[Ranz's POV] Nakakasilaw... Bakit ganun puro puti yung nakikita ko sa paligid. Napatingin naman ako sa sarili ko, nakasuot ako ng puti na polo at pants. May liwanag naman akong nakita dahilan kaya ako ay napapikit. Pagdilat ko may nakita akong isang babae at isang lalaki sa harapan ko pero pareho itong nakatalikod hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sakin yung dalawa. Lumapit naman ako sa lalaki at hinawakan ito sa balikat. Unti-unti naman ito humarap sa akin. Ganun din yung kasama niyang babae. Hindi ko alam kung namamalit mata lang ba ako o ano. Talaga bang nasa harap ko sila ngayon? "Anak?" Maging sila ay nagulat pero agad naman napalitan ng ngiti ang pagkagulat nila. "P-papa? M-mama?" Hindi ko alam kung bakit ko sila nakikita ngayon. Patay na rin ba ako? "Gumising ka anak."

