PAGKAALIS ni Jak, agad na kinuha ni Lyla ang calling card na ibinigay nito kay Lemuel. “Nanay, itago mo po iyan. Huwag mong iwawala. Baka hanapin ni Tatay Jak,” bilin ni Lemuel. Tumaas ang kilay ni Lyla. Tatay Jak talaga, Lemuel? Sasabihin niya sana iyon, kung nasa tamang isip lang sana ang anak niya. Pero bata pa kasi ito at hindi pa naiintindihan ang mga bagay-bagay. Hindi rin niya masabi rito na dapat silang umiwas kay Jak. “Anak, halika na. Pupunta na tayo sa Heart Center.” Paalis na dapat sila kanina kung hindi lang dumating si Jak. Naantala tuloy ang pag-alis nila. Hindi niy alubos akalain na matutunton sila nito. Nang makarating sila sa lobby, agad silang binati ng receptionist. “Good morning, ma’am. Aalis po ulit kayo?” “Ah, oo. Pupunta kami ng Heart Center. Kumain lang kami

