[Rhaniel's POV] "Aghhh!!!" nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Tasha at agad nawalan ng malay. "Tasha!!?" sigaw ko habang tinatapik yung pisngi niya pero ayaw niya pa din magising. Binuhat ko siya palabas ng Inner garden. Napalingon naman ako sa kaliwa't kanan ko. Nahagip ng mata ko sila Johnrey at Shiela na tumatakbo papunta sa direksiyon namin. "Anong nangyare pre?" Tanong ni Johnrey ng makalapit sila sa amin "Anong nangyare kay Tasha?" Nanlaki naman mata ni Shiela ng makita niyang walang malay si Tasha. "Tulungan niyo ko. Nawalan na lang siya bigla ng malay." sabi ko habang nararamdaman ko na yung nangingilid na luha sa mata ko. "Hingi tayo ng tulong kay Yna. Baka may alam siyang doctor na kasama natin." suggestion ni Shiela. Tumango naman kaming dalawa ni Johnrey sa gusto ni

