bc

The Billionaire's Chosen Wife (My Billionaire Husband Series 9)

book_age18+
21.5K
FOLLOW
100.5K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
confident
drama
bxg
city
enimies to lovers
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Lyla Marie Tembreza nang ipagkasundo siya ng mga magulang niya kay Jak Edcel Lumbera na anak ng kaibigan ng kanyang ama.

Makalipas ang limang taon, namatay ang mga magulang niya. Iniwan sa kanila ang napakaraming utang. Hiningi ng pinagkakautangan ng kanyang mga magulang ang kanyang nakababatang kapatid bilang pambayad. Noon din lang niya nalaman na ipinagkasundo pala siya ng kanyang magulang. Para iligtas ang kapatid, napilitan siyang hanapin ang mga magulang ni Jak upang humingi ng tulong. Pumayag ang mga ito na bayaran ang utang ng mga magulang niya para makauwi ang kapatid niya. Bilang kapalit, pakakasalan at pakikisamahan niya si Jak sa loob ng isang taon.

Hindi niya inakalang magiging bangungot pala ang buhay niya sa piling ni Jak. Galit na galit ito sa kanya at malamig ang pakikitungo. Tanging sa ibabaw lang ng kama sila magkasundo. Ngunit bago matapos ang isang taon, hiniwalayan siya ni Jak. Wala siyang nagawa kung hindi umalis na durog ang puso at bitbit ang lihim ng kanyang pagbubuntis.

May pag-asa pa kayang magkabalikan sila ni Jak? Mabubuo pa kaya ang pamilyang inaasam niya? O itatapon na lang niya sa hangin ang lahat ng pangarap at pagmamahal niya sa lalaking singtigas ng bato at singlamig ng yelo ang puso?

chap-preview
Free preview
Prologue
ANG LAPAD ng ngiti ni Lyla habang nakatitig sa pregnancy test kit na hawak niya. Sa wakas pagkaraan ng halos ilang buwan na pagsasama nila ni Jak, nakabuo rin sila. Siguradong matutuwa ang asawa niya rito. Siguro naman mamahalin na rin siya nito at ituturing na asawa dahil magkakaanak na sila. Hindi siya makapaghintay na sabihin ang magandang balita sa asawa niya. Anong oras pa kaya ito uuwi? Nilingon niya ang relo sa dingding ng master bedroom. Alas-sais y medya na pala ng gabi. Malamang isang oras na lang ang hihintayin niya bago dumating si Jak. Ibinulsa niya ang PT sa kanyang suot na shorts. Pupunta muna siya ng kusina at tutulong sa paghahanda ng hapunan nila. Naglalakad na siya sa hallway nang may marinig siyang boses pagkatapat niya sa kuwartong katabi lang ng master bedroom. Ginagamit na opisina iyon ni Jak. Lumapit siya rito at itinapat sa pintuan ang kanyang tainga. “Damn you, Jak! Wala ka na talagang gagawing tama! Kung ayaw mo talaga kay Lyla, maghiwalay na lang kayo! Palayain mo na lang iyong tao para hindi na siya magtitiis pa sa iyo. Alam ko naman na kahit kailan hindi mo siya itinuring na asawa.” Alam ni Lyla na boses iyon ng papa ni Jak. “Tigilan mo iyan, Ronald! Wala ni isa man sa mga mag-asawa ng pamilyang ito ang umabot sa puntong hiwalayan. Jak, huwag mong simulan iyan ngayon,” babala ng biyenang babae ni Lyla “I’m sorry, ‘ma. Pero tama si papa. Mas makabubuting maghiwalay na lang kami ni Lyla. Hindi ko siya gusto. Alam n’yo iyan. Kayo lang naman ang may gusto sa kanya kaya ginawan ninyo ng paraan upang maikasal kami kahit na ayaw ko.” Parang may batong bumara sa lalamunan ni Lyla nang marinig ang tinig ni Jak. Kandahirap siyang lumunok. “Ginawa namin iyon ng mama mo sa pag-aakalang magbabago ka sa pambababae mo. Pero may asawa ka na nga, babaero ka pa rin. Hindi ka na nagbago. Hindi mo man lang binigyan ng kahihiyan ang asawa mo! Nakakahiya ka!” muling sumbat ng biyenan niyang lalaki. “What? Gusto ninyo akong magbago kaya ipinakasal ninyo ako sa babaeng iyon? Pa, ‘ma, hindi mangyayari iyang sinasabi ninyo. Hindi ako naniniwala sa letseng pag-ibig na iyan! Hindi totoong may forever! Wala ring babaeng karapat-dapat sa pagmamahal ko. Pare-pareho lang sila na pera at gandang lalaki ko ang hinahabol sa akin. Of course, magaling din kasi akong magpaligaya sa kama kaya isa pa iyon kung bakit nagkandarapa ang mga babae sa akin. Pero wala akong balak na magpatali kaninuman. Kayo lang naman ang may gusto na mag-asawa ako.” Napatakip ng kanyang bibig si Lyla. Ayaw niyang makalikha ng anumang ingay sa takot na baka marinig siya ng mga tao na nasa loob ng kuwarto. Alam niyang hindi naman talaga siya mahal ni Jak. Pero masakit pa rin pala kapag narinig iyon sa bibig ng mismong asawa niya. Dinaig pa niya ang tinusok ng napakaraming karayom. “The hell with you, Jak! Hindi mo na nirespeto ang mama mo at mga kapatid mong babae sa iyong sinasabi! Anong akala mo sa kanila? Hindi sila matino? Ano bang tingin mo sa sarili mo? Diyos na kailangang sambahin kaya walang karapat-dapat na babae?” Lalong tumaas ang boses ng ama ni Jak. Sigurado si Lyla na nanggagalaiti na sa galit ang biyenan niya base sa tinig nito. “Pa, exemption to the rule sina mama, Rosaline, at Celine. Iginagalang ko sila katulad din ng paggalang mo at paggalang ng kanilang mga asawa. Pero kung pagbabasehan ang mga babaeng nakilala ko mula pa noon, wala ni isa man sa kanila ang deserving sa pagmamahal ko,” katuwiran ni Jak. “Ganyan din ba ang tingin mo kay Lyla? Ano ba ang ginawa niya sa iyo para hindi mo siya magustuhan, ha? Halos ilang buwan na kayong magkasama sa loob ng iisang bubong pero hindi mo pa rin siya natutuhang mahalin. Ano bang problema?” sabad ng mama ni Jak. Katahimikan ang namayani sa loob ng kuwarto. Hindi malaman ni Lyla kung napahiya ang asawa niya sa tanong ng ina nito o nag-iisip lang ito ng idadahilan. “I’m sorry, ‘ma, ‘pa. But I’ll never ever love Lyla even if the moon will turn blue.” Nanlaki ang mga mata ni Lyla sa narinig. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Kumurap siya ng ilang beses upang pigilin ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Ganoon na ba katindi ng pagkadisgusto ni Jak sa kanya para sabihing hindi siya nito mamahalin kahit kailan? Wala ba siyang katiting na halaga man lang sa asawa niya? Walang kakuwenta-kuwentang babae ba siya sa paningin ni Jak? Akmang aalis na si Lyla sa tabi ng pintuan nang muli niyang marinig ang tinig ng ama ni Jak. “Fine! You win! Mag-divorce na lang muna kayo ng asawa mo. Pagkatapos aayusin natin ang annulment ninyo para tuluyan nang mabura ang pagiging mag-asawa ninyo. Kakausapin ko si Attorney Aragon bukas.” “No need to do that, ‘pa. Nakahanda na ang divorce papers namin ni Lyla. Matagal ko nang naayos iyon. Hinihintay ko na lang ang wedding anniversary namin bago ko siya papirmahin.” Tuluyan nang nalaglag ang luhang pinipigilan ni Lyla. Matagal na palang naiplano ni Jak ang mangyayari sa relasyon nila. Wala na pala siyang magagawa para pigilan ito. Napahawak siya sa kanyang tiyan saka dahan-dahang lumayo sa pintuan. Hindi niya malaman kung babalik siya sa kuwarto o bababa ng hagdan. Ilang segundo rin siyang nasa malalim na pag-iisip. Bandang huli, nagpasya siyang bumaba na lang. Habang humahakbang siya pababa ng hagdan, pinupunasan niya ang kanyang luha. Nang tuluyan na siyang makababa, natuyo na niya ang kanyang mukha. Hindi pa ito ang tamang oras para umiyak siya. Patitigasin muna niya ang kanyang puso. Kailangan muna niyang makausap si Jak para makasiguro kung ano talaga ang pinaplano nito para sa kanilang dalawa. Pagdating niya sa dining room, naghahain na ang mga maid. Tumulong na lang siya sa mga ito para pansamantalang maiwala niya ang sakit na nararamdaman. Ilang minuto pa ang lumipas, dumulog na rin sa hapag-kainan ang mga biyenan niya kasama si Jak. Tahimik lang siya habang kumakain sila. Pinipilit niyang kumain nang maayos kahit na sa totoo lang halos hindi niya malunok ang pagkain. Nang matapos silang kumain, sinabihan siya ng mama ni Jak na gusto siya nitong kausapin. Kinakabahan man ay napilitang sumunod si Lyla sa biyenan nang ayain siya nito sa opisina ng asawa niya. “I’m sorry, iha. Ayoko sanang gawin ito pero hindi namin mapigilan si Jak sa gusto niyang mangyari. Gusto na niyang hiwalayan ka,” mahinahong saad ni Mrs. Lumbera. Napakagat ng kanyang labi si Lyla. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para lang hindi tumulo ang kanyang luha. “I understand, tita. Hindi n’yo po kailangang mag-sorry sa akin.” Halos gumaralgal ang tinig niya. “Hey! Bakit mo naman ako tinatawag na tita? Dapat mama pa rin. Kahit naman maghiwalay kayo ni Jak, anak pa rin ang turing ko sa iyo. Hindi na magbabago iyon.” Napangiti nang mapait si Lyla. “Thank you po. Pero nakakahiya nang tawagin ko kayong mama kung maghihiwalay na kami ni Jak.” “I’m really sorry about this. Hindi ko gusto ang desisyon na ito ng anak ko. Maniwala ka sa akin, umasa din akong hindi mauuwi sa hiwalayan ang pagsasama ninyo. Pero may mga bagay talaga na hindi puwedeng ipilit.” Hinawakan pa ni Mrs. Lumbera ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “It’s okay po. Wala kayong dapat ihingi ng dispensa sa akin. Besides, desisyon ko rin naman po na magpakasal kay Jak. Hindi ako nakinig sa payo ninyo noon.” Napailing ang matanda. Dinampot nito ang envelope na nasa mesa. Binuksan nito at inilabas ang laman saka ibinaba sa kanyang harapan. “Will you sign this paper, iha?” Huminga nang malalim si Lyla. Mabilis niyang pinasadahan ang papel sa kanyang harapan. Divorce paper iyon at pirma na lang nila ni Jak ang kulang. Nang muli siyang tumingin sa kanyang biyenan, may inilapag itong sign pen sa harapan niya. Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon at binuksan. Napahigpit pa ang hawak niya rito habang pumipirma. Nang makapirma siya, mabilis niyang inilapag ang panulat sa mesa. “My son will give you an alimony for this. Sisiguraduhin kong matatanggap mo ito bukas,” wika ng matanda. Tumango na lang si Lyla. Hindi na niya gustong magsalita pa dahil sigurado siyang basag na ang boses niya kapag umimik pa siya. Pinisil ni Mrs. Lumbera ang kamay niya. Nang pakawalan siya nito, agad na natuon ang pansin niya sa suot na wedding ring. Mabilis niya itong hinugot saka inilapag sa ibabaw ng dokumentong pinirmahan. “Pakibalik na lang po ito kay Jak,” mahinahon niyang sabi bago siya tumayo at lumabas ng kuwarto. Pagpasok niya ng master bedroom, wala pa roon si Jak. Kinuha niya ang maliit niyang maleta at inilagay dito ang kanyang mga personal na gamit saka siya nagbihis. Pinasadahan muna niya ng tingin ang buong kuwarto bago niya tinungo ang pintuan. Hahawakan na sana niya ang doorknob nang bigla itong bumukas. Nakatayo roon si Jak na wala man lang anong emosyon sa mukha nito. “Going somewhere tonight?” “Aalis na ako,” sambit ni Lyla. “Okay. You can go,” balewalang sagot ni Jak. Bumigat ang dibdib ni Lyla. Pakiwari niya’y kakapusin siya ng hininga. Ngunit hindi siya nagpahalata sa kanyang asawa. Bibigyan lang niya ng kasiyahan ito kung iiyak siya sa mismong harapan nito. “Goodbye, Jak Edcel Lumbera!” “Goodbye, Lyla! Good riddance!” Mabigat ang paang lumabas ng kuwarto si Lyla. Nang makalabas siya ng bahay, muli niyang nilingon ang pinanggalingan. “Maraming salamat sa magagandang alaala. Pero hindi na ako babalik pa rito kahit kailan.” Napahawak siya sa kanyang tiyan. “I’m sorry, baby. Hindi mo na makikilala at makikita pa ang daddy mo. Sana mapatawad mo ako sa gagawin kong ito.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook