Chapter 25.

1090 Words
Nang maramdaman ko ang kamay ni Damian hawak nya ang kamay ko. Kaya napatingin ako kay Damian at muling napatingin kay Jhon na nasa harap ko at nakatingin sa kamay ni Damian. Bigla nalang akong may naramdaman tensyon sa dalawang lalaki, kaya hinila ko na ang kamay ko na hawak ni Damian at nakatingin kay Jhon. " Uhmmm, Jhon. Kamusta kana!" Nakangiting kong sabi para pawiin ang nararamdaman kong tensyon sa kanila. " Okay, lang. Ne, ikaw?" Tanong nya sa akin na ang kanyang mga mata ay nakapako parin kay Damian. Umalis ako sa'kin kinatatayuan at lumapit kay Jhon. " Kamusta na si Aling Mary?" Nakangiting kong tanong at dinala ko na sya sa lamesa kung nasaan ang mga pinggan at kinuhaan ko sya. " Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang itinuro ang mga pagkaing sa lamesa. " Ikaw." Sabi nya na napatitig ako sa kanya na namumula. " Ako na bahala sa pagkain mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya. " Di naman ako gutom eh!" Sagot nya na ngumingiti pa. " Ay,... Sige na. Turo mo na at kukunin ko!" Sabay hawak ko sa kanyang kamay at itinuturo sa lamesa. "Pero nakatitig lang sya sa akin. Pwede ba na mag- usap muna tayo na." Sabi nya sa'kin na ramdam ko ang mga titig nya. Nagbibigay sa akin ng hindi ko maipaliwanag na kaba itong nararamdaman ko ngayon. "Pwede naman pero mas maganda kung kumain ka muna." Pilit kung kinakalaban ang presinsya nya kaya kumuha na lang ako ng kanin at ulam. At dinala na sya sa lamesa namin. Habang sya ay sumsunod lang sa'kin. Naka-upo na kami at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Habang tinatabihan ako ng dalawang lalaki na kung nagkatinginan sa isat-Isa ay parang kunting sindot na lang ay handa ng magkarambulan. Nararamdaman ko din na subrang tahimik nv lamesa namin. At nakikiramdam sa kung anong mangyayari sa susunod. Kaya naman ay binasag ko na ang tahimik namin. "Jhon, kasama mo ba si Aling Mary?" Tanong ko sa kanya. " Ayaw nya at marami syang trabaho." Seryoso nyang sabi at tumanggo- tango lamang ako. " Anong Course ang kinuha mo, jhon?" Tanong ko sa kanya habang kumakain sya. " Criminology, ikaw?" Tanong nya sa'kin habang nakatitig na para bang may nais syang sabihin. " Business management, pareho kami ni lorenzo ng course na kinuha." Nakangiting kong sabi. " Kamusta kana, Jhon." Tanong naman ni Angel at ngumingiti sa kanya. Kaya lang ay agad naman tinitigan ni lorenzo si Angal na para bang bina block nya ang mukha para di nya makita si Jhon. " Lorenzo, wag kang OA kanina kapa!" Saway ni Angel at muli na naman sya ngumingiti kay Jhon. " Angel, may lorenzo ka na.. " Pa ubong ginawa ni Lorenzo sabay subo ng pagkain. Kinatawa ko at si lovely na hindi naman na gets nina Jhon at Damian. Puro kalokohan talaga ang dalawa. Isa- isa ng umaalis ang mga kasama namin sa lamesa at naiwan nalang kami ni Jhon at Damian. Dahil nga kami ang huli sa pagkuha ng pagkain. Napakatahimik talaga kaya luminga- linga ako sa paligid at kumukunti na ang mga tao. Dahil naglalakad sila sa palibot ng mansion at Tumitingin- tingin sa paligid at masayang nagkukwentuhan. Nang makita ko si lolo na papalapit sa amin mesa. " Apo, Damian..." Nakangiti ito at napatingin kay Jhon. " Ah, si Jhon.. po lo, kababata ko sa isla." Pakilala ko sa kanya. " Jhon, ang Lolo Nickolas ko." Sabay tayo. " Magandang Gabi po.. Jhon po. Kababata ni Nene sa isla. " at nakipagkamay si Jhon kay Lolo Nickolas. " May kasama ka ba ng pumunta dito?' tanong ni Lolo Nickolas. "Ako lang po ang mag-isang pumunta dito," magalang nyang sagot. " Ah, ganoon..mag i- injoy ka dito.. " nakangiting sabi ni Lolo. " Nga pala Apo.. Pagkatapos ninyong kumain ay pag-usapan natin ng tito mo Jay ang engagement ninyo ni Damian. Ha.." Masaya nyang sabi na kinabigla ko naman at ni Jhon. " PO... , ENGAGEMENT KAY DAMIAN." Bigla akong napasigaw sa sinabi ni lolo Nicholas. "Oo, apo! kaya tapusin mo na ang pagkain nyo. " Pagkasabi nya ay umalis ito at iniwan kami na para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. " See! tayo, parin. Ne!, Nakangiting sabi nito at tumingin kay Jhon na bigla na lang tumayo at umalis. " Teka, Jhon.. wag kang umalis." Sigaw ko at sinundan sya. Nakita ako nina Lovely, Angel at Lorenzo na humahabol kaya sumunod sila sa akin. Napakabilis nyang maglakad kaya hinabol ko kahit na mabigat ang gown na suot ko ay di ko naramdaman sa subrang pag- alala sa kanya. Damian pov. Ngumingiti ako sa mga naririnig ko dahil lahat ay naayon sa plano. Lahat ng ito ay nag- umpisa kay papa ng pumunta sa America dahil dumalo ito sa isang event at doon nya nakilala ang lolo ni Nene. Nagkausap sila ni papa at ang lolo ni Nene kaya inimbitahan nya si papa, na pumunta ng davao para sa gaganapin nilang event. Kaya ngayon ay ngumingiti ako sa mesa at umiinom ng wine. Kanina kasi ang lakas ng t***k ng puso ko dahil makikita kong muli si Nene. Na alam ng lahat sa isla na patay na patay ako sa kanya. Kaya lahat ay gagawin ko para mapasakin sya. Naglalakad ako kanina papunta sa Mansion ay di ko na mapigilan ang kaba na nararamdaman ko. Kaya ngayon ay naging kalmado na ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi ng lolo ni Nene. (Magiging aking ka narin.. walang makakaagaw. At kung kunin ka ng iba ay magkamatayan tayong lahat.) Iniwan ako ni Nene dahil sa paghabol sa kutong lupang lalaki iyun. Kahit anong gawin mo ay wala ka parin magagawa dahil ako na ang nakatakda sa'yo.. ( Catherine ' Nene' San Pedro) ang babaeng nagbibigay sa akin ng pampakalma sa buhay kong mala-impyerno. Jhon PoV. Narinig ko ang mga sinabi ng lolo ni Nene ay para akong nagising katutuhanan dahil anong laban ko sa yaman ni Damian. Kahit sabihin pang ako ang mahal ni Nene ay wala parin akong laban. Kaya aalis nalang ako. Hinahabol ako ni Nene at ayaw ko ng kausapin pa dahil baka anong sabihin nya at magbago pa ang puso ko sa kanya. Wala na akong pag- asa dahil mayaman na si Nene at ano ang maipagmamalaki ko. Wala akong ama at ang pera nakuha ko sa papa ko ay para lang iyun sa Pag-aaral ko. Mahal ko si Nene pero paano ko naman maipagmamalaki ang isang katulad ko na walang- wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD