[Ranz's POV] "Sino kayo!?" Napatingin naman ako sa nagsalita nasa malayo lang siya at halatang bata lang siya na may hawak na malaking baril na nakatutok sa amin. Tinutukan naman ni Rhaniel at Marc yung bata. Agad ko naman hinawakan ang baril nila. "Huwag!" saway ko sakanila. Binaba naman nila yung baril nila. "Dito lang kayo." sabi ko sakanila at maglalakad na sana ako ng may humawak sa braso ko. "Teka pre? Sigurado ka ba diyan?" pagaalangan ni Rhaniel. "Hindi natin kilala yan." sabi naman ni Johnrey. "Ako na bahala." sabi ko sakanila. "Ingat ka pre." sabi naman ni Niel. Tumango lang ako at naglakad na ulit. "Diyan ka lang!" sigaw nung bata habang tinututok sa akin yung hawak niyang malaking baril. Pero patuloy lang ako sa paglalakad. "Tumigil ka!" Hindi ko pinansin yung sinabi n

