[Johnrey's POV] Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon ni Shiela sa bench sa terrace. "Sa tingin mo dahil nga gamot kaya hindi makaalala si Tasha?" tanong sa akin ni Shiela habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. "Sinabi naman ni Valerie diba na may marka siya ng sugat sa ulo niya? Malay natin baka dahil doon kaya siya hindi makaalala." sagot ko. "Sabagay may punto ka." sabi naman ni Shiela habang tumatango-tango. Hinawakan ko naman ang kamay niya at isinandal ko ang ulo ko sa ulo niyang nakasandal sa balikat ko. "Pakiramdam ko malapit na itong matapos." sabi ko sakaniya. "Paano mo naman nasabi?" tanong niya sakin. "Uhmm. Dahil wala na si Dr. Jinghin." sabi ko sakaniya. "Sana nga. Ayoko na din kasing makakita ng dugo sa kung saan-saan." rinig kong sabi niya. Umayos naman ako ng u

