[Kisha's POV] Nandito pa rin ako sa kwarto ni Ranz. Hanggang ngayon wala pa din siyang malay. Halos magta-tatlong araw na siyang nakahiga sa kama niya. Kailan ka ba magigising? Hindi mo na dapat pa hinarangan yung bala na dapat tatama sa akin eh. Edi sana wala ka ngayon diyan. Nakarinig naman ako ng isang ingay kaya napatingin agad ako kung saan nanggaling yung ingay. Nanlaki ang mata ko ng makita kong sa Heartbeat meter nanggagaling yung ingay. "Ranz! Gising!!!" sigaw ko ng makita kong nagflat line yung heartbeat meter. Napatakbo naman ako sa labas. "Doc!!!" Tumakbo naman palapit si Dr. Claveria. "Bakit anong nangyayare?" tanong niya. Napatingin naman siya sa silid ni Ranz. "Nurse Defibrillator!!!" rinig kong sigaw niya at pumasok na ng kwarto ni Ranz. Nakita ko naman yu

