Chapter 26

1081 Words
[Shiela's POV] Naalimpungatan naman ako dahil sa narinig kong pagsabog. Anong nangyayare? Nilibot ko ng paningin ang buong paligid. Nakita ko naman na maging yung mga kasamahan ko ay nagising din. Nakarinig naman ako mula sa pinto ng mga sundalong tumatakbo. Nagulat naman ako ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Pagtingin ko kung sino si Johnrey lang pala. "Nandiyan na sila." sabi niya. Huh? Naguguluhan naman ako. "Sinong sila?" tanong ko sakaniya. "Sila Ranz." sabi niya. Masaya naman ako at maliligtas na kami. Bumukas naman bigla yung pinto at nilabas nito ang isang sundalo. Nakaramdam naman ako ng biglang pagkatakot. "Huwag kayong magalala, dahil kakampi niyo ako. Ako nga pala si James." sabi niya. James pala pangalan niya. "Nasaan sila Ranz?" tanong ni Johnrey. "Nandun nilalabanan nila yung mga sundalo ni Jinghin. Tara na wala na tayong oras pa." sabi niya at pinalabas kaming lahat. Napansin ko naman si Andrei ayaw gumalaw sa kinakatayuan niya. Nilapitan ko naman ito at kinarga. Nung una pumapalag pa siya pero ng malaman niyang ako yung bumuhat sakaniya nanahimik na siya. Pagkalabas namin dinig ko mula sa kinakatayuan ko ang pagputukan ng mga baril. "Tara dito tayo dumaan." sabi ni James at tumakbo naman na kami. Pinapuputukan naman niya ng hawak niyang baril yung mga sundalo na  nakakasalubong namin. May binuksan naman na pinto si James at pumasok. Patuloy lang siya sa pagbaril ng mga sundalong nakakasalubong namin. "Tara dito tayo." sabi ni James. Pagpasok namin mas lumakas yung naririnig naming putukan at bumungad samin ang dalawang panig na nagpapalitan ng bala ng baril. Nakita ko naman sa kalayuan si Ranz na nakikipagpalitan ng putukan sa mga sundalo ni Jinghin. Nakita ko din si Kisha na nasa likuran nila Ranz. Siya naman yung bumabaril sa likuran. Nakita ko din naman si Marc mabuti na lang at ligtas siyang nakatakas. Pero nasaan si Rhaniel? Akala ko ba magkasama sila ni Marc? "Sheila!" rinig kong tumawag sa akin. Napatingin naman ako si Johnrey nasa malayo na pala sila. Napatakbo naman ako papunta sa kanila. "Ba't niyo ko iniiwan." reklamo ko sa kanila. "Hindi ka naman kase maiiwan kung hindi ka tumigil sa paglalakad." pagpapaliwanag ni Johnrey. Oo na ako na may kasalanan. Kinuha naman niya sa akin si Andrei na karga-karga ko. Naglakad kami patungo sa likuran ng building at doon ko nakita ang malaking pagsabog nanangyare. So sila pala may pakana nung narinig naming pagsabog. "Oh, may mga baril diyan guys. Kung gusto niyo tumulong kumuha lang kayo diyan basta yung tulong na makakatulong!" sigaw ni James marahil malakas talaga ang putukan dito. Kukuha na sana ako ng baril ng may pumigil sa kamay ko. Pagtingin ko si Johnrey. "Hindi na natin kailangan pang kumilos alam kong kaya na nila yan." sabi niya habang hawak-hawak yung braso ko. Alam kong hindi sapat yung mga sundalong kasama namin sa mga sundalo ni Jinghin dahil mas marami ito kumpara sa amin. Tinignan ko lang siya sa mata at umiling. Naramdaman ko naman na lumuwag na yung pagkakahawak niya sa braso ko. Nakita ko naman na binaba niya muna si Andrei at pinabantay sa kasamahan namin. Kumuha na ako ng baril at ganun din siya. Nagpunta na kami sa pwesto nila Ranz at nakipagpalitan din kami ng putukan ng baril. May mga ilan sa mga kasamahan namin na natamaan ng baril pero buti hindi malala dahil puro daplis lang sa braso o paa. Nakita ko din naman sila Angela at Niel na nakikipagpalitan din ng putok ng baril sa kalaban. "Shiela! Focus!" napaayos naman ako ng marinig ko yung sigaw ni Johnrey. Paunti na ng paunti ang bumabaril sa kalaban. Mukhang naubusan na sila ng bala. Hanggang sa wala na kaming narinig na bumabaril sa kabilang panig. Nagbigay naman ng hintulot si James na tumigil kaya't maging kami ay tumigil sa pagpapaputok ng baril. "Dapat huwag kayong magpapauto sa mga iyan. Alam kong may plano silang ginagawa." napatingin naman ako sa katabi ko na nagsalita. Teka? Ba't siya nandito eh nakasuot siya ng sundalo na kalaban namin. Napatingin naman siya sa akin. "Ah nga pala Judiel at your service." sabi niya habang nakalahad yung kamay niya. Tinanggap ko naman ito. Narinig ko na yung pangalan niya eh hindi ko lang alam kung kanino. Ah alam ko na kay Angela dahil siya yung nagbigay nung phone kay Angela para macontact namin si Ranz. Naging tahimik na ang buong paligid. Pero may nararamdaman akong panganib na mangyayare. Nakita naman namin na tumayo yung kabilang panig habang nakataas yung dalawang kamay. Kaya tumayo na din kami. Napansin ko naman yung isang sundalo sa kalaban na may hawak pa din baril. Bigla naman niya tinutok yung baril sa amin ng makita ko kung kanino niya ito tinutok. "Kisha!!!" sigaw ko. Bigla naman hinarang ni Ranz yung katawan niya kay Kisha. Dahilan kaya si Ranz ang tinamaan sa likod. Agad ko naman pinutok ni James yung baril niya doon sa sundalong may hawak ng baril. Yung kasama namin na sundalo hinuli yung mga sundalo ni Jinghin na sumuko. Kami naman ni Johnrey pinuntahan si Ranz. "Ranz!!" rinig kong sigaw ni Kisha. Pinunasan ko naman yung luhang pumapatak sa mata ko. Ilang sandali lang may dumating na mga rescuer na may dalang stretcher. Tumakbo naman ito papunta sa direksiyon ni Ranz at inihiga na nila kaagad doon si Ranz. Kaagad din naman silang umalis para madala na daw sa hospital si Ranz. Naiwan muna kami dito at walang tigil na pagiyak ni Kisha. Mukhang sinisisi niya yung sarili niya kaya nagkaganun si Ranz. Napansin ko naman na papunta dito si James. Yung mukha niya parang nalugi. "Bakit?" Tanong ko dito ng makalapit sa amin. "Nakatakas si Jinghin." sabi niya. Yung masamang doctor talaga na iyon nakatakas pa. Hindi papala tapos ang lahat. Mukhang mapapasabak ulit kami. Bakit pa kasi nakatakas yun. Sumakay na kami sa sasakyan, pabalik na kami ngayon sa hospital nung tito ni Ranz. Kilala ko yung tito niyang yun. Dahil kaibigan din yun ng magulang ko. Pagdating namin sa loob ng hospital. Kaagad kaming dinala sa kwarto namin. Hindi naman kalakihan yung kwarto namin. Pero sakto na para sa aming lima nila Niel, Angela, Andrei at Johnrey. Sabi ni James nasa Operating Room daw si Ranz para maalis yung bala nasa loob ng katawan niya at para na rin masalinan siya ng bagong dugo, dahil na rin sa maraming dugo ang nawala sakaniya. Sana maging okay lang si Ranz dahil hindi pa tapos ang laban. Pero sana matapos na ito....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD