Chapter 5 - Faced with Reality

1558 Words
NAKAALIS na si Jak nang bumaba ng kama si Lyla. Pagkatapos niyang maglinis ng katawan at magbihis, sumilip siya sa bintana. Mula sa kanyang kinatatayuan, natatanaw niya ang papalabas na sasakyan ng kanyang asawa. Tulad din nang pumasok sila kanina, kusang bumukas ang gate nang tumapat roon ang kotse. Kakasal lang nila pero iniwan na siya agad ng kanyang asawa na para bang may mas mahalaga pa itong appointment kaysa sa kanya. Sabagay, siya at ang mga magulang lang naman nito ang may gusto na maikasal silang dalawa. Ano kayang mangyayari ngayon? Ano ang magiging buhay niya sa piling ni Jak? Pareho na yata sila ng kapalaran ni Stella. Nag-asawa rin ito ng lalaking hindi nito gusto. Bumalik siya ng kama at muling humiga. Ilang minuto siyang nakatitig lang sa kisame hanggang kusang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nang magising siya ay madilim na ang buong kuwarto. Napabangon siya at kinapa ang switch ng night lamp na nasa tabi ng kama. Saka siya dahan-dahang naglakad at hinanap ang switch ng ilaw. Nang magliwanag ang buong kuwarto napatingin siya sa wall clock. Alas-siyete na pala ng gabi. Napasarap na ang tulog niya. Baka dumating na si Jak. Baka hinahanap na rin siya ng mga magulang nito kaya lumabas siya ng kuwarto. Hindi niya maalala kung nasaan ang elevator kaya dahan-dahan siyang bumaba na lang ng hagdan. Halos humihingal na siya nang makarating sa pinakababa ng hagdan. Nasa ikatlong palapag pala ang pinanggalingan niyang kuwarto ni Jak. “Good evening po, ma’am! Magdi-dinner na po kayo?” Napatingin si Lyla sa maid na lumapit sa kanya. “Tapos na ba silang kumain?” nag-aalalang tanong niya. Baka isipin nilang nagpapaimportante siya dahil unang araw pa lang niya sa bahay na ito, late na siyang dumulog ng hapag-kainan. “Nagdi-dinner pa po sila, ma’am. Ihatid ko na po kayo roon.” “Ah, sige,” nakangiting sagot ni Lyla. Sinundan nga niya ang maid kung saan ito nagtungo. Mabuti na lang at may kasama niya. Siguradong maliligaw siya sa bahay na ito dahil sa luwang at dami ng pinapasukan nilang daanan. “Good evening everyone!” bati ni Lyla nang makarating sila sa dining room. Napabaling naman ang tingin ng tatlong nasa hapag-kainan nang marinig ang sinabi niya. “Iha, halika na rito. Sumabay ka na sa amin,” masayang yakag ni Mrs. Lumbera. Nagpasalamat siya sa maid na naghaaid sa kanya saka siya umupo sa mismong tabi ni Jak. Narito na pala ang lalaking ito pero hindi man lang siya ginising. “Pasensiya na po. Nakatulog po kasi ako.” “It’s okay, iha. Hindi na kita ipinagising kasi baka napagod ka.” Uminit ang pisngi ni Lyla sa sinabi ng biyenan niyang babae. Nang mapasulyap siya kay Jak ay napansin niyang seryosong nakatingin sa kanya ito. Mukhang galit ang loko. Bakit kaya ito nagagalit? Ano kayang nagawa niyang kasalanan? Dahil lang nakatulog siya? “Kumain ka na, Lyla. Siguradong gutom ka na,” sabad ni Mr. Lumbera. Nginitian lang ito ni Lyla saka nagsimulang kumain. Hindi na muna niya pinansin si Jak. Si Jak ang naunang natapos. Tumayo agad ito at nagpaalam sa mga magulang. Pero ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Pakiwari niya tuloy ang pangit niya sa paningin nito kaya hindi siya pinapansin. Nawalan na tuloy siya ng ganang kumain. Kaya mabilis niyang tinapos ang kanyang kinakain. Pero hinintay niyang matapos kumain ang mag-asawa bago siya nagpaalam sa mga ito. “Julia, ihatid mo si Lyla sa kuwarto nila ni Jak,” utos ni Mrs. Lumbera sa isang maid na naroon at nagsi-serve sa kanila. Ito rin iyong maid na kasama niya kanina. Mabilis namang tumalima ang maid. Sinabayan siya nito sa paglalakad hanggang makarating sila sa may elevator. “Matagal na po ba kayo rito sa mansion?” usisa ni Lyla sa maid. “May sampung taon na rin po, ma’am.” “Matagal na pala kayo rito. Alam n’yo po ba kung ilang taon na si Jak?” Nako-curious siya sa edad ng kanyang asawa. Alam niyang matanda ito sa kanya ng ilang taon. Hindi nga lang siya sigurado kung gaano kalayo ang agwat ng edad nila. “Sa pagkakaalala ko, thirty na si sir noong nag-birthday siya nitong nakaraang buwan.” Bahagyang lumaki ang mga mata ni Lyla. Twenty lang siya kaya sampung taon pala ang agwat nila. Pero hindi naman halata sa mukha ng asawa niya ang edad nito. Mas mukha itong twenty-five kaysa thirty. “May girlfriend po ba siya bago kami ikinasal?” Hindi niya alam kung bakit gusto niyang malaman iyon. Siguro dahil nag-aalala siya na iyon ang dahilan kung bakit inaayawan siya ni Jak. Bakit may girlfriend na ito at iyon ang gusto nitong mapangasawa. Napakamot ng ulo si Manang Julia. “Naku, ma’am, wala po akong alam sa bagay na iyan. Mula noong unang araw ko rito hanggang ngayon, kayo pa lang ang babaeng dinala niya rito.” Pinandilatan ni Lyla ang maid. “Gano’n po ba? Ibig ba ninyong sabihin wala pang naging girlfriend Jak? Parang imposible naman yata iyon, ah.” Hindi naman binabae ang asawa niya para hindi ito magka-girlfriend. Lalaking-lalaki ito. Napatunayan niya ito kanina noong angkinin siya nito na para bang wala ng bukas. Hanggang ngayon nga ay iniinda pa rin niya ang sakit sa pagitan ng hita niya. Pinipilit lang niyang kumilos nang maayos dahil nakakahiya sa mga biyenan niya at sa ibang tao sa mansion. “Hindi ko naman po sinasabi na hindi nagka-girlfriend si sir. Wala lang po siyang inuuwing babae rito mula noon. Kaya lang…” “Kaya lang, ano?” Napakagat-labi ang maid. “Ano po ba iyon, manang? Bakit hindi ninyo sabihin sa akin?” Nako-curious na talaga siya. “Ma’am, atin-atin lang po ito, ha? Huwag po ninyo akong isusumbong sa mga amo ko.” Mabilis na tumango si Lyla. “Naririnig ko po sa usapan nina Sir Jak at ng mga magulang niya na madalas siyang pagsabihan dahil sa hilig niya sa babae.” “Ah, naintindihan ko na. Huwag kayong mag-aalala. Hindi ko po sasabihin sa kanila ang narinig ko sa inyo.” Baka kaya hindi nag-uuwi si Jak ng babae sa bahay nila dahil ayaw ng mga magulang nito. Ipinagkasundo nga naman sila sa isa’t isa. Nang maihatid siya ni Manang Julia sa harap ng kuwarto ni Jak, nagpaalam na rin ito. “Ma’am, kung may kailangan po kayo, tawagan lang ninyo ako sa intercom.” “Sige po. Salamat.” Wala si Jak nang makapasok siya sa loob ng kuwarto. “Saan kaya nagpunta iyon?” pabulong niyang tanong sa sarili nang umupo siya sa gilid ng kama. Iginala niya ang tingin sa buong kuwarto. Pinaghalong black, gray, at white ang motif ng kuwarto. Panlalaki talaga ang dating at ayos sa loob. Wala siyang makitang picture o kahit anong pagkakakilanlan na si Jak ang may-ari ng kuwarto. Wala ring gaanong dekorasyon sa loob maliban sa tatlong abstract painting, maliit na bookshelf, study table, at fifty-six inches na smart TV. Minimalist ang may-ari ng kuwarto. Tumayo siya at nilapitan ang isang painting. Noon niya narinig na may biglang bumukas na pinto. Agad siyang napatingin dito. Nakita niyang lumabas mula sa banyo si Jak. Nakasuot na ito ng pajama. “Ano pang tinatayo mo riyan? Mag-shower ka na. Ayokong may nahihiga sa kama ko na hindi naligo. Maglinis kang mabuti ng iyong katawan. Gagamitin kita ngayon.” Nanlaki ang mga mat ani Lyla sa narinig. Napaka-parangka ni Jak na magsalita. Pero ang pinakaayaw niya sa lahat nang narinig niya ay iyong huling lumabas sa bibig nito. As in gagamitin siya talaga? Mas tatanggapin pa niya siguro kung sasabihin nitong aangkinin siya. Pero iyong salitang gamit, para na siyang bayarang babae. Ang ipinag-iba lang ay hindi siya nito babayaran dahil magulang nito ang nagbayad sa kanya. “O, bakit ganyan ka makatingin? Galit ka? Galit din ako. Ayokong magpakasal sa iyo pero pinilit pa rin ako nina mama. Humanda dahil katawan mo ang kapalit ng pamimilit nila sa akin. Wala kang karapatang magreklamo o tumanggi. Kaya ano pang ginagawa mo diyan? Maligo ka na o ako mismo ang magpapaligo sa iyo.” Hindi agad nakakilos si Lyla. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Humakbang si Jak patungo sa kanya. Balak sana niyang umatras pero naunahan siya nito. Mahigpit na hinawakan nito ang braso niya. Gusto sana niyang magpumiglas pero hindi niya magawa. Hinila siya nito hanggang sa banyo. “A-ako na ang bahala sa sarili ko. K-kaya ko na i-ito,” saad niyang nang tangkang hablutin ni Jak ang suot niyang bestida. Napaismid ang asawa niya. “Matuto kang sumunod nang maayos. Ako ang boss sa pamamahay na ito. Walang magagawa sina mama at papa sa gusto kong gawin sa iyo. Pinagbigyan ko na sila kaya ako naman ang masusunod ngayon. Kasalanan mo rin naman ito. Kinausap na kita noon na umatras sa kasal pero tumanggi ka. Kaya panindigan mo ang iyong naging desisyon.” Bago pa makasagot si Lyla ay lumabas na si Jak. Maingay pa ang pagsara ng pintong nilabasan nito. Napahugot nang malalim na hininga si Lyla. May pag-asa pa kayang lumambot ang puso ni Jak? Kaya ba niyang pawiin ang galit nito? Susubukan niya. Umaasa siyang magiging maayos din ang lahat sa kanilang dalawa. Kung hindi man, sana makaya niyang pakitunguhan ito sa susunod pang mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD