[Kisha's POV] Nandito kami sa loob ng kwarto namin. Naiisipan namin na kwentuhan si Tasha. Halos ako ang kwento ng kwento tungkol sakaniya dahil na rin sa ako ang Best friend niya. Nakapaikot kaming lahat ngayon kay Tasha. Si Shiela ang unang nagkwento. Sumunod naman si Angela. "Alam mo ba nung unang pasok mo pa lang sa classroom akala ko masungit ka. Pero simula ng magkaroon ng lintek na zombie na mga iyan. Doon ko nalaman na mapalakaibigan ka pala. Hindi ka naman pala masungit katulad ng inaakala ko." sabi ni Angela. Si Tasha ay patuloy lang sa pakikinig. Habang ako nakatingin lang kay Tasha, bakit naman kasi kailangan pang mangyare yun sakaniya. Ang pinagtataka ko lang bakit mawawala ang alaala niya kung gayo-- "Kisha!" "Ahhh!" Nagulat naman ako ng marinig ko ang pangalan ko. "I

