Chapter 3 - You're Mine

1500 Words
“I NOW pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride,” saad ng judge na nagkasal kina Lyla at Jak. Napakurap ang dalaga nang hawakan ni Jak ang kamay niya. Akala niya ay hahalikan siya nito ngnit nagulat siya sa lumabas sa bibig ng kanyang asawa. “Excuse us. Mauna na kami. Marami pa kaming gagawin,” seryosong sabi ni Jak. Hindi na nito binigyan ng pagkakataon na makapag-react ang sinuman sa kanilang naroon. Basta na lang nito hinila si Lyla sa kamay at nagmamadaling lumabas sa opisina ng judge na kaibigan ng mga magulang nito. Muntikan nang matalisod si Lyla sa bilis ng paglalakad ni Jak. Nakasuot kasi siya ng apat na pulgadang stiletto at may kahabaan din ang suot niyang putting bestida kaya nahihirapan siyang maglakad nang mabilis. Kulang na lang kaladkarin siya nito. “Hey! Dahan-dahan lang. Saan ba tayo pupunta?” kinakabahang tanong ni Lyla. “Huwag ka nang magsalita. Sumunod ka na lang.” Hindi siya tinapunan ng tingin ni Jak. Lalo pa nitong binilisan ang kilos at humigpit din ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Gustuhin man ni Lyla na magprotesta, hindi naman niya magawa. Natatakot siya sa nakikita niya sa itsura nito. Magkaigting ang mga panga nito. Singdilim din ng kalangitan na nagbabadya ng ulan ang mukha nito. Nang makarating sila sa tabi ng kotse ni Jak saka pa lang nito binitiwan ang kamay niya. Habang binubuksan nito ang sasakyan, napatitig nang husto si Lyla sa kotse. Napataas ang kilay niya nang makilala ang modelo ng sasakyan, Bugatti Centodieci. Kung hindi siya nagkakamali kulang-kulang na kalahating bilyong piso ang halaga nito. Ganoon na ba kayaman ang pamilya ng asawa niya? “Get in!” Napapitlag si Lyla nang marinig ang tinig ni Jak. Nagmamadali siyang pumasok sa loob. “Seatbelt!” muling sigaw ni Jak nang makaupo na ito sa driver’s seat. Agad namang kumilos si Lyla para ikabit ang seatbelt. Katatapos pa lang niya itong maisuot nang patakbuhin ni Jak ang sasakyan. Halos malula siya dahil hindi yata takbo ang ginagawa ni Jak sa kotse nito. Pakiwari niya ay lumilipad ito sa bilis. Napakapit siya tuloy sa kanyang kinauupuan para hindi siya malaglag. Napapikit na rin siya dahil sa matinding takot. Hindi siya makatagal na nakatitig sa kalsada habang halos hindi na sumayad ang mga gulong sa kalsada. Saka pa lang nagmulat si Lyla nang maramdaman niyang huminto ang sasakyan. Nagbukas siya agad ng mata. Napansin niyang nasa harapan na sila ng isang mala-palasyong tahanan. Ilang segundo siyang napatitig sa bahay sa kanyang harapan. Hindi naman sila mahirap. May kaya din naman ang pamilya niya dahil may negosyo ang kanyang mga magulang niya. Pero mukhang malayo ang agwat nila sa buhay ng napangasawa niya. “Baba!” Napangiwi si Lyla nang marinig ang tinig ni Jak. Napansin niyang nakabukas na ang pinto sa tabi niya at seryosong nakatitig sa kanya ang asawa niya. Kinalas niya ang seatbelt at nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Namilog ang mga mata niya nang masilayan nang husto ang bahay na nasa harapan niya. “Bahay ninyo ito?” hindi mapigilang tanong ni Lyla. Napaismid si Jak. “Hindi. Bahay ng magulang ko.” “Ah, okay. Dito tayo titira?” Hindi na siya sinagot ni Jak. Iba ang lumabas sa bibig nito. “Bilisan mong kumilos! Huwag kang babagal-bagal diyan!” singhal ni Jak. Napatakip na lang ng bibig si Lyla at pilit na sinusundan ang asawa niyang mabilis na naglalakad papasok ng bahay. Pagpasok nila sa loob ay napansin agad ni Lyla ang marangyang living room ng pamilya Lumbera. Ngunit bago pa niya masambit ang kanyang paghanga ay bigla na lang siyang hinila ni Jak. “Ay! Ano ba? Nasasaktan naman ako sa ginagawa mo!” reklamo niya. Gusto sana niyang hilain ang kamay pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng asawa. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito na para bang isa lang siyang maliit na bata. Kahit na nang pumasok sila sa elevator ay nanatiling nakahawak sa kamay niya si Jak. Binitiwan lang siya nito nang nasa loob na sila. Sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ay nag-iwan tuloy ng marka sa palapulsuhan niya. Nang makalabas sila ng elevator ay muli na naman siyang hinila ni Jak hanggang makapasok sila sa kuwarto. Nang nasa loob na sila ay itinulak siya nito sa kama. Mabilis naman siyang bumangon para lang magulat sa sumunod nitong sinabi. “Hubad!” Napanganga si Lyla. “N-nagbibiro ka ba?” “Mukha ba akong nagbibiro, ha?” Hindi alam ni Lyla kung ano ang isasagot. Napansin niyang umupo sa gilid ng kama si Jak saka ito nag-alis ng sapatos at medyas. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang kinalas nito ang buckle ng sinturon. Agad siyang bumaba ng kama. Ngunit bago pa siya makahakbang ay hinila na nito ang kamay niya. “Saan ka naman pupunta? Dito ka lang! Katatapos lang ng kasal natin kaya dapat magha-honeymoon tayo.” Pinandilatan ni Lyla si Jak na noon ay nag-aalis na ng butones ng polo nito pagkatapos itong mai-tuck out. “Pero…h-hindi pa ako handa. Puwede bang sa isang araw na lang?” Binitiwan ni Jak ang hawak nitong kamay niya. Tumayo ito at pinisil ang dalawang pisngi niya gamit ang kamay nito. “Hindi ba’t interesado ka sa pera ko? Puwes, ibibigay ko ang lahat ng perang kailangan mo kapalit ng iyong katawan. Siguro naman hindi ako malulugi sa iyo, hindi ba?” May kung anong pumiga sa puso ni Lyla sa sinabi ni Jak. Kaya pala pumayag ito na pakasalan siya dahil lang interesado ito sa katawan niya. Ang lagay nito, wala siyang ipinag-iba sa isang babaeng bayaran. Sabagay iyon naman talaga ang totoo, eh. Pumayag siyang magpakasal kay Jak para matulungan siya ng mga magulang nito na ibangon ang kompanyang iniwan ng mga magulang niya. Bukod doon maililigtas pa sana niya ang kanyang kapatid sa kamay ni Mr. Callanta. Kahit hindi man nailigtas ang kapatid niya, may utang pa rin siya sa mga magulang nito dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makausap at makaharap pa ang kanyang kapatid bago man lang ito tuluyang ilayo sa kanya ni Mr. Callanta. Kaya tama lang siguro na siya ang magsakripisyo para sa kapakanan nilang magkapatid. Isa pa'y hindi niya gustong magkaroon ng utang na loob kaninuman. Kaya gagawin niya ang lahat para makabayad sa lahat ng taong tumulong sa kanya at sa kapatid niya. “Ano pang hinihintay mo diyan? Hubad na!” untag ni Jak. Noon lang napansin ni Lyla na nahubad na pala ni Jak ang polo at panloob nitong t-shirt kaya ngayon nakahantad na ang kahubdan nito. Napalunok siya nang makita ang malapad nitong balikat, mabatong dibdib, at prominenteng pandesal. Tahimik niyang binilang ipinagmamalaki nitong pandesal. May eight pack abs pala si Jak. Hindi naman siya mahilig sa pandesal at kahit sa kape. Pero kung sakali man na nakakain ang pandesal ng asawa, gusto niya itong isawsaw sa mainit na kape. “Did you enjoy the view?” sarkastikong tanong ni Jak. Hindi sumagot si Lyla. Umiwas siya ng tingin. “Ikaw naman ang maghubad kung ayaw mong sirain ko ang damit mo,” may diing utos ni Jak. Napasimangot si Lyla. Hindi naman siya nahihiya sa kanyang katawan. Pero hindi lang niya talaga lubos maisip na ganito pala katarantado ang napangasawa niya. Inalis niya ang suot na sapatos. Pagkatapos umatras siya ng isang hakbang saka kinapa ang siper ng kanyang suot na bestida. Maingat niya itong ibinaba at nang mahulog sa kanyang paanan ang damit ay muli siyang humakbang paharap. Matiim na nakatitig sa kanya si Jak. “Hubarin mo lahat! Wala kang ititira sa katawan mo!” Napangiwi si Lyla. Kahit nababastusan siya sa utos ng asawa, napilitan pa rin siyang sundin ito. Tinanggal niya ang hook ng bra saka hinubad ito. Isinunod niya kaagad ang kanyang bikini. Lakas-loob siyang humarap sa asawa. Napansin niya agad ang bahagyang panlalaki ng mga mata ni Jak. Pati ang Adam’s apple nito ay mabilis na gumalaw. Puno ng pagnanasa ang mga mata nitong sinuyod ang buong katawan niya. Kung ibang babae lang siguro ang nasa harapan ng asawa niya, baka mahihiya itong maghubad. Pero hindi si Lyla. Ipinagmamalaki pa nga niya ang kanyang katawan dahil ito ang best asset niya bukod sa kanyang utak. Lumapit sa kanya si Jak at tumayo sa mismong harapan niya. “This is mine.” Pinasadahan ng hinlalaki nito ang bibig niya. “These are also mine.” Pinisil ni Jak ang magkabilang n****e niya. Muntik na siyang mapaungol sa ginawa nito. “Even this one is mine alone.” Dinaanan ng daliri nito ang hiwa niya sa pagitan ng kanyang mga hita. Agad siyang napakapit sa balikat ni Jak nang simulant nitong hagurin ang kanyang p********e. “Today and onwards, I own you from head to foot,” ani Jak bago nito hinuli ang kanyang mga labi. Ungol na lang ang naging sagot niya dahil tuluyan nang ginalugad ni Jak ang bibig niya nang ibuka niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD