[Marc's POV] "Marc!!!" "Marc!!!" Nagising naman ako, dahil sa tumatawag sa akin mula sa pinto. "Marc!!!" "Oo nandiyan na!" sigaw ko at tumayo na sa pagkakahiga sa kama ko. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Johnrey. "Oh bakit?" sabi ko habang kinukusot pa yung mata ko. "May meeting daw tayo mamaya." sabi niya. "Anong meeting naman iyan?" imbis na natutulog lang ako ngayon. Naistorbo pa yung tulog ko. "Ewan ko din eh. Basta pinapatawag tayong lahat ni James." tumango na lang ako. Sasarado ko na dapat yung pinto ng pigilan niya ako. "Wait. Ikaw na din pala magsabi kay Kisha na may meeting tayo." nagulat naman ako pero hindi ko sakaniya pinahalata. "I-ikaw na. May gagawin pa ako." pagdadahilan ko. "Dali na pre. Inutusan pa kase ako ni Dr. Claveria na dalhin itong mga papeles dun

