkita kami ni lolo. At binigyan ng hustisya sina tatay at Nanay!" Madamdamin kong sagot sa kanya.
Na agad nya akong tinapik- tapik sa balikat.
" Ano kaba, Ne.. magiging pamilya naman tayo, kaya dapat lang magtulungan. " Sabi pa nya na napatitig ako sa kanya.
" Hi, Ne. Kamusta kana?" Tanong ni Damian na nakangiti at lumapit sya sa akin ng bigla na lang na niyakap nya ako. Na kinabigla ko sa ginawa nya. Pero pilit ko parin nakangiti sa ginawa nya dahil nandyan sina lolo at si Mayor Jay na ngumingiti din.
" Apo, kunin mo si Damian ng pagkain!" Sabi ni Lolo kinatango ko na lang.
" Halika kana." Sabi ko at iniwan na ang dalawa na masayang nag- uusap.
Pumunta kami sa lamesa na nilalagyan ng mga pinggan at kubyertos.
" Anong sinasabi ni lolo na Girlfriend mo ako?" Tanong ko kay Damian na sumusunod sa akin.
" Magiging boyfriend mo naman ako Ne, ah.. " Sabi nya.
" Anong pinagsasabi mo?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
Kumuha ako ng dalawang pinggan at ibinigay ko sa kanya ang isa.
" Bakit di ba?" Tanong nya at kumukuha na kami ng pagkain sa lamesa.
" Wala pa sa isip ko iyan " sagot ko sa kanya.
" Bakit si Jhon, ba!" Sagot nya sa akin na tinignan ko sya ng masama.
" Bakit napasok si Jhon dito !" Tanong ko sa kanya. Habang patapos na kami sa pagkuha ng pagkain at nakita ko sina Lorenzo, angel at lovely na nakatingin sa aminn ni Damian.
Kaya lumapit ako sa kanila.
Inilagay ko ang dala kong pinggan sa lamesa.
" Oh, Damian... Bat ka nandito?" Tanong ni Angel na nakatingin kay Damian.
" Bakit, bawal ba?" Tanong balik ni Damian kay Angel.
" Gel, Guy's.. makainig muna kayo sa kin " awat ko sa kanila.
" Si Mayor Jay ang kaibigan ni lolo!" Sabi ko at umupo na sa lamesa at umupo ko din si Damian.
" Si Mayor Jay ang syang dahilan kung bakit nakita ni lolo si Tatay dahil pinapa- imbestigahan nya ang pagkamatay nila!"paliwanang ko sa kanila. Na unti-unti naman lumiliwanag ang pagmumukha nila.
" Kaya heto sya at katabi ko!" Sabi ko at sabay subo ng pagkain.
Na tumatango lang ang tatlo sa sinasabi ko.
" Ne, may supresa sana kami sa'yo!" Sabi ni lorenzo na lumilinga na ang ulo at tinitignan ang cellphone na hawak nya.
" Sino?" Tanong ko sa kanya.
" Secret, malalaman mo lang iyun. Kapag nagkita na kayo!" Sabi nya.
" Kaso ang tagal nya!" Sabi pa nya at tumingin aa kanyang cellphone.
"Sandali at aalis muna ako." Sabay tayo at umalis sa lamesa.
Kaya tinignan nilang lahat si lorenzo na umalis. Nang di na nila makita si lorenzo ay bumalik na sila sa kanilang kinakain.
Nang maya-maya ay bigla akong may naramdaman kakaiba sa paligid at bigla ko nalang naramdaman ang lakas ng t***k ng puso ko. Kaya inilinga ko ang ulo ko kung saan pumunta si Lorenzo at nakita ko si Jhon na nakasuot ng itim na damit.
Kaya napatayo ako at tumitig sa kanya.
Nagkatitigan kami ni Jhonn ang lakas ng dating nya sa akin. Subra ko na syang na mi- miss kung di lang mabigat ang gown ko ay tumakbo na ako at niyakap sya.
Sa subrang lakas ng t***k ng puso ko ay hindi ko na marinig ang ingay ng mga tao. Kundi puso ko ang naririnig ko habang papalapit sya sa amin. Habang naglalakad sya para syang nag Slo- slow mo sa paningin ko.
Nang maramdaman ko ang kamay ni Damian hawak nya ang kamay ko.
Kaya napatingin ako kay Damian at muling napatingin kay Jhon na nasa harap ko habang nakatingin sa kamay ni Damian.