2- Wendy

3201 Words
“‘Wag po kayo mag-alala, Sir. Nandito na po kami sa loob at mukhang nakuha ko po kaagad ang tiwala niya,” sabi ni Tatay habang siya ay nakatayo sa labas ng tapat ng pinto. Ako ay nagtataka kung sino ang kausap niya sa phone every night. Simula nang lumipat kami rito sa bahay na malaki kung saan namasukan na trabahador si Tatay ay lagi na siyang may kausap sa phone na parang nagre-report kung sinuman nasa likod ng phone. “Good night, Sir. Bye,” huling sinabi ni Tatay at ibinaba na niya ang hawak na phone. Habang ako ay sinara ko nang dahan-dahan ang pinto at dali-dali na bumalik sa kwarto ko para hindi niya mahalata na minamatyagan ko siya. Kaagad ako humiga sa kama ko na malambot at sinara ang aking mga mata, at narinig ko na bumukas ang pinto nang kwarto ko as I expected. Alam ko na si Tatay ang nagbukas ng kwarto at tiningnan niya kung gising pa ako at wala akong narinig sa usapan nila nang taong kausap niya sa likod ng phone. Mga ilang segundo rin ay narinig ko na bumagsak ang pinto na ang ibig sabihin ay sinarado na ulit ni Tatay ang pinto kaya naman binuksan ko na ang mga mata ko at huminga ako nang maluwag dahil hindi niya ako nahuli. Alam ko na may tinatago sa akin ang Tatay ko at nakikita ko ‘yun sa kinikilos niya. Sa totoo lang bago kami lumipat dito ay doon ko lang siya nakita na umakto ng kakaiba. 22 na ako, hindi na ako bata kaya alam ko na ang nangyayari sa paligid ko but still, tinuturin akong bata nang Tatay ko. Well, iisang anak niya lang ako kaya hindi na rin nakakapagtataka. Talking about that, naalala ko tuloy ang mga nangyari nu’ng bata pa lamang ako. Ayon sa kwento nang Tatay ko pagkapanganak ko ay namatay na ang Nanay ko dahil sa komplikasyon kaya kami na lang dalawa ngayon. Mag-isa niya ako tinaguyod at habang lumalaki ako ay nauunawan at nakikita ko ang mga sakripisyo na ginagawa niya para lang mabuhay ako at mabigyan ako nang magandang edukasyon. Ayon pa sa kwento niya ay ilang buwan ako nanatili sa hospital noon dahil sa sakit ko na coronary heart disease. *** Habang lumalaki ako ay unti-unti ako nagkakamalay sa sakit ko na coronary heart disease dahil sa loob ng isang buwan mahigit sampung beses niya ako dinadala sa hospital para lang isalba ang buhay ko. At dahil nga sa lagi ako nadadala sa hospital ay lumalaki ang utang ni Tatay kaya naman walang tigil siya sa pagtatrabaho para lang mabayaran ang mga utang namin, sabayan pa na nag-aaral ako. Kada bayaran na lang sa eskwelahan noon ay lagi nakikiusap ang Tatay ko sa harap ng mga guro ko para lang i-extend ang bayad ng tuition fee ko. May mga matataray kaming mga guro na nakaharap noon pero may mga mababait din naman na nauunawan ang sitwasyon namin. Ngunit habang lumalaki ako ay lumalaki ang gastos namin lalo na nang tumungtong ako sa kolehiyo. Kinausap ko si Tatay noon at sinabi ko na magwo-working student ako para may pangtustos kami sa tuition ko pero tumanggi siya at sinabi na kaya niya. At kung hangga’t maaari ay hindi niya ako hahayaan na mamasukan para focus lang daw ako sa pag-aaral at makapagtapos ako kaagad, pero sa totoo lang alam ko ang dahilan kung bakit ayaw niya ako mamasukan at iyon ay dahil sa sakit ko. Sabi kasi nang doctor na tumitingin sa akin ay mahina raw ang puso ko na naging dahilan kung bakit hindi ako pwede sa mga mabibigat na gawain, hindi rin ako pwede sa matatabang pagkain kaya hangga’t maaari ay sinasalo lahat ni Tatay ang mga gastos at hirap para lang itaguyod ako na sinuklian ko naman ng diploma. Pagka-graduate ko nang kolehiyo sa kursong business marketing ay nag-apply ako sa mga companies na kalapit namin pero sa kasamaang-palad ay walang tumatanggap sa akin na naging dahilan kung bakit tatlong buwan akong tengga sa bahay. At dahil wala ako magawa sa mga panahon na iyon ay tinulungan ko si Tatay na maglinis-linis ng bahay, pero ‘yung magagaan lang na gawain kung hindi ay susugod na naman kami sa hospital na ayaw ko rin mangyari dahil lubog na lubog na kami sa utang. Then, isang araw habang ako ay naghahanap ng trabaho ay nakakita ako nang convenient store na hiring kaya dali-dali ako nag-apply at pinakita sa akin ang mga gagawin tulad ng sa counter, sa products checking para makasigurado na walang expired at lahat ay bago, at pagbubuhat ng mga products to make things organize. Sa isip-isip ko ay madali ang gawain kaya pumayag ako at tinanggap ko ang trabaho pero tinago ko iyon kay Tatay. Hindi ko pinaalam sa kaniya na sa isang convenient store ako nagtatrabaho, ang tanging sinabi ko lang sa kaniya ay natanggap ako as cashier sa isang fast food kaya walang masyadong gagawin kaya hindi niya ako pinigilan. Sinabi ko rin na pinaalam ko ang tungkol sa sakit ko kaya sigurado na hindi ako pagagawan ng mga mahihirap na bagay na baliktad sa ginawa ko. Nagsimula na ako magtrabaho at lagi ako on time sa pasok ko na 7am at uuwi nang 7pm or hanggang sa dumating ang kapalitan ko na pang-night duty. At dahil lagi kami nagkikita nang kapalitan ko na si Diana ay naging magkaibigan kami na kahit kailan ay hindi ko naranasan dahil lagi ako tinutukso sa school noon. Sa sobrang kampante ko sa kaniya ay sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa sakit ko at dahil doon ay sinabihan niya ako na siya na raw lagi ang magbubuhat ng mga mabibigat na box, ako na lang daw mag-ayos na kaagad ko sinang-ayunan dahil hindi ako mahihirapan. Sa paglipas ng panahon ay naging matalik kaming magkaibigan, but then dumating ang isang pagkakataon na hindi siya makakapasok dahil nagkaroon siya nang sakit kaya naman ako ang sumalo nang duty niya. Pumasok ako 24hours since kami lang dalawa ang tao sa store na naging dahilan kung bakit napagod ako dahil sa dami nang customer na dumating, at dahil sa pag-aayos ng mga products na ako na rin ang nagbuhat ng mga boxes dahil mabilis naubos ang stocks namin kaya wala akong choice kung hindi ang kumuha nang boxes at mag-restock. Pagdating ng kinabukasan ay dumating si Diana na pinagsalamat ko pero ganunpaman ay bago pa man ako mag-out ay bumigay ang katawan ko at bigla na lang ako nahimatay. Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa kama at puting kisame na naman ang nasa harap ko na ang ibig sabihin nasa hospital na naman ako. That day ay kinausap ako ni Tatay at nalaman niya mula kay Diana na nagtatrabaho ako sa store na kaagad niya ako pinag-resign dahil sa kalagayan ko. Nagalit ako nu’n kay Tatay at ilang araw ko siya hindi pinansin but then, kinausap ako ni Diana at pinaunawa niya sa akin ang sitwasyon ko. Doon ko nalaman na iisa rin pala siyang anak ng nanay niya na may sakit sa puso kaya alam niya ang pasakit ng isang tao na nag-aalala sa taong mahal niya na ayaw pa mawala. Sa gabing din yaon ay lumapit ako sa Tatay ko at niyakap ko siya nang mahigpit bilang paghingi ko nang tawad sa kaniya, at kaagad niya naman ako pinatawad na sa totoo lang sabi niya hindi pa ako humihingi nang tawad pero napatawad na niya ako. Napaiyak ako sa sinabi niyang yaon, at simula noon ay hindi ko na siya ulit sinuway at hindi ako nagtago ng sikreto sa kaniya. However, isang araw ay nagising ako dahil nagugutom ako nang madaling-araw kaya lumabas ako nang kwarto pero napatigil ako sa aking mga paa dahil nakita ko at narinig ko na may kausap siya sa phone. “No problem, Sir. I will, Sir. I will call you again when I found him,” sabi ni Tatay na tandang-tada ko dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siya na parang kakaiba. Kinabukasan ay umalis si Tatay at sabi niya may hahanapin lang daw siya, at ganu’n din sinabi niya nang mga sumunod na araw and then, uuwi siya nang hating-gabi na. Isang beses tinanong ko siya kung saan siya galing pero ang tanging sagot niya lang sa akin ay may hinahanap lang siyang tao at pumasok na siya sa kwarto niya. Lumipas ang isang buwan, pagkauwi ko sa bahay after work ko ay nakita ko si Tatay na nag-iimpake nang mga gamit namin na ipinagtaka ko kaya nilapitan ko siya. “‘Tay, ano pong ginagawa niyo? Pinapaalis na ba tayo rito?” inosente kong tanong kay Tatay, at dahil lagi kami pinapaalis sa tinitirhan namin gawa nang wala kaming pambayad. “Hindi, anak. Lilipat na tayo nang bahay kasi nakahanap ako nang stay-in na trabaho at isasama kita. Pumayag naman ang amo ko kaya magligpit ka na nang mga gamit mo at aalis na tayo,” tugon niya sa akin at nagpatuloy siya sa pag-iimpake. Hindi na ako nagtanong pa after at nag-impake na rin ako nang mga gamit ko. Then, sumakay kami sa taxi at dinala kami nito sa loob ng isang malawak na subdivision. Nag-para si Tatay kaya lumabas na kami at napanganga ako sa nakita kong bahay na nasa harap ko dahil sobrang laki at panigurado malawak sa loob nito. Nabigla ako nang tawagin ako ni Tatay na binuksan ang gate at nauna na siyang pumasok sa loob. Sinundan ko lang siya hanggang sa tumigil siya sa gilid ng malaking bahay kung saan may mas maliit na bahay na parang maid’s area at binuksan ulit ang isa pang pinto. Tumuloy kami pareho sa loob at umikot ang mga mata ko sa buong paligid dahil sobrang lawak, maaliwalas at ganda kung nasaan man kami ngayon. Sa totoo lang ay ten times na mas malaki ang maid’s area kung nasaan man kami kaysa sa bahay namin noon. “‘Tay, nasaan po tayo, at ano po ang ginagawa natin dito? Dito na po ba tayo titira?” tanong ko at ibinaba ko ang mga gamit ko sa sahig na sobrang kintab. “Simula ngayon ay dito na tayo titira. Tandaan mo, Wendy, ‘wag na ‘wag ka gagawa nang mga bagay na magpapahamak sa sarili mo. Hindi mo rin pwede sabihin sa kaibigan mo na dito tayo nakatira kung hindi ay baka ikaw ay mapano. Dahil para sa kaunting kaalaman mo, tayo ay nakatira sa bahay ng isang prince. Ang pangalan niya ay Neil at isa siyang Prince of Dubai,” paalalang bigay ni Tatay na kaagad ko naunawaan. “Naintindihan ko, ‘Tay. Makakaasa ka na wala akong gagawin na labag sa gusto niya, at lagi ako susunod sa utos niyo as always,” nakangiti ko’ng sambit para ipaalam sa kaniya na labis ko naintindihan lahat ng sinabi niya sa akin. “Anak, kung maaari magpanggap ka na hindi mo siya kilala kung sakali na magkasalubong kayo sa daan. Kumbaga treat him as one of us at hindi isang prince dahil ang alam ko nagtatago siya ngayon, kaya hangga’t maaari ay maging maingat ka sa paligid lalo na at nakatira na tayo ngayon sa loob ng bahay ng isang Prince of Dubai,” pakiusap ni Tatay sa akin na kaagad ako napatungo. After namin mag-usap ni Tatay ay nagpunta na kami sa tag-sarili naming kwarto na sobrang laki. Napangiti ako dahil iyon ang unang pagkakataon na nakaranas ako nang malaki at malambot na kama, pero at the same time ay nagtaka ako sa mga kinikilos lalo nang Tatay ko. *** Sa araw-araw na ginawa nang Diyos kahit isang beses ay hindi ko pa nakikita ang itsura nang Prince of Dubai kahit na nakatira kami sa isang malawak na bahay. As in we never meet at iyon ay dahil ayon sa Tatay ko ay iba-iba raw ang pinapasukan nitong trabaho at lagi raw ito lumilipad sa ibang bansa kaya minsan ay tinutulungan ko na siya sa gawaing-bahay pero ‘yung magagaan lang. Tumatanda na rin kasi si Tatay kaya kadalasan ay nahihirapan na siya gumawa nang mga gawaing-bahay. Hanggang sa lumipas ang dalawang taon, isinugod ko si Tatay sa hospital dahil sa iniinda niyang mga tuhod at doon na nga siya na-diagnosed na may osteoarthritis. At dahil sa nangyari ay kailangan tumigil ni Tatay sa paggawa kaya nag-prisinta ako na pumalit sa kaniya na hindi naman niya tinanggihan pero sabi niya ikokonsulta raw muna niya sa amo niya bago ako pumasok sa loob ng bahay nito. Sa sumunod na araw pagkabalik ko galing school dahil nag-applied ako as substitute teacher ay kinausap ako ni Tatay. “Anak, pumayag na si Sir Neil. Simula bukas ay ikaw na ang maglilinis ng bahay niya. Ito ang susi,” sabi niya at iniabot niya sa akin ang tatlong susi sa isang chain. “Nakalagay sa bawat susi ang mga lugar na pwede mo lang linisin. Tandaan mo, anak, bawal ka magbuhat ng mga mabibigat na mga bagay kaya kung kailangan mo nang tulong ay tumawag ka nang guard. Nag-abiso na ako sa mga guards dahil pinaalam ko sa kanila ang sakit mo kaya ‘wag kang mahihiya na humingi nang tulong sa kanila. Nagkakaintindihan ba tayo, Wendy?” istrikto niyang pangaral sa akin. “‘Wag kang mag-alala, ‘Tay, wala akong gagawin na alam ko na ikapapahamak ko,” sagot ko na may confidence sa sarili ko dahil alam na alam ko na ang mga dapat gawin at hindi pwede gawin. And so, nagsimula ako magtrabaho sa loob ng bahay ng isang Prince of Dubai, nag-vacuum ako, walis, nagtanggal din ako ng dust sa mga table, cabinet, gilid-gilid, hagdan at sa mga picture frames. Walang mintis ko nilinis ang buong-bahay while listening to music in my ears from my earphones, ayon sa kagustusan ng Tatay ko at ng may-ari kahit na hindi pa kami nagkakatagpo. I am really wondering kung anong itsura niya kaya naman hinanap ko siya sa internet sa unang pagkakataon at hindi mapagkakaila na may itsura siya. For sure, marami na itong napaiyak na mga babae based only sa mga pictures niya. Ngunit pagsapit lagi nang 1pm ay umaalis na ako nang subdivision para pumunta naman sa malapit na school dahil nag-applied na ako as teacher in English and Math, at hindi lang bilang substitute. Mabilis akong tinanggap dahil tapos naman ako nang bachelor degree at walang araw na umuuwi ako nang may ngiti sa aking mga labi, at iyon ay dahil masarap sa pakiramdam na marami akong estudyante na umaasa sa akin at may natututunan sila mula sa akin. At tuwing uwian, dumadaan ako ng store kung saan si Diana ay nagtatrabaho, downtown. After what happened ay lalo kaming naging malapit ni Diana kaya naman naikwento ko sa kaniya ang tungkol sa pagtira namin ni Tatay sa bahay ng tinagurian na Prince of Dubai na laking gulat niya, pero pinagsabihan ko siya na wala dapat makaalam ng bagay na iyon dahil kung hindi ay pare-pareho kami mapapahamak. Ever since then ay naging laman ng kwentuhan namin ni Diana ang Prince of Dubai, pero minsan lang dahil ang madalas namin na topic ay tungkol sa mga lalaking naka-date na niya at sa mga karanasan niya. — — — 4 o’clock ng umaga nang tumunog ang alarm ko hudyat na oras na para ako ay magtrabaho sa kabila, kaya naman dahan-dahan ako tumayo at pumunta nang banyo para dumumi at pagkatapos ay naligo na ako since gising na ang diwa ko. Pagkatapos ay naghanda ako nang breakfast namin ni Tatay at kumain na rin ako bago ako umalis, habang si Tatay ay tulog pa. 6 o’clock na nang lumabas ako ng lounge kung saan kami nakatira nang Tatay ko, nagsimula na ako maglakad patungo sa loob nang makita ko mula sa malayo na may sasakyan na pumarada sa tapat namin at isang matipuno, matangkad, maputi at mukhang mayaman ang lumabas mula rito. Napatigil ako sa aking paglalakad ng masilayan ko ang lalaki na ngayon ko lang nakita sa tana nang buhay ko. Wait. Siya ba ang tinutukoy ni Tatay na Prince of Dubai? Kaagad ko namukahaan ito. Walang wari na sinundan ko siya nang tingin hanggang sa lumagpas na siya sa akin na hindi man lang niya ako tiningnan o nilingon. Hindi niya rin ako binati or kinausap man lang na naging dahilan kung bakit nawala sa mukha ko ang excitement. Mukha siyang antipatiko at nangangain ng tao. How come na hindi niya ako binati? For sure naman na sinabi sa kaniya ni Tatay na ako ang papalit sa kaniya as housekeeper, at saka ilang taon na kami rito para daanan niya lang ako. Hindi man lang ba siya magtataka kung anong ginagawa ko rito sa tapat ng bahay niya? Pinapainit niya ang ulo ko, ah. Hindi porket gwapo siya at matangkad na pasok na pasok sa standard ko hindi ko siya tatarayan, ha. Ang sama nang ugali niya. Hay, naku, maglilinis na nga ako at may pasok pa ako mamaya. Hindi ko na lang siya papansinin since hindi niya rin ako pinansin. Pumasok na ako sa loob ng bahay at ang una ko’ng kinuha na cleaning material ay vacuum at nagsimula ako maglinis sa kitchen with earphones in my both ears. Nang biglang may narandaman akong kumalabit sa kaliwang balikat ko kaya ako ay napatalon at mabilis na tumakbo papalayo, pero ako ay napatigil nang makita ko ang lalaking dinaanan lang ako kanina. Kaagad ko tinanggal ang earphone sa mga tenga ko, napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit ko, at nagtitigan kami. “Are you the daughter of Mang Danny?” tanong nito na may accent and deep voice. “Yes, I am. And you are? Oh, are you the owner of this house?” sagot ko sa wikang ingles din, pero hindi ko pinahalata rito na kilala ko na siya just like what Tatay said to me before. Pretend that I don’t know him. “Yes, I am,” tugon niya at kumuha siya nang isang baso nang tubig at ininom niya ito nang isang lagok lang. After nito uminom ay tumingin siya sa akin ng seryoso while I am waiting for him to speak. Just calm your nerves down, Wendy. Yes, cute at gwapo siya pero do not put your guards down. “Can you do me a favor?” tanong nito na walang kurap-kurap. Napakunot ako nang noo sa sinabi niya. Well, it better be good or ihahampas ko sa kaniya ang matigas na vacuum na hawak ko. “And what is that, Sir?” magalang ko’ng tanong na may pagka-inosente kahit na wala pa talaga ako karanasan, si Diana lang naman ang nagkukwento sa akin ng mga karanasan niya sa mga lalaki kaya demi-innocent na lang ako. Teka, ano ba iniisip ko? “Be my wife,” tinuran niya na nagpabalik ng diwa ko sa sarili ko. Napataas ako ng dalawang kilay sa kaniya at napaismid ako dahil sa nakakagulat na sinabi niya. “What?” tanging sambit ko na kitang-kita sa mukha ko na nasorpresa ako sa sinabi niya sa akin. Akala ko ba humihingi siya nang favor, eh, bakit parang nag-demand siya ayon sa tono nang boses niya? Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD