Chapter 25

900 Words
[James' POV] Inaayos na namin yung mga baril na gagamitin para sa gagawin naming paglusob sa kampo ni Jinghin. "Ayusin niyo yung paglalagay ng mga baril sa sasakyan!" sigaw ko sa mga kasamahan ko. Bukas na din ng umaga ang tamang oras sa gagawin naming paglusob. Halos isang linggo din ang nagdaan sa aming paghahanda. "Boss, nakahanda na yung mga sasakyang gagamitin." sabi sa akin ng kasamahan ko. Tumango lang ako at nagtungo papunta sa kwarto ko. Hahang naglalakad ako. Nakita ko si Ranz na naglalakad patungo sa roof top. Ngayon ko na lang ulit siya nakita simula nung nagmeeting kami. "Sir Ranz!" pagtawag ko sakaniya na dahilan para siya ay mapatigil.. Humarap naman siya sakin. Mukhang bad mood yata to ah. "Bakit?" tanong niya. "May problema ba?" tanong ko. Umiling lang siya. Hindi ako naniniwala. Dahil napapansin ko na lagi niyang iniiwasan na magtama sila ni Kisha ng daan. Tapos ngayon ako pa lolokohin niya? "Eh, ano namang kaartehan yun at bakit ayaw mo magpakita kay Kisha?" Nakita ko naman na mukhang napalunok siya sa sarili niyang laway. Lagi-lagi niya iniiwasan kahit lunch time hindi pumupunta ng canteen para kumain. Hindi naman namin masabi kay Kisha kung nasaan siya dahil sa sobrang laki ng hospital malabo silang magkita. "W-wala." Sabi niya at naglakad na. "Tandaan mo kahit anong iwas ang gawin mo, magkikita at magkikita pa din kayo." Nakita ko naman na napatigil siya. Ilang sandali lang nang mapatigil siya ay naglakad na ulit siya papunta ng roof top. Napailing na lang ako. Halata naman na siya, ayaw niya pa umamin. Nagpunta naman na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ng kwarto ko, kaagad kong hinanap yung bomba na ginawa ko. Isang improvised explosive device na kung saan sin-liit lang ito ng barya pero milya-milya ang distansya ng kaya nitong mapasabog. Matapos ko makuha ay lumabas na ako ng kwarto ko. Habang naglalakad ako nakita ko naman yung laboratory nakauwang ng maliit yung pinto. Pumasok ako para tingnan kung anong ganap sa loob. Pagpasok ko nakita ko si Dr. Claveria nakasuot ng lab gown at mask. Busy siya sa pagtitimpla ng mga chemicals. Ano kaya ginagawa niya? Atsaka pagkakaalam ko hindi siya nag-aral ng about sa chemical dahil Pediatrician lang kinuha niya hindi Chemistry. Napatigil naman siya sa paglalagay ng chemicals ng mapansin niya ako. "Oh, James ano gi--" napatigil naman siya sa pagsasalita niya ng biglang sumabog yung ginagawa niya. Nabalot tuloy ng maitim na usok ang buong laboratory "Sorry, po sa abala Doc. Alis na po ako." sabi ko at akmang aalis na sana ng pigilan niya ako. "Huwag muna. Gusto mo bang alamin kung anong ginagawa ko ngayon?" tanong niya habang hinahawi yung itim na usok sa paligid. Napatango na lang ako. "Sige tara dito." Lumapit naman ako sa tapat ng desk may mga nakapatong na iba't ibang na chemicals. Nagsimula ulit siyang maghalo ng kung ano-anong chemicals. "Alam kong nagtataka ka kung bakit Chemical ginagawa ko ngayon pero ako ay nagtapos ng Bachellor of Science in Pediatric and Major in Chemistry." sabi niya habang nakatutok yung paningin niya sa chemicals na hinahalo niya. Kaya naman pala. Grabe Major in Chemistry pala siya. Nacurious naman ako kung anong chemical ginagawa niya. "Ano naman yung ginagawa niyong chemical doc?" "Makikita mo mamaya." sabi niya habang seryoso sa paghahalo ng chemical. Ilang sandali lang tinigil na niya yung pagahahalo at nilagay na sa isang test tube yung nagawa niyang chemical. Kulay blue yung kinalabasan ng pinaghalo-halo niyang mga chemical. May nilabas si Doc sa ilalim ng table niya at isa itong kulungan ng hayop na tinatakluban ng puti na tela. Nagulat naman ako sa nakita ko ng alisin ni Doc yung telang nakatalukbong. Isang Unggoy na masasabi mong isa ng zombie dahil puro sugat ang katawan nito at namumula din ang mukha nito. Parang balisa rin ito kumilos. "Ito na lang talaga ang natitira kong pag-asa." sabi ni Doc habang tinitignan yung test tube na may laman ng pinaghalo-halo niyang chemical. Kumuha naman ng insulin si Doc at nilagyan niya ito ng chemical na ginawa niya. Matapos malagyan ng chemical ay dahan-dahan niya ito tinurok sa unggoy na nasa loob ng kulungan. Matapos turuka at sa ilang minutong paghihintay hindi pa rin bumabalik sa dati yung unggoy. Mas lalo lang ito naging balisa ng turukan. Napansin ko si Doc na napapailing. "Palpak haiysst!" inis na sabi niya at kinuha yung papel na sa tingin ko ay listahan ng chemicals na hinalo niya. Napansin kong kumunot ang noo niya hindi ko naman alam kung kulang ba o may mali siyang nailagay kaya ganun ang naging reaksyon niya. Nagpaalam na muna ako kay Doc. Pagkalabas ko ng laboratory narinig ko nanaman yung pagsabog na nanggaling sa loob ng laboratory. Napailing na lang ako. Naglakad na ako pabalik doon sa mga kasamahan ko na nagaayos ng mga baril. Napansin ko na sapat na rin yung baril na gagamitin namin sa laban. Napatingin ako sa relos ko, nakita kong ilang oras na lang pala ang natitira bago ang oras ng paglusob namin. Sana walang mangyareng masama sa amin. Sana ligtas kaming makakapunta doon at ligtas din kaming makakaalis doon. Napatingin naman ako sa bomba na hawak-hawak ko. Alam kong kakailanganin namin ito. Pero sana huwag naman ito ang magiging sanhi kaya kami mamatay. Delikadoman ito ngunit kailangan. Tumingala ako sa langit. Masasabi ko na nga na malapit na.. malapit ng matapos ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD